"Boss mo nga! Raze Adler Montereal!"
Juskoo!! Ngayong alam niya na kung saan ako nakatira baka mas lalo lang akong maloka. For sure, guguluhin niya na ako araw-araw.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto baka sila Mama at Papa pa ang pagbuntungan niya ng galit dahil ang tagal tagal kong bumaba.
Kalabas ko ng kwarto, nakita ko sila ni Mama naguusap. Hala! Ano naman kayang sinabi ni Mama dito kay Sir Raze? Habang papalapit ako sakanila tinignan na ako kaagad ni Sir. Yung tingin na nagsasabing lagot ka saakin mamaya. Katakot!
"Ahh. Ehh. Hi Sir! Ano pong ginagawa niyo dito? Paano niyo po nalaman na dito po ako nakatira?" Sunod sunod na tanong ko.
For sure sisigawan na ako niyan. Tumingin muna siya kay Mama tapos kay Papa tapos saakin.
"Kunin mo muna yung mga documents na kinuha mo sa office tapis sumama ka saakin." Wow! Bago ito ahh.
Hindi niya ako sinigawan. Takot lang niya kay Papa.
"Saan po tayo pupunta?" Halata kong inis na siya pero syempre hindi niya akong kayang sigawan sa harap ng magulang ko. In short, may kinakatakutan din pala itong si Sir Raze.
"Fix yourself." Sambit niya.
Pinakatitigan ko anamn ang sarili ko.
"May sira po ba sa katawan ko? Sira po ba ang sarili ko?" Napahilamos tuloy siya gamit ang kamay niya.
"Naku iho, pagpasensiyahan mo na ang anak namin ahh." Pange-epal ni Mama sa boss ko.
"Magbihis ka na daw, Ate!" Napalingon anman ako sa kapatid ko.
"Wow! Gets mo?" Tumango-tango pa ito.
"Di naman tayo magkautak ehh."
Oo nga pala. Ako pala yung matalino.
"Di tayo magkautak. Ako matalino, ikaw sakto lang." Umiling-iling naman siya. Hindi ba yun ang ibig sabihin niya?
"Di tayo magkautak. Ikaw matalino pero tanga naman. Ako gwapo hindi masyado matalino pero hindi naman katulad mo na tanga." Ouch!
"Ang over!"
Bumalik na ulit ako sa kwarto para magbihis at kunin ang mga documents dito. Ganong paraan pala ang sinasabi niya saakin kanina. Bakit hindi niya naman ako ininform? Ano yun? Para surprise?
Kalabas ko ng kwarto, wala na si Sir sa sala. Hala! Iniwan niya yata ako.
"Umalis na po si Sir?" Lumapit naman saakin si Mama.
"Nasa labas hinihintay ka." Ngiti-ngiti pa si Mama.
"Ma, Pa. Alis lang po kami ah." Inayos pa ni Mama ang buhok ko.
"Galingan mo anak ah." Bakit naman?
Sasayaw ba ako? Kakanta? Ano bang gagawin ko?
"Huh? Ano po?" Inayos niya naman ngayon ang damit ko.
"Ayusin mo itsura mo. Magpakitang gilas ka sa boss mo. Malay natin at maging kayo balang araw pagkatapos yayaman ka na non." Kaya pala todo ngiti si Mama.
"Luh! Hindi po ako pumapatol sa boss. Bawal po yun Ma." Ngumiti lang ulit saakin si Mama.
Lumabas na ako ng bahay. Nakita ko si Sir Raze sa labas. Nakasandal sa kotse niya at nakakrus ang braso. Taray! Nag shades pa talaga. Lumapit na ako sa kaniya.
Syempre nakasilip na yung kapitbahay naming mga chismoso't chismosa. Ano pa bang aasahan niyo? Eh nagmana kaya saakin yung mga yan.
"Ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako." Sabi na eh. Galit nga siya.
"Dapat po kasi sinabihan niyo ako na pupunta kayo para ready po ako." Sinamaan niya na ako ng tingin.
"This is all your fault." Sinisi pa ako.
"Sorry na po Sir." Hindi man lang niya tinanggap ang sorry ko.
Sumasakay na sana ako sa back seat kaya lang agad akong pinigilan ni Sir.
Bawal diyan! Ano? Gagawin mo akong driver? Hell no!" Dami pang sinabi ehh.
"Bakit hindi niyo na lang po sabihin na gusto niyo po akong katabi?" Pasimple pa si Sir eh.
"Tch. I don't have a choice! Kung yan ang iniisip mo, nagkakamali ka!"
Ayaw pa talagang aminin ni Sir na gusto niya ako. Pakipot ang boss ko. Sumakay na ako sa shotgun seat.
"Sir paano niyo po nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko.
Ang galing naman ni Sir nahanap niya yung bahay namin.
"Hinanap ko yung mga requirements mo. Dahil chismosa ka din naman. Madali kitang nahanap. Kilala ka raw kasi sainyo bilang chismosa." Luhh!
Nakasagap pa ng information si Sir ahh. Grabe naman yung mga kapitbahay ko. Ang sasakit magsalita!
Machismis nga din sila. Kaso baka pagalitan ako ni Mama. Baka sabihin niya ang sama sama kong tao.
"Huwag mo ng hintayin na ako pa ang magbukas ng pinto para sayo dahil hindi ko gagawin yun. Never!" Napansin kong nandito kami sa isang malaking bahay.
