Naka cross arms siya habang pinagmamasdan akong binabasa ang contract. Kasama doon na hindi na ako pwedeng maglalalabas masiyado.
"Pero pwede naman minsan?"kulit ko sa kaniya.
Hindi ko na makikita iyong mapuputing ngipin ni Birth Control pag hindi ako lumabas. Mami-miss ko 'yon, baka hindi ako maka survive pag hindi ko siya nasilayan. Nakakaiyak!
Saglit na naman siyang tumitig sa'kin. Maganda ang mga mata niya, nakakatunaw pa nga, e. Pero mas nakakatunaw pa rin ang mga kindat ni Birthy baby ko.
"Once a month will do."
Napanganga ako. Seryoso?
"O-Once a month?" 'Di makapaniwala na nakatitig ako sa kaniya.
"Yeah, Or once for two–"
"T-Two weeks ba 'yan?"singit ko agad.
Kung gano'n hahalikan ko siya buong magdamag, paliligayahin ko siya hanggang sa matapos ang kontrata. Hindi ko siya bibigyan ng sakit sa ulo buong buhay niya.
"Two months,"dugtong niya.
Bumagsak ang balikat ko.
Bumalik ang mata ko sa kontrata na hawak. Walang jugjogan, yeah, gaya ng sinabi ni James. 1 year contract, good luck sa one year na 'yon. One year na hindi ako sisikatan ng araw, one year na nakakulong lang sa bahay na 'to.
Bumuntong-hininga ako, para rin naman 'to sa pamilya ko. Para 'to sa future ko. Oras na nakuha ko na ang pera tatapusin ko na ang piniling kurso, pag-aaralin ko si Shalala at gano'n din si Cubicle. Bibigyan ko ng negosyo si Tita para hindi na siya maging prosti.
Mula sa madilim na sulok na kinatatayuan niya ay nagsimula itong humakbang papalapit. Umayos ako ng tayo hawak pa rin ang kontrata. Nakadungaw lang siya sa'kin dahil sa tangkad niya. Natatabunan ng malaki niyang katawan ang pigura ko. Kumuha siya ng ballpen sa side table niya at lumapit ulit sa'kin.
"Here, take your time. Just call me when you're done,"aniya at nagsimulang hilahin ang manggas ng damit sa likuran upang hubarin ang damit.
Itinapon niya sa kama niya ang pinaghubaran at nagtungo sa pinto sa kabilang side. Iyon siguro ang banyo niya.
Nagsigalawan ang mga muscle niya likod nang bahagya itong mag stretch at nag stretch din ito ng leeg bago tuluyang naglaho sa pintuan. Katahimikan na lamang ang namayani sa buong silid. Pagkatapos akong anyayahan nitong kumain ay dinala na ako nito sa silid nito. Kung anu-anong edeya ang pumasok sa utak ko nang malaman na silid niya ang lugar kung saan kami mag-uusap. Syempre unang nasabi ko sa isip,
'Akala ko ba walang jugjogan?'
And no'ng malaman ko. Kontrata lang naman pala. Dumi talaga ng utak!
...
Alam ko na naman ang set up dahil sa kadaldalan ni James. Pasalamat siya nagkaroon siya ng kaibigang parang machine gun kung magratatat ang bunganga.
Hindi na siya naabalang magpaliwanag dahil kay James.
May katulong sa bahay na 'yon at hindi ko na balak pang bumaba para kumain. Nagkalat sa silid ko ang mga balat ng tsiserya na kinain ko kanina. Napakaraming pagkain sa ref na nasa kwarto na 'to. Tangan-tangan ko pa ang minute maid juice habang tinititigan ang langgam na hinahakot ang asukal mula sa kinain ko kaninang polvoron.
Wala akong ibang ginawa sa bahay na 'yon kundi ang magbilang ng langgam na pumapasok sa kwarto. O di kaya ay butiki sa kesame. Minsan hinuhuli ko tapos pinuputulan ng buntot.
Humilata ako at pumadyak. Nakakainis na buhay to, oh. Nakakabagot na talaga dito. Wala naman akong friends o ano sa labas pero busy ako sa pag-aaral ko at pagtitig kay Birth Control.
Ang hirap pala talaga ng nakakulong.
Naisip kong lumabas sa silid kalaunan. On call ang mga maid sa mansyon na 'yon. Ngayon ay wala na sila matapos nilang linisan ang buong bahay.
Sumilip-silip ako sa mga pintuan na nakaawang. Bumaba pa ako at saktong napansin kong may babaeng paika-ika na lumabas sa isa sa silid sa baba. Napakunot ang noo ko at kalaunan may na-realize.
"Silid yata 'yon ni Stevon."
