"Sheena".
Nagising ako sa tawag ni papa. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako dito sa upuan at nakasandal ako sa may puno.
Pumasok na tayo sa loob. Para makakain ka na at makatulog ka na ng maayos.
Sa tingin mo ba papa makakatulog ako ng maayos kasama ang kabit mo.?
Gusto ko ng umuwi.
Dito ka na lang sakin, pati si anghelo kukunin ko din kasi si kuya mo hindi ko makukuha yun dahil hindi papayag ang lola mo.. Dito pag aaralin ka ng mga tita mo, hanggang sa makapag tapos kayo ng pag aaral. Tsaka mahilig sila sa babae.
"Ayoko".
Gusto ko ng umuwi papa. Iuwi mo na lang ako.
Galit ka ba kay papa? Alam niyo wag kayo magalit sakin ng mga kapatid mo kasi gusto ko lang maging masaya hindi naman porkit may iba na ako hindi ko na kayo makakasama syempre mga anak ko kayo mahal ko kayo. Hindi mag babago yun. Atsaka pangako ko sainyo hindi ako mag aanak ng iba. Halika na!
Tahimik lang ako sumunod sakanya pabalik sa bahay at nag tungo kami sa kusina. Nakita kong nag hahanda ng pagkain yung babae niya sa lamesa. Nandoon din sila tita at 2 anak nito na mga mas bata pa sakin.
"Halika na kain na kayo. Sheena upo ka na dito" -kabit
Siya si lorena sheena tawagin mo na lang siyang tita. Mabait naman yan ee . -papa
Ngumiti sakin si lorena pero inirapan ko lang siya. Matapos naming kumain, doon ako sa kwarto ng tita ko ako matutulog at sila papa pati asawa niya mag kasama sa ibang kwarto. Lalong nag karoon ako ng sama ng loob sa papa ko dahil hindi man lang niya ako itinabi sakanya. Papa's girl talaga ako sobra pero gusto ko ng umuwi at bumalik sa piling ng mama ko.
Tumagal lang ako ng tatlong araw sakanila. Dahil nag papilit na akong makauwi sa mama ko. Kaya hinatid na din ako ni papa kinaumagahan pauwi kay mama.
Hinatid lang ako ni papa sa may kanto namin at nag paalam na ito.
Pag uwi ko sa bahay, Nadatnan ko si mama na nag luluto ng tanghalian.
'Oh bakit ano nangyari bat umuwi ka agad dito, sino nag hatid sayo.?
'si papa. Umalis na din agad pag hatid sakin sa kanto.
'Oh bakit nandito ka na pinauwi ka niya na ha?
'hindi. Ako ang may gusto umuwi, ayoko na doon! Matutulog muna ako.
.
.
.
.
.
.
Pag gising ko bumungad sakin ang mga mukha ng dalawa kong kapatid na tilang inaantay ang pag gising ko dahil mga nakatingin sakin at natatawa ako sa mga mukha nila.
"Hahaha, anong ginagawa niyo dito bakit ganyan ang mga itsura niyo para kayong nag aantay ng balato ha." Pag bibiro ko. Si kuya ang unang nag salita.
"Ano totoo ba?" Bumangon ako at umupo at buong tapang na sinagot ang tanong ng kuya ko sakin.
"Oo kuya." Naiiyak kong sabe.
"Wala na talagang pag asa hayaan na natin sila." Pag kasabi nun ng kuya ko lumabas na siya ng kwarto at umiiyak lang ng tahimik ang bunso naming kapatid hanggang sa tuluyan na din bumagsak ang mga luha ko at niyakap ko na lang ang kapatid ko.
"Pangako ko sa'king sarili na hindi ako gagaya sakanila. Kung mav kakaroon man ako ng sarili kong pamilya balang araw hindi ako tutulad sakanila. Kahit anong hirap ko at hirap namin mag titiis ako para lang hindi matulad samin ang magiging anak kong lalaki na broken family." Sabi ko saking isipan.