Epilogue:Tahanan My mind still can't sink in what is happening right now. Parang ayaw pa rin ma-proseso sa isip ko. I mean, aware ako sa nangyayari at alam ko na kung ano ang katotohanan ngunit hindi ko pa rin ma-sink in sa utak ko. Basta, ang gulo. Hindi ko maipaliwanag. Maski ang nga nararamdaman ko ay hindi ko maipaliwanag. Gusto kong tumakbo paalis dahil sa pressure at hiya. Hindi ko inaakalang narito si Trystan matapos ang ilang buwan naming hindi pagkikita. Nahihiya ako sa kaniya at nahihiya ako para sa sarili ko. I just can't believe that my own family lied to me. Hindi naman iyon masama dahil mukhang maganda naman ang kalalabasan ngunit nagsinungaling pa rin sila sa akin. Isa pa, hindi pa nga nila alam kung desidido na ba talaga akong pakasalan o balikan si Trystan. Kung gayong

