CHRISTINE
Ngayong araw na 'to, ito na ang pinaka-worse thing na nangyari sa buhay ko sa pagiging CEO ko sa EyeRed Entertainment Company namin.
Una sa lahat, pinaandar na naman ni Clown ang pagiging pasaway niya.
Mayroon na naman isang viral video na nagkalat sa social media, na nakipagsuntukan siya sa isang bouncer sa bar kung saan umiinom siya sa public place.
Bakit sobrang pasaway niyang tao?! Sumasakit ang sentido ko ngayon dahil nagbibigay na naman siyang problema.
Binigyan ko na nga siya ng punishment, pero hindi pa nadala.
Huwag niyang subukan na palayasin ko siya mismo sa kompanyang 'to.
Nanggigil ako ngayon sa kanya.
Pangalawa, ngayong araw ay dapat 'REST DAY' ko pero dahil mayroong taong gumawa ng ikakapahamak sa kompanya namin dali-dali akong pumunta dito.
Kahit tanghaling-tapat at naiipit ako sa ka-trapikan, tiniis ko 'yon dahil may nagbanggaan na kotse at truck.
Pangatlo, malapit na nga ako sa kompanya, naubusan naman ako ng gas.
Walang malapit na gasoline station sa EyeRed kaya pinarada ko na lang sa gilid para iwan.
Tinawagan ko na lang si Quinn para asikasuhin yung sasakyan 'ko.
Pang-apat, wala akong choice dahil naubusan ako ng gas kaya naglakad akong naka-heels.
Pinakahuli, ramdam ko yung paltos na sobrang sakit ngayong pagdating sa office ko pero ininda ko yung sakit dahil inuna ko muna ang kailangan asikasuhin.
"Christine, what are you going to do?" tanong ni Quinn sa akin na nakatayo sa harap at ako'y nakatingin sa kisame ng office ko. Baka may makuha akong sagot sa katanungan ni Quinn.
Tinutukoy niya kung ano gagawin ko kay Clown.
Madali naman palayasin 'yang si Clown pero marami lang consequences para sa akin.
Baka maraming fans magwelga mismo sa harap ng EyeRed dahil sobrang walang awa ako sa mga artists.
Hindi ba siya naaawa si Clown sa EyeRed? Sinisira na nga niya ang EyeRed dahil sa pinag-gagawa niya. Iisipin nila lalo, hindi namin binabantayan si Clown.
To be honest, hindi namin maipapangako namin ng 100 percent na babantayin namin siya, siyempre ayoko naman masakal namin ang artists.
Hindi physical na sakal ito pero the way na kung paano higpitan pa namin lalo si Clown.
Baka ma-depress siya. Ayokong-ayoko may nagtatangkang magpakamatay dahil sa patakaran at punishment ng kompanya.
What am I going to do right now, Christine?
Gulung-g**o na ang aking isip at sumakit lalo ang ulo ko.
Pakiramdam kong mainit ang aking katawan pero kakayanin pa naman mabuhay.
Naghihintay ngayon ng kasagutan si Quinn kung anong dapat kong gawin pero kailangan na talaga kong mag-isip ng maayos.
Ayoko madala sa emosyon. Gusto ko lang magpakalma.
"What if magrelease ka ng soloist artist?" sabi ni Quinn sa akin.
"Sino naman ito?" tanong ko.
"Sino ba maganda ang boses and walang palya kapag sumikat ito?" tanong sa akin ni Quinn, "Here's the list of Queen of Hearts. Para sa akin si Frances. Since may background na siya sa isang survival show na nasalihan niya." suhestiyon niya sa akin at nilapag niya ang folder na lahat may information ng QoH.
Paano kaya ang gagawin?
Mas panatag ako kung isasama ko pa rin siya sa Queen of Hearts. Hindi magiging balanse ang grupo nila. Pero paano kung gawin ko siyang Lead Vocalist sa Queen of Hearts pero kukunin ko ang Lead Vocalist nila para maging soloist ito?
"Sino pala ang lead vocalist ng Queen of Hearts?" tanong ko sa kanya.
"Si Shaira." sabi niya at nagising diwa ko sa pagkasabi niya.
SI Elevator Girl?
Kanina may error siyang nagawa noong tiningnan ko yung rehearsal nila sa upcoming performance nila. Pero kung itutuon lang niya ang pagkanta, kaya niyang umangat. Hindi ko naman maitatanggi na maganda rin ang boses niya. Sadyang nangingibabaw lang talaga kanina ang mali niya sa performance niya kaya napagalitan ko siya.
