Chapter 14
"Babe!Bilisan mo matulog na tayo." Sigaw niya mula sa kama.
Nagtoothbrush pa nga ako. Ang excited neto. Binilisan ko ang pag sipilyo at lumabas na ng cr.
Napagdesisyonan kong sulitin ang natitirang araw, kaya dito ko na siya pinatulog. Nakita ko kung gaano siya kasaya ng sinabi ko 'yon.
Pagkahiga ko palang sa malambot kong kama ay niyakap niya agad ako sa beywang. Hinalik-halikan niya ang tiyan ko at lumingon sa'kin.
"Babe, mahal na mahal kita." Namumungay ang kaniyang magagandang mata habang malambing na sinasabi 'yon. Nakakabighani tingnan. Nagpapa cute lang 'to eh?
"Mahal na mahal din kita, Jace." Malumanay ngunit malambing kong sagot sa kaniya. Ngumiti ako pagkatapos at marahan kong kinurot ang pisngi niya.
"Okay lang ba na magkatabi tayo? Diba hindi pa puweding gawin 'to 'pag hindi pa tayo kasal?" Tumaas ang gilid ng labi ko sa mga sinabi niya. Tama nga naman hindi puwedi. He amazed me by his words.
Dalagang Pilipina Yeah!
Hinila ko ang comforter na puti mula sa kaniya. Gusto ko siyang biruin tiyak magwawala nanaman siya.
"Anong ginagawa mo Babe?" Nagtataka niyang tanong. Wala na kasi siyang kumot.
"Oo, tama ka. Hindi nga pala puweding magtabi ang hindi pa nakakasal, Jace. Sige, puwede kanang umalis." Napaawang ang labi niya habang hindi makapaniwalang tumingin sa'kin. Sandali pang kumunot ang noo niya at tumaas ang kilay niya.
Sinubsob niya ang ulo niya sa beywang ko. Bahagya akong napangiti. Mukhang ayaw niya.
"Okay lang 'to, Babe. Madami naman ang gumagawa nito eh. Kaya okay lang na ganito tayo." Humigpit ang yakap niya sa'kin. Napatabon ako ng palad sa bibig sa sobrang pagpigil ng tawa.
"Hindi, Jace. Dalagang Pilipina kasi ako." Tawang tawa ako isip ko dahil sa pinagsasabi ko pero ayaw niyang umalis sa tabi ko.
"Okay nga lang! Papakasalan naman kita eh." Tumaas ang boses niya dahil sa pagmamaktol. Gusto ko sanang tumawa pero hindi ko magawa, ang cute niya pakinggan.
"Masama bang gusto kong maramdaman ang mainit mong yakap ah?" Dagdag niya pa. Todo-todo ang ngiti ko ng marinig 'yon.
"Gusto ko din naman 'yon, Jace." Sabi ko sa isip ko.
"Babe, 'Pag nawala ba ako, Hahanapin mo ako?" Nag alangan kong tanong sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsaklop ito.
"Syempre naman! Bakit may balak kabang umalis?" Napabalikwas siya na masamang tumingin sa'kin.
''Sige aminin mo, Babe.'' Inis na inis niyang sabi.
"Wala ah. Anong sinasabi mo d'yan? Tinanong ka lang eh! Depensa ko sa sarili. Umiwas ako ng tingin at napanguso.
"Bakit umiiwas ka?May tinatago ka nuh?" Dinuro niya ako gamit ang kanan niyang daliri.
"Wala nga! Sige pilitin mo pa ako. Makikita mo!" Pagbabanta ko sa kaniya. Pinalakihan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay.
"Joke lang po. I love you, Babe." Sabay dampi ng labi niya sa labi ko. Uminit nanaman ang pisngi ko. Ang saya talaga 'pag alam niyong mahal niyo ang isa't-isa.
