Chapter 29 Isang linggo na ang naka lipas matapos sinabi sa'kin ni Jace na ang mga katagang 'yon. Alam na alam ko na masakit yung ginawa ko sa kaniya. Hindi na siya bumalik uli at ako ang sinisisi ng bruhang itim. Marami na talaga akong tinatawag sa kaniya. Pa sama ng pasama. "KASALANAN MO 'YON, HINDI NA BUMALIK SI JACE DITO!!" 'Yan lagi ang sinasabi niya 'pag nakikita ako at ako? parang walang narinig. Bahala siya sa buhay niya. "ARGGGHHHHHHHH." Naiinis siyang pumadya-padyak saka umalis. Ohmy! May future siya sa pagiging padiyak driver. Masabihan ko nga next time. "Boyfriend niya 'yon, ba't parang kasalanan ko?" Napailing ako at Ipinagsawalang bahala ko ang nangyayari. Nagtataka na ako, isang linggo na si Yayang hindi kumakausap sa'kin. Minsan nalang din ako kinakausap ng mga katulo

