Chapter 40 Magagabi na. Aalis na si Jace. Natatakot ako para sa kaniya, paano kong masaktan siya? "Jace, pwedi bang sumama nalang ako sayo?" Kumunot ang noo niya at tumingin sa'kin. "Hindi pwedi, Babe. Hindi kapa magaling, baka mapano si baby." Sabi niya habang nagmamadaling nagbibihis. Nagsuot siya ng kulay itim na T-shirt at pinatungan ito ng leather jacket. "Pero baka pano ka do'n." Nag aalala kong saad. "Kaya ko ang sarili ko, Babe. Tutulungan naman ako ni Pau at Joy." "Tutulong si Joy?" Gulat kong tanong. Tumango siya. Handa talaga silang tumulong lahat. Niyakap ko siya mula sa likod "Jace, Thank You." Lumingon siya sakin at niyakap ako pabalik "Basta para sa'yo at sa pamilya natin, Babe." At hinalikan ako sa noo. "I love you, Jace." "I love you more, Babe." ____________

