HINDI MATANGGAP ni Lissandro ang mga narinig niya mula sa ama. Galit na galit siya, hindi sa ama niya, kundi sa sarili niya. Parang naka-loop sa utak niya ang bawat salitang binitawan nito, paulit-ulit, walang pahinga. Bawat isa, tumatama sa kanya, diretso sa pride niya.
Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao. His jaw clenched, pilit niyang kinokontrol ang sarili. Hindi siya sanay na pinapahiya. Hindi siya sanay na kinukuwestiyon, lalo na ng taong dapat unang naniniwala sa kanya.
Napapikit siya saglit, huminga nang malalim, pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib niya.
Dahil sa kabila ng galit... may isang bagay na mas mahirap tanggapin.
What if his father was right?
He can't lead. He only cares about power. He doesn't know anything about love... about importance... about trust and loyalty. He only saves someone, not because they matter, but because he needs them.
Mariin niyang idinilat ang mga mata niya, tila tinataboy ang mga salitang iyon, pero mas lalo lang itong lumalim.
Malalim siyang bumuntong-hininga.
Saka niya lamang napansin ang kaniyang ina na nasa harapan niya, kanina pa pala nakatitig sa kaniya. "Mama," tawag niya rito habang tumatayo.
"Lissandro... I heard what happened." Naupo ito sa tabi niya, ganoon din siya at marahang hinaplos ang kaniyang balikat. "Hindi ibig sabihin na sinabi ng papa mo na hindi mo kaya, hindi mo na talaga kaya. I trust you, honey. I know you can, it's just that you need to learn more."
Tumango siya at napabuntong-hininga muli. "But I don't know what exactly he wants me to learn."
Hinaplos siya ng ina nang mas mahigpit, pinipilit na ipadama ang kanyang suporta. "You know what, Honey, sometimes learning doesn't come from instructions. It comes from making mistakes, from feeling what's right and wrong... from understanding people, from understanding yourself."
Huminga siya ng malalim. "I know, Mama... pero it's not that simple. I wasn't enough."
Ngiti ang bahagya ng kanyang ina, pero may kirot sa mga mata. "You'll get there. Just... be patient. For me, you will become a great leader. You will understand it soon, and you deserve the throne, hindi nga lamang ngayon. Explore, Honey, and try to understand what your dad says to you. And I think, your wife will make you understand everything soon."
Kumunot ang noo niya. "What do you mean?"
Nagkibit-balikat ang ina. "I think you need to treat her right. Don't be too harsh, and don't just see her as a step to the throne. You know your dad... he believes every king needs a queen—that's what makes him strong, feared, and the big boss. Cold, calculated... and he has his queen." Kumurap-kurap pa ang mga mata ng ina habang nakangiti nang malapad. "I'm just kidding, pero at least take my advice seriously. I can't read your dad, pero naniniwala ako na may something siya na gustong ipaintindi sa 'yo."
Mahaba-haba pa ang pakikipagkwentuhan ni Lissandro sa ina hanggang sa magpaalam itong umalis. Maya-maya ay naisip ni Lissandro akyatin si Kira sa silid kung saan ito pinagpahinga.
Kumatok siya sa pintuan. "Kiana, let's go."
Ilang segundo ay bumukas ang pintuan.
Pinagmasdan niya ang babae. Maganda ito, maputi at kung hindi nga lamang niya alam na galing ito sa mababang uri ng pamilya ay iisipin niyang galing ito sa marangyang pamilya. She has a nice skin. Nice hair. Mukhang alagang-alaga ang balat.
"What? May dumi ba 'ko sa mukha?" Nakasimangot na tanong ni Kira at pinaningkitan siya ng mga mata.
Lissandro sighed. "Do you drink?"
"I do."
"Great," maiksing tugon niya at nagsimulang maglakad paalis. Naramdaman niya namang nakasunod si Kiana sa kaniyang likuran.
"Kamusta ang papa mo?"
"Fine."
"Talaga bang gano'n siya bumati sa mga tao? Sobrang brutal. Muntik na 'kong mawala sa mundong ito kanina. Siya nga pala, thank you for saving me kanina.”
Nahinto si Lissandro sa paglalakad nang marinig ang sinabi ni Kiana. Ilang segundo siyang nakahinto at ganoon din ang babae sa likuran niya na nagtataka. "Why are you thanking me?"
"For saving me?" patanong din na tugon ni Kira.
“Why?” Humarap siya sa babae, his eyes searching hers. He kept asking, as if the answer mattered more than it should. It was the first time anyone had ever thanked him for saving them, and somehow, it stirred an unfamiliar warmth in his chest.
Lissandro was never the type to care. To him, people were nothing more than tools, useful, disposable. He only saved those who served a purpose.
But when Kiana was in danger… everything changed. What he did wasn’t calculated. It wasn’t planned.
He saved her without hesitation without even thinking if he needed her.
For the first time, it wasn’t about gain.
It was real.
It was simply… to save her.
“Did you know why I save you?” tanong niya kay Kiana at marahang humakbang papalapit sa babae. Tinanong niya ito datapwat siya mismo sa sarili niya ay hindi niya ito masagot.
“Yes, dahil may kailangan ka sa ‘kin. Hindi naman siguro ikaw magpapakasal sa ‘kin kung wala?” Pinag-ekis ng babae ang nga braso sa dibdib at matapang na humarap sa kaniya. “For sure hindi wealth ang kailangan mo, your family looks powerful and wealthy, so tell me, bakit ka pumayag magpakasal sa ‘kin?” Naniningkit ang mga mata nito.
Tila sinampal ng katotohanan si Lissandro. Diretso siyang tumayo at bahagyang lumayo sa babae. He sighed. “Let’s go.” Nagpatiuna siyang umalis.
Magulo pa ang isip niya.
Hanggang ngayon ay laman ng isip niya ang katotohanang isinampal sa kaniya ng kaniyang ama. Ang payo ng kaniyang ina at ang kaniyang asawa.