"Gusto ko makita ang performance niya mag-isa lang siya." sabi ko at tiniklop niya ang folder para kunin ito.
"Bakit si Shaira?" pagtatakang tanong ni Quinn.
"May potential siyang maging solo singer. I think she's the one I'm looking for." sabi ko sa kanya at napatango na lang si Quinn.
"Papuntahin mo siya ngayon dito sa office." utos ko sa kanya at sumunod naman siya.
Ilang sandali lamang dumating na si Quinn na kasama niya si Shaira na panay linga ito sa paligid.
Ngayon lang ba siya nakapunta sa office ko?
" I need you to perform a piece of song 'Di Bale Na Lang' by Similar Sky right now." request ko sa kanya.
"Bakit po?" tanong niya pero tiningnan ko lang siya ng maigi. Makuha siya sa tingin ko.
"Just sing the chorus, Shaira." sabi ni Quinn sa kanya at tumango naman siya bilang pagsunod niya.
"'Di bale nang matagal, kung tama ang taong magmamahal. Ano kung nag-iisa? Ayaw lang ng pansamantala. Ang kailangan ko'y ikaw, ikaw na alam kong 'di bibitaw. 'Di man kita kilala, balang-araw ay darating ka..."
Siya nga ang hinihintay ko.
"Shaira ..." mahinahon kong tawag sa kanya.
"Handa ka na bang magperform mag-isa?" tanong ko sa kanya at nabigla siya sa aking sinabi.
"Ano po?" naguguluhang sabi niya sa akin. Okay na siya pero slow din ito. Masaya talaga pagtripan minsan 'tong si Shaira.
"Handa ka na bang maging Solo Artists ko?" tanong ko ulit sa kanya.
Biglang namilog ang kanyang mata na nagpapakitang hindi siya makapaniwala.
"Ano po? Handa na ba akong maging solo mo?"
Napailing na lang ako dahil sa kanyang pinagsasabi.
"Maganda ka nga pero bingi ka." iritang sabi ko sa kanya. Hindi pa rin niya gets ang tanong ko.
My goodness, Shaira.
"I was planning a while ago na maging Solo artists ka at alisin sa Queen of Hearts." paliwanag kong sabi sa kanya.
Bumilog ang kanyang mata sa pagkagulat.
"A-ako?" hindi makapaniwalang tanong niya habang nakaturo siya sa kanyang sarili.
"Yes. I think maaga pa naman para gawin kitang Solo Artists ng EyeRed sa ngayon." sabi ko sa kanya biglang nagseryoso ang kanyang mukha.
"Bakit po?" tanong niya na medyo nawala ang excitement sa kanyang mga mata.
"I haven't see your true performance yet, Shaira." sabi ko sa kanya.
"Gusto ko lang ng sapat na rason para ibigay ang oportunidad na maging karapat-dapat na Solo Artists ka ng EyeRed." sabi ko sa kanya at buntong-hininga na lang siya.
"Sige po." matipid niyang sabi sa akin.
May nasabi ba akong mali?
Bakit ganyan ang reaksyon niya?
Nawala ang kanyang excitement sa kanyang mata noong sinabi ko na masyadong maaga pa para maging solo artist siya.
Nadismaya ba siya dahil 'yon ang aking sinabi?
Tama bang hindi ko na lang sabihin para hindi siya umasa?
Dapat nga maging motivation niya 'yon para maging Solo Artists siya. Pero parang pinagsisihan ko na ngayon na sabihin sa kanya 'yon.
Tumingin na lang ako sa aking relo para tingnan kung anong oras na.
Alas singko na ng gabi.
Kailangan na niyang umalis dahil gutom na gutom na ako.
Gusto ko muna magpahinga sandali sa opisina. Baka mga alas syete siguro puwede na ako umalis.
"You may go na, Shaira." utos ko sa kanya.
Binigyan niya ako ng matipid na ngiti at tuluyan na siyang umalis sa opisina ko.
"Wait!!!!"
"Shaira!" tawag ko sa kanya.
Bago pa lang lumabas si Shaira biglang may taong nagbukas ng pinto.
Napahinto ito.
Nagulat ako na nakita ko si Diego papunta sa akin. Yinakap niya pa ako nang mahigpit.
Nakita kong nakatingin si Shaira sa aming dalawa.
Mukhang na-wi-wierduhan siya sa amin ngayon kaya pumiglas ako sa pagyayakapan namin. Tumingi nako kay Diego at sinamaan ko siya ng tingin.
