Chapter 26 Pagkalipas isang buwan, Natapos na din ang Engagement party na hindi naman ako nag enjoy. Nag tago agad ako at sinabing masakit ang tyan ko. Sa kabilang banda ay mas naging pursigido akong makita si Mommy, hindi pa din nagsasalita ang mga kasambahay at nagiging balisa pag ako'y nagtatanong. Alam kong may alam sila. Narinig kong may kumatok sa pinto. "Anak? Nandito ang mapapangasawa mo." Sabi ni Yaya mula sa labas ng kwarto ko. "Palabas na po ako, Ya." Tumayo na ako at nag ayos ng sarili. Nakapambahay lang ako. Okay nato. "Bakit hindi man lang nag sabi na pupunta siya o tumawag man lang." Bulong ko sa sarili habang pababa na binilisan ko ang paglalakad sa hagdan ng mapansin kong parang ang tahimik. "Ba't Parang walang bruha ngayon? Antahimik ng bahay." Nagtataka kong tanong