"Kinurot ko ang pisngi niya sa sobrang gigil."Mahal din kita Babe." Sagot ko. Wala na akong hahapin pa. Siya ang una't huli kong mamahalin, never pa akong nagkaboyfriend kaya napaka suwerte ko dahil may unang boyfriend akong perpekto sa paningin ko.
"Hindi mo 'ko iiwan?" Ngumoso siya habang hinihintay ang sagot ko. Nagpapalambing nanaman ang engot.
"Hinding hindi, Babe." Paninigurado kong sagot. Agad kong pinakita ang matamis kong ngiti.
"I will always love sleeping next to you, Babe. Sana ganito tayo palagi. 'Wag na 'wag mokong aawayin!" Pagbabanta niya sa'kin. Siya naman 'tong madaling magalit ah? Tapos napakamoody.
"Ipromise mo munang kahit anong mangyari iintindihin mo 'ko. 'Wag kang agad-agad manghuhusga." Hinawakan ko ang mukha niya at tumingin sa mga mata niya.
Dahan dahan nilapit ni jace ang mga labi niya sa labi ko,tiningnan sa mata.
''Promise iintindihin kita,basta magpaliwanag ka."
Sinunggaban niya agad ako ng halik, mahina at dahan-dahan na wari'y nilalasap ang bawat parti ng mga labi ko. Hinahaplos ni Jace ang mga kamay ko pa baba at pataas, sinusundan ko ang ritmo ng halik niya na tila'y lunod-lunod, naramdaman ko nalang ang mga kamay niya sa ilalim ng damit ko na parang may hinahanap na ano, Nakikiliti ako habang hinahaplos pataas ang malambot niyang kamay sa tiyan ko. Bigla akong napa bitaw ng hawakan niya ang mga dibdib ko. Hinihingal akong kumurap kurap na tumingin sa kaniya.
"Sorry, Babe. Nadala lang ako." Hinalikan niya ako sa gilid ng ulo at humiga sa tabi ko deretso talukbong. Nahiya siguro siya.
Nabigla lang naman ako. Napahawak ako sa mga dibdib ko at tumingin sa kanya.
''First time kayang may humawak ng dibdib ko!'' Sigaw ko sa kaniya sabay higa at tumalikod sakaniya.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa ilalim ng comforter. Hinampas ko siya mula sa ibabaw dahil sa inis.
"Naririnig ko ang tawa mo,Akala mo." Niyakap niya agad ako habang nakatalikod ako.
"Iloveyou, Babe. I really do." Sabay hawak uli sa boobs ko. Wahhhhhhhh!
"Ano ba?!" Asik ko sa kaniya. Naningkit ang mga mata ko na may halong hiya.
Tumawa siya ng malakas. Kaya wala akong nagawa kundi ay tumawa na din ang ending ay nagrumble'lan kaming dalawa sa kama.
Tumigil kaming hinihingal. "Kapag yung sayo hinawakan ko. Naku!" Akma kong hahawakan ng bigla siyang magsalita.
"Sige nga, Babe. Hawakan mo. Sarapan mo ah." Mahina ngunit sexy niyang sabi sa'kin sabay kindat. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi ko marinig ko 'yon. Ang lalaking 'to talaga!
"Ang laswa mo.! Hinampas ko siya sa kamay dahil sa gigil.
"Anong malaswa?Normal lang 'yan. Gagawin din naman natin yan soon eh. Pero puwedi nating agahan." Pa taas-taas pa siya ng kilay sa'kin na parang tinatry niya ako.
"Agahan mo mukhan mo! Wala kang yakap ngayon.!"
"Sori ka nalang, yayakap padin ako!" Maarte niyang sambit at niyakap ako. Hindi na ako kumibo at pinikit ang mga mata ko.
"I love you, Kisz. Goodnight." Hinalikan niya ako sa balikat at niyakap ng mahigpit. Kalaunan ay humarap ako at niyakap ko siya pabalik.
A/N: Ano 'yong hahawakan? Naku! Wag po HAHAHAHA