MAAGANG NAGISING si Lissandro. Bago bumangon sa kama ay pinagmasdan niya ang nahihimbing na asawa. He still couldn’t quite believe that he had been her first, it stirred something deep within him, a quiet sense of pride and possessiveness he had never felt before. Gamit ang likod ng kaniyang mga daliri ay marahan niyang hinaplos ang pisngi nito, marahan at maingat upang hindi ito magising. "Kiana..." pabulong lamang iyon. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Hindi siya nakaramdam ng ganito sa kahit sinong babae noon. Sinikap niyang bumangon sa kama kahit napakabigat ng katawan niya. Gusto niya sanang antayin itong magising kaya nga lamang ay may mga kailangan siyang asikasuhin kasama ang ama. Pagkatapos maligo at mag-asikaso, nag-iwan siya ng