"Di, bakit andito ka?" tanong ko sa kanya habang umupo ako.
Narinig kong sumara ang pinto ngayon. Mukhang umalis na si Shaira. Buti naman.
"Tin, ayaw mo ba akong makita?" tanong niya sa akin habang nakakulong ako sa kanyang kamay sa aking bewang.
Hindi talaga ako komportable ngayon sa aming posisyon.
"Diego, hindi ako komportable sa posisyon natin. Para tayong magjowa. Nakakadiri." sabi ko sa kanya.
Binigay ko ang aking lakas para bitawan niya ako at umupo ako agad sa sofa.
"Christine, sa dami-dami ng babae na nakilala ko, ikaw pa ang nandiri sa akin." pagtatampo niyang sabi sa akin.
Ngayon, tumabi siya sa akin at lumayo ako sa kanya lalo.
Ayoko talaga dumikit sa kanya saka siya yung tipong sobrang touchy na lalaki.
Mahilig maglambing pero hindi talaga ako komportable 'pag ginagawa niya sa akin 'yon.
Ayokong mag-expect siya sa akin na may feelings ako sa kanya. Ayoko siyang umasa kaya minsan ako ang lumalayo.
Unang-una sa lahat, nirereto ni Mommy si Diego maging boyfriend ko. Boto talaga si Mommy sa kanya pero ayoko talaga sa kanya. Even though childhood friend ko 'tong si Diego simula highschool ay matagal na rin niya akong nililigawan pero hindi ko talaga kaya siyang sagutin dahil sobrang busy ko sa work ko.
Wala rin akong time para magmahal ng iba.
Kahit sobrang perfect ni Diego sa mga mata ng iba, hindi talaga siya epektibo sa akin. Wala talaga kahit konting katiting lang. Wala.
Wala rin naman akong gana makipagrelasyon dahil nakatuon ako sa trabaho.
Bakit pa ako magsasayang ng oras para magkarelasyon kung wala sa kokote ko magkaroon ng boyfriend. Trabaho muna.
What if kung mayroon akong boyfriend ngayon?
Sinasabi ko sa inyo umpisa pa lang ng araw mukhang mag-aaway kami madalas dahil sobrang busy ko.
Ayoko magkaroon ng priority na hindi ko naman kayang tuparin diba? Ayokong masaktan siya kung mahal ko naman talaga ang pangarap ko kaysa sa kanya.
"Christine..."
Bigla akong kinabahan dahil seryoso siya sa pagtawag ng pangalan sa akin. Tumingin ako ng dahan-dahan sa kanya.
"I wan-" hindi natapos ang kanyang sasabihin, "Kain tayo sa labas."sabi niya at ngumiti siya sa akin.
Hindi naman ako manhid pagdating sa kanya dahil alam kong ano dapat niyang sabihin.
Alam ko na rin ang galawan niya.
Buti na lang hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin dahil natatakot siya na hindi tanggapin ko ang alok niya.
"Friendly date lang." sabi ko sa kanya. Binigyan niya ako ng ngiti at tumango na lang siya.
"May magagawa pa ba ako?" tanong niya at natawa na lang siya.
"Sabay na tayo, Tin. May dala akong kotse." sabi niya sa akin at tumingin ako sa kanya.
Ginulo niya ang aking buhok at binigyan ko siya ng matalim na tingin.
Matagal ko 'tong inayos, ginulo pa niya.
"Mauna na ako, Tin. Call me kung andyan ka na sa labas ng lobby." sabi niya sa akin at tumango na lang ako.
Napatingin siya sa akin at ngumiti siya.
Napansin ko na sobrang gwapo niya ngayon dahil nagshave ng bigote niya. Ma-appeal siya sa akin pero hindi ko siya talaga type.
Masyado siyang ma-alaga at mapagmahal kaya hindi ako karapat-dapat na maging girlfriend niya ako.
Wala akong panahon sa ngayon para magkapag-relasyon din.
Marami pa akong pangarap. Focus muna sa work.
Tumayo na siya at tuluyan na siyang umalis ng opisina ko. Kailangan ko muna maghanda para maging presentable naman akong tingnan.
Meron naman akong nakahandang damit sa closet ko. Just in case, na may lunch meeting, pwede na siguro suotin ang casual dress ko.
At saka mahilig si Diego magpareserve sa mga mahahaling restaurant kaya baka mapahiya pa ako kung formal office attire pa isuot ko.
