Chapter 31:Reality Everything was just like a dream. Hindi nagtagal, mabilis akong nagising. Nilalamon na ako ng katotohanan at reyalidad, parang pilit akong ginigising mula sa isang panaginip na ayaw kong gumising. Ang bilis... Parang ang bilis ng panahon. Parang noon ay ayos lang kaming dalawa ngunit ngayon ay nagkakapagod-an na kaya nagkakalabuan na rin. I don't know what happened. Nagising na lang ako na hindi na kami okay, nagising na lang ako na may problema na kami, nagising na lang ako na pagod na kaming dalawa. Am I really selfish? Hindi ko ba talaga napansing pagod na siya? Hindi ko ba talaga nakitang pagod na pagod na siya para lang makakuha ng pera sa aming dalawa? Masyado ko nga bang inintindi ang sarili ko kaya hindi ko nakita? O baka nagbulag-bulagan ako kasi nga kampante

