NAKASIMANGOT si Kira hanggang sa dalhin siya ng kaniyang bagong asawa sa isang modernong villa. Hindi na bago sa kaniya ang ganitong lugar. Sanay siya sa marangyang buhay at may sarili siyang property tulad nito.
"Lead her to her new room," utos ng lalaki sa isang kasambahay.
Sumunod naman si Kira. Halos mapanisan siya ng laway dahil hindi siya nagsalita hanggang sa makarating sila sa kung saan man siya planong dalhin ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit pero tila ba tinanggap niya na lamang lahat at nagpaubaya dito.
Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya at galit na galit.
Naupo siya sa ibabaw ng kama kung saan siya dinala ng kasambahay. "Who is he?" tanong niya nang tangkang lalabas ng silid ang dalagang kasambahay.
"Ano po?"
"Anong pangalan ng amo mo?"
Kumunot ang noo nito sa pagtataka. "Si Sir Lissandro po? 'Yong asawa n'yo po? Hindi n'yo po alam ang pangalan niya?"
Bumuntong hininga si Kira. "Alright, puwede ka nang umalis. Kailangan kong magpahinga."
Kaagad naman siyang sinunod ng kasambahay.
Nang mapag-isa siya ay inikot niya ang malaki niyang silid at kaagad nagtungo sa bathroom upang maligo at magbabad. Komportable siyang nahiga sa bathtub na puno ng bula at may maligamgam na tubig. "What's really happening?" she asked herself while staring blankly in the bathroom, lost in her thoughts.
Pumasok sa isip niya si David, at ngayon niya lamang napagtanto na wala siyang kahit na anong dalang gamit bukod sa kaniyang sarili. She even lost her phone. Ngayon lamang niya din naalala na na-kidnapped siya at napapaisip siya kung totoo ba iyon o hindi.
Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng silid para hanapin ang lalaki. Tanda niya naman ang daan kaya kaagad siyang nakabalik sa sala at doon naabutang nagbabasa ng magazine ang lalaki. Lumapit siya dito.
"Kailangan ko ang phone ko, give it to me," aniya at inilahad ang palad sa lalaki.
Huminto ito sa ginagawa at ibinaba ang magazine na hawak sa center table. "What do you mean? I don't have your phone. Bakit sa 'kin mo hinahanap ang cellphone mo? It's yours."
"Hindi ba't pinadukot mo 'ko sa mga tao mo?"
Tumayo si Lissandro at doon lamang napagtanto ni Kira ang layo ng height nila. Hindi niya iyon halos napansin kanina dahil sa bilis ng mga pangyayari.
"I don't like your tone. Hindi porque ikinasal ka sa 'kin ay pupwede ka nang umasta nang ganyan. Naiitindihan mo ba?" Seryoso ang mukha nito at madilim.
Hindi kaagad nakatugon si Kira. May kakaiba sa awra nito ngayon kumapara sa awra nito kaninang nasa simbahan sila. Ngayon ay tila ito isang matapang na tigreng handa siyang sunggaban.
Humakbang siya palayo sa lalaki at nag-iwas ng tingin. Patakbo siyang bumalik sa kaniyang silid at mabilis na isinara ang pinto. Sumandal siya sa likod nito at napahawak sa kaniyang dibdib habang hinihingal. Talagang natakot siya sa madilim na awra ng lalaki. Ini-lock niya ang kaniyang pintuan bago mahiga sa kaniyang kama. Tila hindi siya makakatulog buong gabi.
Dahil sa takot na naramdaman ay naisip ni Kira na tumakas kay Lissandro. Nagawa niya na ito sa kaniyang mga magulang kaya hindi malabong magawa niya ito ngayon. Tumingin siya sa kaniyang bintana at bigla siyang nanghina nang makita ang maraming men-in-black sa ibaba. "What the? Nakakainis naman! Anong pinaplano niya?"
Hindi malaman ni Kira ang gagawin. Lalo siyang pinanghinaan ng loob. Makukulong na lang ba siya dito habambuhay?
***
NAUPO SI LISSANDRO sa kaniyang swivel chair sa loob ng kaniyang study room.
Lumapit naman ang kaniyang assistant na si Fuego na kararating lamang. Iniabot nito sa kaniya ang dalang brown envelope. "Data po ni Ms. Kiana Dela Cruz," wika nito na ang tinutukoy ay ang pekeng pangalan ni Kira.