Nandito na ako sa lobby na nakaupo. Medyo nahihiya ako dahil naka off shoulder akong casual dress at kulay pastel pink ito.
Pinagtitinginan nga ako ng mga empleyado dito sa lobby pero taas-noo na lang ako para magpanggap na may natitira akong confidence sa aking sarili.
Ngayon, tinawagan ko si Diego para malaman niya naghihintay ako dito sa lobby. Buti na lang sumagot ito.
"Hello, Tin? Andyan ka na ba?"
"Yes, Diego. Bilisan mo. Pinagtitinginan na ako dito."
"Christine, hayaan mo sila. Maganda ka naman talaga kaya napapatingin sila sayo."
"You need to hurry up, Di."
"Give me 15 minutes. Mayroon akong inaayos dito. Saglit lang, Tin."
Napansin kong nakita ko sa labas ng lobby si Shaira.
"Hello, Tin? Are you there?"
Mukhang may hinihintay si Shaira ngayon at binaba ko na agad ang linya naming dalawa ni Diego.
Pumunta ako sa kinaroroonan ni Shaira pero hindi naman niya ako napansin dahil nakatingin siya sa malayuan sa kanan niya.
Wala naman akong balak na pansinin siya dahil wala rin naman akong sasabihin sa kanya.
Kahit idolo niya ako, hindi pa rin magbabago ang isip ko na maging mataray at strict sa kanya. Huwag siyang mag-expect sa akin na mabait ako at magiging kaibigan kaming dalawa.
Hindi naman mangyayari 'yon.
"Hi, Miss Christine!"
Nagising ang aking diwa habang nakatingin siya at masayang nakangiti sa akin.
Klinaro ko lang aking boses at tiningnan ko lang siya ngunit dinedma ko lang siya.
Kita ko sa aking peripheral vision na papalapit ito sa akin at napatingin ako sa kanya na napangiti sa akin.
"Nagustuhan niyo po ba performance ko kanina sa office niyo?" curious niyang tanong sa akin.
"Tama lang... You need Improvement pa rin."
Tiningnan ko siya ng maigi at sinamaan ko siya ng tingin. Naging dahilan ito ng pagkasimangot niya sa akin.
Tumingin ako sa mga sasakyang nagdadaan sa harapan namin ni Shaira.
Biglang sumagi sa aking isip na sumimangot siya sa akin kanina noong sinabi ko na magiging matagal pa siya pagiging Solo Artists ng EyeRed.
Dahil hindi ko pa nakikita na worth it ang kanyang maging performance niya.
Hindi ko alam kung pinaramdam ko sa kanya na sobrang umaasa siya sa akin dahil akala niya na magiging Solo Artist siya basta-basta.
Gusto ko lang naman na paghirapan niya muna ang isang bagay para maging worth it ang kayang kapaguran sa buhay niya.
Kung pangarap niya talaga 'yon, magpupursigi siya. Kasi sa aking paniniwala, lahat ng bagay dapat pinaghihirapan.
"Miss Christine, andyan na po yung sundo niyo."
Nagising ang aking diwa dahil sa aking narinig na sabi ni Shaira at mukhang nakatulala ako kanina.
Napansin ko si Diego na binuksan niya ang pinto sa unahan at pagkatapos, tumingin siya sa akin na binigyan niya ako ng ngiti sa kanya.
Sinuklian ko naman ito ng ngiti si Diego.
Napalingon ako kay Shaira at napakurap siya sa akin na may kasamang blanko sa paningin niya sa akin, "I have to go, Shaira." sabi ko sa kanya at nakita kong napatulala siya sa aming dalawa ni Diego.
Narinig ko ang pagtawa at dumeretso na ako. Inalalayan ako ni Diego sa pagsakay sa sasakyan niya.
Pagkatapos kong sumakay, sinarado na ni Diego ang pinto nito at napansin kong pasakay na rin si Diego sa tabi kong driver seat.
"Bye, Miss Christine! Ingat po!" rinig kong sabi sa kanya at napalingon ako sa kanya na nakangiti pa rin siya sa akin.
Napansin kong binuksan na ni Diego ang pinto at sumakay na ito.
Nagsimula na siyang magmaneho.
"Who's that girl?"
Nagulat ako sa tanong ni Diego sa akin kaya napatingin ako sa kanya ngunit ilang sandali lang napatingin na lang ako sa bintana.
Gabi na pala.
Gusto kong sumandal at umidlip muna.
Kaya ngayon, pinikit ko muna ang aking mga mata.
"She's nobody." na walang ganang pagsagot ko sa kanya.