Chapter 29:Doubts "Audri, kumain ka pa..." Patuloy sa paglagay ng pagkain si Trystan sa pinggan ko. Ngumiti lang ako sa kaniya at hinayaan siyang gawin iyon. Kinuha ko na lang iyong baso at nilagyan iyon ng tubig para ibigay sa kaniya. "Drink this," utos ko sa kaniya. Matapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ko ay kinuha niya mula sa akin 'yong baso at ininom iyong nilagay kong tubig. Ngumiti ulit ako habang pinanonood siyang ibaba 'yong baso niyang ubos na ang lamang tubig. "Uhm... Exam kasi namin bukas, Tan, baka hindi tayo makalabas," nahihiya kong sabi. Exam namin bukas para sa midterms, kailangan kong makapasa para hindi na naman madismaya sa akin si Mama at Papa. Actually, kahit naman makapasa ako ay wala pa rin silang pakialam ngunit ayaw ko rin namang madismaya ang sarili k

