CHAPTER FIFTY-FOUR

1321 Words

NAKATITIG lamang si Jonathan sa kanyang misis. Tulog na tulog ito. Mataas na ang sikat ng araw sa labas pero tila wala itong pakialam. Napagod niya yata ito ng husto kagabi. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. Hindi siya makapaniwala na asawa niya na ito ngayon. Asawa niya ang kanyang kaibigan. Ang kanyang pinakamamahal. Hindi niya napigilang hindi halikan ang tungki ng ilong nito... "Ahhhm.... Gising ka na?" Pupungas-pungas na tanong sa kanya ng asawa. "Kanina pa kita pinagmamasdan. Hanggang ngayon ay para pa rin akong nakalutang. Hindi pa rin ako makapaniwala," nakangiti niyang wika. Idinilat nito ang mga mata at ngumiti sa kanya. "Good morning," nakangiti nitong bati sa kanya. "Maganda ka pa sa umaga," sagot niya. Sumiksik ito sa kanyang hubad na dibdib. Napangiti na lamang siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD