Chapter 38 Binalita ni Jace sa Parents niya na totoong buntis ako. Laking tuwa naman nila na magkaka-apo na sila. Natatawa akong nakinig sa pag-uusap nilang 'yon, bibili na daw sila ng mga gamit ng bata. Sa kabilang banda hindi maalis sa isipan ko kung paano 'pag pumalpak kami sa planong 'to? Paano sila? Paano kami ni Baby? "Babe, ako ang bahala sa mga katulong. Sa bahay ka agad dumeretso pagkatapos icancel ang kasal." Tumango akong kinakabahan. "Jace, mag ingat ka sa Daddy ko." Nag-aalala kong sabi. Ngumiti si Jace at hinalikan ako sa pisngi "Basta alagaan mo ang Baby natin, Babe. Mag iingat ako, pangako." "Opo, Babe." Bukas ika-cancel ang kasal. Kinakabahan ako't natatakot. Pero kailangan kong maging matatag para sa ikakaayos ng lahat. ________________________________________