"Na-check n'yo ba ang background niya? I don't get it, bakit kumuha kayo ng babaeng hindi maganda ang background? She looks cheap," iritableng sabi ni Lissandro at pinag-ekis ang mga binti. Hindi niya na inabala pa ang sarili na tignan ang ibinigay ni Fuego.
"It's about the offer, Mr. Moretti, I don't think walang papayag ikasal sa 'yo nang dahil lang sa monthly allowance kung kukuha tayo ng bride na nagmula sa mararangyang pamilya."
Nagkibit balikat si Lissandro. Naisip niya na 'yon. Naiirita lamang talaga siya sa babae dahil na rin siguro sa attitude nito ngayon. Bigla siyang may naalala kaya naupo siya nang diretso. "She's asking for her phone and said she was kidnapped by my men, is that true?"
Napalunok ng sariling laway si Fuego sa nagging tanong ng amo. Nanlamig ang mga palad ngunit kaagad nag-isip ng maisasagot. He shook his head. "Nawalan po siya ng malay, kaya isinakay na po namin siya sa sasakyan at dinala sa simbahan dahil nahuhuli na rin po."
Tumango si Lissandro.
Maya-maya ay lumabas na si Fuego ng silid at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan. Inilabas nito ang cellphone at may tinawagan. "Kailangang hindi makarating kay Mr. Moretti na nagkamali tayo ng bride at ang totoong bride ay dinispatcha na ng mga kalaban dahil ayaw siyang maikasal at makuha ang trono, dahil kung hindi ay mayayari talaga tayong lahat. Naiintindihan n'yo ba? Kaya siguraduhin n'yong malinis ang trabaho. We need to keep Kiana at siguraduhing hindi na siya magkakaroon pa ng contacts sa kahit na sino sa pamilya niya."
"Pero paano siyang napapayag na ikasal kay Mr. Moretti?"
"Hindi ko rin alam, hindi ba't huli na rin nating napagtanto na mali ang bride? Masiyadong kumplikado at kahit ako naguguluhan. Basta ang alam ko lang wala tayong masamang intension nang dukutin ang bride, ito'y para iligtas lang siya sa mga kalaban, kaya lang nagkamali tayo ng nakuha," ani ni Fuego sa kausap na si Casper habang palinga-linga sa paligid dahil baka may makarinig sa kanila hanggang sa tuluyan siyang makalabas ng villa.
"Hayaan mo na't mukha namang umaayon ang lahat. Sa data na nakuha namin ay wala naman ng ibang kamag-anak ang bride na si Kiana, pero hindi pa naming alam kung kanino siya ikakasal ng araw na 'yon. Kailangan naming mahanap ang totoong groom at itumba."
"Okay, malinis na trabaho dapat."
"Eye, eye, Captain. Kami nang bahala. Tinignan ba ni Mr. Moretti ang fake data na binigay natin?"
"I'm not sure, pero siguradong titignan niya 'yon." Sumakay si Fuego sa kaniyang sasakyan at nagmaneho paalis ng villa.
Samantala, sa study room ni Lissandro ay isinawalang bahala niya ang envelope na ibinigay ni Fuego at inabala ang sarili sa ibang bagay. Wala kasi itong pakialam tungkol sa babaeng pinakasalan, ang mahalaga lamang dito ngayon ay tuloy na tuloy na ang pagkuha sa tronong matagal nang hinihintay.
Now that he's married, his throne is secured. Ngunit batid niyang gagawa at gagawa ng hakbang ang mga kalaban niya para saktan si Kiana or itumba ito, ngunit ano naman ang pakialam niya? Narito lang naman ito dahil kailangan niya. Ngunit ganon pa man, kailangan niya pa rin itong bigyan ng pansamantalang proteksyon hanggat hindi pa naipapasa ang trono.
Tumunog ang kaniyang cellphone, kaagad niya iyong sinagot nang makitang si David ang tumatawag. “What?”
“Lissandro, I need your help,” David replied, his voice trembling with frustration, far from the steady tone he always had.
Nagtatakang umayos nang upo si Lissandro. “What happened?”
“It’s a long story, but to make it short, my bride was kidnapped and I have no idea where to find her. I expected a ransom demand, but day have passed and there’s been nothing! It’s driving me insane! It’s frustrating me! Her parents don’t even know we were supposed to get married today. They have no idea she was with me… and now she’s gone. She was taken. Damn! I don’t know what to do!”
“Okay, calm down, David. Nasaan ka? I’ll be there in a few minutes.” Tumayo si Lissandro at kaagad na kinuha ang kaniyang leather jacket at susi ng sasakyan. Nagmamadali siyang bumyahe at pinuntahan ang kaibigan.