Chapter 42 Tatlong araw na akong nakatulala, nakatingin sa bintana. Hindi kumakain, panay pilit sakin ni Mommy na ayosin ang sarili ko dahil buntis ako. Hindi ko kaya, kahit anong pilit ko naiiyak padin ako sa pagkawala ni Jace. Nasampahan na ng kaso si Dad at ang kinagulat ko ay maraming lumabas na mga tao na naagrabyado niya. Marami siyang utang, may minolestiya siyang bata. Kaya siguro gustong-gusto niya akong maikasal agad para mabayadan ang mga utang niya. Pati si Jace ay sinaktan niya! Wala talagang puso. Nag simula na namang tumulo ang mga luha ko, ilang ulit ko nang sinabi sa sarili ko na hindi dapat ako umiyak kasi baka mapano si baby pero hindi ko mapigilan. "Anak, 'wag kang umiyak. Kumain kana para maging malakas si Baby." Pinunasan ni Mommy ang mga luha ko "Hindi magiging ma

