HINDI AKALAIN ni Eunice na ganito kakumplikado ang lahat kapag nagkaharap-harap na sila. Hindi niya lubos maisip na iniisip ni Jonathan na may relasyon siya sa ama nito. Mabuti nalang at nasa kabilang branch nila sa Sta. Rosa ang mga magulang niya dahil siguradong mabubugbog ito ng ama niya. Tiyak na hindi lang suntok ang aabutin nito kung nagkataon. Gustuhin niya man itong ipagtanggol ay hindi niya magawa sa galit. Ang ikinatatakot niya lang kanina ay baka atakihin si Tito Jonas sa labis na galit sa anak kung kaya siya umawat. Hindi niya lubos maisip na pinagdududahan siya ni Jonathan na may relasyon sa ama nito. Hindi niya alam na mababang klaseng babae ang tingin sa kanya ng lalaki. Hindi iyon katanggap-tanggap. Isa pa ang alam niya ay kilala siya ni Jonathan. Magkaibigan silan dalawa

