PINAGMAMASDAN ni Kira si Lissandro mula sa malayo habang nakikipag-usap ito sa ilang kakilala. Nakatayo lamang siya sa gilid ng buffet. Iniwan siya nito at nagpaalam na may kakausapin.
Mula sa kinatatayuan niya ay hindi niya mapigilan ang sarili na titigan si Lissandro. This man is bold and confusing, kung minsan mabait, kung minsan ay umaaktong concern sa kaniya, pero mas madalas ay malamig at hindi mabasa.
She knew he was only using her.
Nagtama ang mga mata nila nang tumingin si Lissandro sa gawi niya.
Panaka-naka itong tumitingin sa gawi niya upang bantayan siya. After talking to Mr. Tan, naging maingat si Lissandro sa asawa, lalong-lalo na sa event na ito. He knew the danger surrounding them.
Lumapit ang isang lalaki kay Kira. "Hi, care for a drink?"
Tumingin siya sa lalaki at mabilis na tumanggi. Naalala niya ang sinabi ni Lissandro.
Rule number one... don't accept anything from anyone.
Bahagya siyang napaatras at umiling. "No, I'm good. Thank you."
Magalang na ngumiti ang lalaki at bahagyang yumuko. "Are you sure?" mahinahon nitong tanong. "If you don't mind me asking... may I know your name? And are you here with someone tonight?"
Saglit itong nagpaubaya, pinapanatili ang distansya. "I apologize if I'm intruding. I simply noticed you were alone and thought I'd check if you were alright."
Ngumiti siya nang maramdaman niyang magalang at wala namang intensyong masama ang lalaki. "I'm good. I'm actually with my husband."
Bahagyang nalungkot ang lalaki nang malamang mayroon na siyang asawa.
Tumingin si Kira sa kinatatayuan ni Lissandro kanina ngunit wala na ito ngayon doon. Luminga-linga siya sa paligid.
"Looking for your husband?"
Tumango si Kira at kaagad na nagpaalam bago umalis. Hinanap niya si Lissandro. Hindi siya komportableng mag-isa, wala man lang siyang kakilala sa event, at hindi rin siya sanay makipaghalubilo sa gano’ng karaming tao.
Sa laki ng lugar, nahirapan siyang hanapin ito. Nang mapagod, napaupo siya sa isang sulok.
Unti-unting umakyat ang galit at inis sa dibdib niya. He really doesn’t care about her. Nagawa pa siyang iwan basta-basta.
Napabuntong-hininga siya at muling tumayo, saka galit na naglakad. Naisip niyang bumalik sa dati niyang puwesto, ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang may biglang humatak sa kaniya—malalakas na palad na agad siyang dinala sa isang madilim na bahagi ng hallway.
Sisigaw na sana siya nang may bumulong mula sa likuran niya.
“It’s me,” mahinang sabi ni Lissandro.
“What are you doi—”
Hindi niya natapos ang sasabihin nang takpan nito ang labi niya, saka muling bumulong sa tainga niya. “Quiet.”
Nanlaki ang mga mata niya ngunit tumango na lamang. Lalong sumiksik si Lissandro sa dilim, hinihila siya palapit dito.
Ilang segundo ang lumipas bago nila narinig ang mabilis na yabag, dalawang lalaking nagmamadaling tumakbo palayo.
Binitawan lamang siya ni Lissandro nang makalayo ang mga ito.
“What was that?” tanong ni Kira, halatang nalilito.
Bumuntong-hininga ang lalaki. “They were following you.”
“Me?” Itinuro pa niya ang sarili. “Bakit? Anong ginawa ko?”
Napailing si Lissandro at marahang tinapik ang noo niya. “Silly,” saad nito, may bahagyang inis sa boses. “Where did you go? I told you to stay with me, didn’t I?”
“Hinanap kita. Bigla ka na lang nawala. Nakakainis! ‘Di mo ba naisip na wala akong kakilala dito?!” sunod-sunod na reklamo ni Kira. “Wala ka talagang pakialam, kahit kailan.”
Isang buntong-hininga lamang ang pinakawalan ni Lissandro sa dami ng sinabi niya. “I saved you, so at least thank me,” malamig nitong tugon bago ito nagpatiunang maglakad palayo.
Naiwan na naman siya.
“Saved me? Ni hindi ko nga alam kung bakit nila ako sinusundan!” habol niyang sigaw habang sinusundan ito.
“You don’t understand,” sagot ni Lissandro, hindi man lang lumilingon.
“E di ipaintindi mo!” inis na bulyaw ni Kira.
Bigla itong huminto dahilan para muntik siyang mabangga sa likod nito. Lumingon si Lissandro, matalim ang tingin. “Because you’re with me, Kira,” madiin nitong sabi. “That alone is enough reason.”
Napatigil siya. “Anong ibig mong sabihin?”
Ngunit umiwas ng tingin ang lalaki, tila pinipigilang may masabi pa. “Just stay close,” mahinang utos nito bago muling naglakad.
Mas bumilis ang t***k ng puso ni Kira habang nakasunod dito. Hindi niya alam kung dahil ba sa galit… o sa takot.
Sa paligid nila, tila mas naging mabigat ang hangin. Kahit ang mga taong nagdaraan ay parang may kani-kaniyang lihim na tinatago.
At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Kira na baka hindi lang simpleng event ang pinasukan niya, kundi isang mundong hindi niya pa handang intindihin.
Bumalik sila sa paglalakad.
Tahimik na nakasunod si Kira sa lalaki, pilit hinahabol ang mahahabang hakbang nito.
“Lissandro… you’re so mysterious… and intimidating," bulong niya—ngunit tila napalakas iyon, sapat para marinig ng lalaki.
Biglang huminto si Lissandro at dahan-dahang humarap sa kaniya. Sandaling nagtagpo ang mga mata nila. May kung anong nais itong sabihin.
It was too complicated now.
Humigpit ang panga ni Lissandro habang pinagmamasdan si Kira. Sa kabila ng lahat, malinaw sa isip ang isang bagay, tulad ng sinabi ng ama niya.
He had dragged an innocent woman into a life that could get her killed.
Bahagya itong napailing, tila kinakalaban ang sariling isip. “Stay close to me,” mahinang utos niya, ngunit ngayon ay may kakaibang bigat na ang tono. “Don’t wander off again.” Hindi iyon simpleng paalala kundi babala.
Tumango na lamang si Kira at hindi na nakipagtalo nang hawakan ni Lissandro ang palad niya. Sa sandaling iyon. The moment he held her hand, she felt safe.
Nang makasama ni Kira ang lalaki ay napuno na lamang ng katanungan ang isip niya. Napakaraming tanong ang gumugulo sa kaniya. Minabuti niya na lamang sarilihin na lamang ang mga katanungan iyon.
Nang makabalik sila sa puwesto kanina ay kumuha si Lissandro ng dalawang wine. Iniabot sa kaniya ang isa.
"Thanks." Tinanggap niya iyon at tuwang-tuwang ininom. Kanina pa kasi niya gusto uminom ngunit kailangan tinatanggihan niya ang ibang inaalok sa kaniya.