Chapter 34 Iginiya kami ng mommy ni Jace papunta sa kwarto ng mommy ko. Alu-alo niya ako, ipinahid ko ang mga luha ko. Nauna ng naglakad si Pau sa'min. "Babe." tiningnan niya ako sa mata "Iloveyou." hinalikan sa noo. Yakap lang ang naging tugon ko. Sumunod na kami sa kanila. Dapat maging matatag ako para kay mom. Unang pumasok si Mom kasunod si Pau. Nakatayo lang ako sa labas ng pintuan na parang hindi ko maihakbang ang aking mga paa. "Kisz, pagsubok lang 'to. Tandaan mo andito lang ako." tumango ako sa kaniya. Siya ang nag bukas ng pinto para sakin, dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok. Unang nakita ko ang kama hindi ako makatingin ng deretso. Hinagilap ko ang kamay ni Jace at hinawakan. Magkasama kaming naglakad papuntang kama at nasa sahig ang tingin parang hindi k

