SA Maynila na sila namalagi simula nang mag-therapy si Jackie. Fully recovered na siya physically. Ang hindi na lang niya ma-overcome ay ang takot niya tuwing makakahawak ng manibela. “Saan kayo pupunta bukas?” tanong ni Jackie sa asawa noong nasa banyo sila at naghahanda na silang matulog. Nakapajamas na silang dalawa na ternong asul na may print na maliliit na teddy bear. “May pupuntahan kaming site para sa Dance Studio at Gym kasama si Ezra at Vance. Gusto mo bang sumama?” Tanong ni Cayden habang nilalagyan ng toothpaste ang toothbrush ng asawa. Nang handa na ito ay sabay silang nagsepilyo. Ang Dance Studio at Gym na pinaplano ng magkakaibigang MOVERS ay isa sa business ventures nila. Ilan ito sa mga proyektong gustong gawin ng MOVERS bilang magkakasosyo sa nego

