“Ayat ko, I’m home!” Nasa sala si Jackie noong dumating ang asawa. Nakatuon sa isang news channel kung saan ang palabas ay ang interview ng isang sikat na celebrity couple na bagong kasal. Ipinapaliwanag ng babaeng artista ang hirap niya sa pagplano ng dream wedding ng taon. She looked at Cayden and smiled as he sat beside her. Awtomatiko ang pag-akbay ni Cayden at ang pagdantay ni Jackie sa dibdib ng mister. “Why do you look so serious? What are you thinking?” Humalik pa sa tuktok ng ulo ni Jackie ang asawa. “Based on the photos and video clips, I think Dash and Dara’s wedding will be grander than theirs. I can’t wait to see my bestfriend walking down the aisle. Naikwento ko naman na sa’yo ang tungkol sa ex best friend niyang user friend no? Dara went through a lot in t

