ILANG ARAW nanamang nakatunganga si Kira sa villa. Wala siyang ibang magawa kundi ang kumain. Pakiramdam niya nga ay lumalaki na siya. Masasarap na luto pa naman ang hinahain ng mga kasambahay. Bumukas ang pintuan ng silid niya. Pumasok si Lissandro may dala itong paper bag. “Here.” Iniabot nito iyon sa kaniya. Kinuha naman iyon ni Kira at binuksan. “Wow! Thank you!” tuwang-tuwang sabi niya nang makita ang isang mamahaling cellphone. “I already registered my number and added it to your favorites,” dagdag ni Lissandro, kalmado ang boses pero diretso ang tingin sa kaniya. Napatigil si Kira, dahan-dahang ibinaba ang kahon habang nakatingin sa kaniya. “Favorites agad?” bahagyang may halong biro. A faint smirk curved on his lips. “So you won’t ignore me.” “Or so you can track me?”

