Chapter 24 Nagbihis na ako para sa dinner namin kasama ang pamilya ng Fiancè ko. Royal Blue off shoulder dress na above the knee ang suot kong dress, hikaw na silver, at relo na gawa ng sikat na designer na nakaukit "Asha" naka ngiti akong tiningnan ito, magkasama kami ni Mommy nag pagawa nito. Naglagay ako ng manipis na make up para natural lang at nag ponytail ng buhok. Ngumiti ako sa salamin saka nagsalita. "Ang ganda ko talaga." "Asha, bumaba kana daw sabi ni Sir baka malate kayo." Sabi ni Yaya Rocel sa'kin na kakapasok lang sa kwarto. Umupo siya sa kama at tumingin sa'kin. "Ya, alam n'yo ba parang may alam ang mga kasambahay dito, tinanong ko sila't hindi makapagsalita." Kaswal kong sabi habang tinitingnan ang itsura sa salamin. "Anak, magsasabi naman ang mga iyon pag kaya na n