Namilog ang mga mata ko at agad nagtungo sa silid niya. Di kaya niluuban na kami? Sino ang babaeng lumabas na 'yon?
Bakit siya paika-ika? Nabugbog ba siya ni Stevon bago niya napatay iyong lalaking 'yon?
Mabilis akong natungo sa kwarto niya. At nakaawang pa ang pintuan kaya agad kong sinipa para hanapin siya sa loob.
"Hoy lalaki! Nasaan ka?!"sigaw ko.
Medyo may kadiliman doon tanging red lights lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Medyo erotic ang dating ng loob lalo pa at nanunuot sa ilong mo ang amoy ng perfume ng lalaki sa paligid.
Nakarating ako sa malaki niyang kama. Medyo gulo gulo ang itsura ng kama. Siguro dito nagpambuno ang dalawa, dito niya binugbog ang babae. Magkano kaya ang natangay no'ng kulangot na babaeng 'yon? Naunahan niya pa akong yumaman.
Kainis! Sigurado napunta sa kaniya ang kayamanan na dapat mapupunta sa'kin.
Binuksan ko ang banyo. Ini-imagine ko agad na nasa loob si Stevon at may saksak nang gunting sa leeg at nakatirik na ang mata dahil patay na. Putragis! Paano na ang isang milyon ko? Ay oo nga pala. Asawa niya ako kaya kung namatay si Stevon ay sureness sa akin mapupunta lahat ng kayamanan niya. Oh my!
"Why did you come back, Amanda?"
Nanlaki ang mata ko. Buhay pa siya? Hindi pwedeng buhay pa siya. Hinawi ko ang shower curtain para masiguro na totoong nandiyan pa siya. Kaya lang nakita ng mata ko iyong talong niya sa ilalim ng malinaw na tubig ng bath tub. Nakasaludo pa ang walang hiya.
"B-Buhay nga,"naibulong ko. Hindi maalis ang tingin ko sa mayor ni Stevon na ngayo'y nakasaludo pa rin.
Pumasok na sa'kin 'yan dati. Kaya pala ang sakit. Hindi naman pala ordinaryo ang laki at ang taba.
Matagal bago ko napansin ang malokong ngisi ni Stevon at sumandal sa bath tub. "Wanna join?"
Napakurap kurap ako at tumingin sa mukha niya lalo na sa mapupula niyang mga labi. Wala iyang binatbat kay Birth Control. Walang wala siya sa kalingkingan ng Birthy baby ko. Wala ba talaga? O baka si Birth talaga ang walang binatbat? Gosh! Ano ba 'tong iniisip ko?
Pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko kaya bigla na lang akong tumalikod.
"S-Sorry. Akala ko magnanakaw iyong babae kanina. M-Mukhang kilala mo naman pala siya." At akala ko patay ka na. Kung nangyari 'yon aba tiba-tiba ang bulsa ko.
"Yeah,"aniya at nahimigan ko ang pagtawa niya.
Ilang saglit ay narinig ko ang tubig. Mukhang umalis na siya sa bath tub ngayon.
"Mananakaw? Does she look like a theaf to you?"
Nanlaki ang mata ko at napalingon sa kaniya.
"H-Hindi, ah!"
Huli na nang ma-realize ko na wala siyang damit pang taas. Ayokong magtakip ng kamay as if naman virgin para gawin pa 'yon. Gosh! Naalala ko na naman iyong banyo scene namin noon.
Agad akong nag iwas ng tingin. Tumingin ako sa kesame, wow uh, walang butiki dito.
"Gusto ko tuloy ikuwento sa kaniya."
Namilog ang mata ko nang mapabaling na naman ang mga mata ko sa kaniya.
"A-Ano? H-Huwag!"
Gosh! Nakita ko na naman ang six pack abs niya. Atsaka iyong v-line niya sa may hips, iyong biceps niya iyong adams apple niya, iyong malalim niyang mga mata na nakakalunod kung tumingin.
Napalunok ako.
Alalahanin mong loyal ka kay Birth Control!
"I-I mean, hindi mo na kailangan ikuwento. Gusto mo bang kalbuhin ako no'ng babaeng mong 'yon?"nag cross arms ako at nag iwas na naman ng tingin.
Nakaka tempt tingnan as in.
Hindi na siya nagsalita kalaunan at nang balingan ko ay nalaman kong nakatitig na pala sa'kin. Mukhang amuse na amuse pa habang tinititigan ako.
"Kinda cute."
At pinitik ang ilong ko. Napahawak ako sa ilong ko. Ang sakit! Huli na para ratratan ko siya dahil nakatalikod na. Pumasok na sa walk in closet niya.
May araw ka rin.
Itutuloy...