“Jack...let’s talk? Kung ayaw mong magsalita, ako na lang.” Naglalakad na sila pabalik na galing sa isang family owned drugstore kung saan bumili sila ng gamot ni Cayden nang magsimula ang usapang iniiwasan ni Jackie. Napansin niyang simula noong mawalan ng malay si Cayden ay matamlay na si Zeke. Hindi naman ito nagkulang ng pagaasikaso sa kanya kagaya ng dati ngunit pakiramdam ni Jackie ay may malalim itong iniisip. Huminto muna sila sa isang lugar at sumandal sa puting pader. Dahil nasa taas sila ay kita mula sa kinatatayuan nila ang mga puting gusali at bahay sa Santorini. “Ezekiel, puyat at pagod tayo parehas. Baka hindi magandang oras ‘to para...” He took her hand and brought it close to his chest. Pagtingin niya sa maamong mukha nito ay bakas ang kalungkutan dito.

