HINDI NA nilingon pa ni Kira ang apat na lalaki hanggang sa makalabas sila ng warehouse. Sinikap niyang alisin sa isip ang nangyari ngunit batid niyang malabo iyon dahil tiyak siyang hindi iyon ang huli at masusundan pa. Bumalik sila sa mansion upang magpahinga. “Nasaan ang mama mo?” tanong niya nang mapansing wala ang ina nito at walang katao-tao sa bahay. Nagkibit balikat si Lissandro. Inaya siya nitong umakyat sa kanilang silid. Dumiretso siya sa bathroom nang makapasok sila sa silid. Sobrang init kanina at naglagkit ang kaniyang balat. Nais niya ring magbabad sa maligamgam na tubig upang pakalmahin ang katawan niya. Hindi niya namalayang sumunod si Lissandro. Lumusot na lamang sa kaniyang magkabilang tagiliran ang mga braso nito at yumakap sa kaniya mula sa likuran. Inila

