Pareho kaming hindi makapag salita matapos niya akong biglang yakapin. Kitang kita ko sa mga mata niya kung paano siya nailang. Bumuntong hininga ako bago magsalita "Ja--cee." nauutal kong sambit. "Kisz, I'm sorry" simula niya. Nagpa ikot ikot siyang napasabunot sa sarili "Okay kalang ba?" parang baliw siya kakaikot. Naistress yata siya sa'kin. "Kisz, I'm sorry." Lumuhod siya at niyakap ako sa beywang. "Ja--ce, tumayo ka" pilit ko siyang pinatayo "Kisz, im really really sorry" sabi niya habang nakasandal ang ulo niya sa bandang tiyan ko at um iiyak. " Please bumalik ka kana, hindi na ako galit." Naramdaman kong namasa ang laylayan ng damit ko sa mga luha niya. Haysss si Jace talaga. Pinatayo ko siya at niyakap pabalik. "Wag kang magpakasal! diba sabi mo, Tayo yung magkakatuluya

