“Halos one week ka na rito sa Greece pero hindi mo pa binibigay ang regalo ko. I toured you for four days in Santorini and now it’s our second day here in Mykonos. Pa-suspense ka naman masyado. Baka hintayin mo pa na nasa Athens tayo sa isang araw, ah.” Nasa isang beach front sila sa Myknos kung saan nag-ferry sila ni Ezekiel ng dalawa’t-kalahating oras mula sa Santorini. They were lying side by side on two chaise lounges at the balcony of their rented villa on a secluded beach. Sinulyapan ni Jackie ang kasama na nakatitig lang sa karagatan na parang malalim ang iniisip. Tahimik ang paligid bukod sa paghampas ng luntiang tubig sa pinong buhanginan. Sariwa rin ang simoy ng hangin. “Turquioise pala talaga ang kulay ng tubig. Kagaya ng sabi sa brochure. Ganito rin naman ang sa Pinas.