Mali!! Mansion ito mga sisters. Sobrang laki. Sobrang taas. Sobrang ganda. Kulay puti lahat at sobrang linis ng labas ng bahay.
Bumaba na ako ng kotse. Ang ganda!!
Ganda ng exterior. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Sa labas may garden. Maraming bulaklak na nakapaligid.
Bago mo makita ang mansion nila, may fountain muna sa gitna. Sobrang laki nito. Parang ang sarap yatang mag swimming dito. Pwede mo din inumin ito sa sobrang linaw ng tubig.
Yung buong exterior ng mansiom eh puro glass. Ang gandaa!!
Pumasok kami sa loob.
Wow!!
Kapasok mo sa loob. Makikita mo ang dalawang hagdanan na magkabilaan. Parang yung mga hagdanan sa mga bahay ng mga Prinsesa at Prinsipe. Grand staircase yata yung tawag sa mga ganon. Nakapagitna sa hagdanan ang mga mamahaling sofa.
Kulay Gold at white lang ang makikita mong kulay sa loob.
Kapag tumingin ka sa taas merong empire crystal chandelier lightning. May mga malalaking bintana sa paligid. May picture fram din na pagkalaki-laki sa gitna.
Mukhang pamilya ito ni Sir Raze.
"Sainyo po ba ito?" Manghang mangha talaga ako.
"Papasok ba ako dito kung hindi?"
"Pwede din naman po."
Bakit ako? Pumapasok ako dito kahit hindi naman saakin.
"Akala mo bisita ka dito? Hindi! You're here to replace our maid." Ay hala!
Totoo ba yun? Grabe naman yata!
"Eh Sir, secretary niyo po ako hindi maid." Tumango tango pa siya.
"I know. Don't worry, I'll pay you." Yun oh!!
Babayaran naman pala ako. Ano pang inaarte ko? Edi go!
"Totoo? Kailan po yung bayad?" Parang nagisip pa yata siya.
Hala! Baka joke lang yata.
"Later." Ayun! Buti naman.
Naglakad si Sir Raze kaya sinundan ko siya. Napadpad kami sa isang malaking dining room.
May pagkahaba-habang lamesa. Tapos may mga upuan. Labing dalawa yata yung upuan dito. Sa itaas may chandelier din. Tatlo.
Sunod naming pinuntahan ang kitchen area. Kung kanina doon sa living room nila gold and white ang kulay.
Dito naman ay black and white.
Maganda ang pagkakagawa.
May pa-L shape modular kitchen. Kulay black ito. Sobrang laki. Sobrang ganda. Parang pwede ka ng matulog dito.
May mga mamahaling kitchen furniture dito at marami din ang hugasin. Kaloka! Mga di marunong maghugas ng plato!
"Ang daming hugasin ah. Ilan po ba kayo dito?" Sobrang dami ba nila sa mansion?
"2. Grandpa is not here and also my Dad." Dalawa lang sila?
Bakit ang daming hugasin?
"Nagkataon na sabay-sabay ang day off nila ngayon. Hindi ko alam kay Dad kung bakit nangyari yun. Since your here already, baka gusto mo ng hugasan ang mga yan."
May kinuha siya sa cabinet na kung ano.
"Here, wear this one." Inabot niya saakin ang isang apron na color black. Sinuot ko na yun.
"Ang sweet niyo naman po." Hindi niya ana ako pinansin.
Umalis na siya at iniwan ako dito sa kitchen nila. Maingat na maingat kong hinugasan ang kanilang mga plato na babasagin.
Natapos ko din ito kaagad since sisiw na lang naman saakin ang paghuhugas. Sakto namang bumalik si Sir.
"Done?" Tanong niya. Chineck niya ang mga plato.
"Yes Sir!" Masiglang sagot ko.
Ang sarap maglinis kapah ganito kaganda yung bahay mo.
"There's more come with me."
Hinubad ko na muna ang apron at binalik kay Sir. Binalik niya ulit ito sa cabinet. Sumama ako kay Sir.
Napadpad kami sa isang malaking-malaking library.
Sa gitna ay mga mga sofa at lamesa na mamahalin. May mga hagdanan din dito sa gilid para pwedeng mong akyatin kapag kukuha ka ng libro. Hanggang second floor yung mga libro. Ang lalaki ng bookshelf. Mas malaki pa saakin.
"You know how to use laptop?" Tanong niya habang inaayos ang isang laptop.
"Yes Sir." Anong tingin niya saakin? Di marunong?
"Okay then. Make an invitation."
Invitation? Para saan naman? May mag bi-birthday ba?
"Invitation for?" Tanong ko pa.
"Here. Just copy this one. Ayusin mo na lang yung design. Black and gold ang theme."
Mahilig siguro talaga si Sir Raze sa black and gold. Halos ganon kasi ang kulay ng buong bahay. May black may gold at whote.
Binigay niya saakin ang isang laptop. Dalawa ang hawak niyang laptop. Yung isa gagamitin niya at yung isa ay gagamitin ko. Ganon siya kayaman.
Habang busy si Sir, hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Ginagawa ko naman ito kapag nasa office. Pero may napansin lang talaga ako sakaniya.
Ganon ba siya kagalit sa world para sumimangot? Kahit anong gawin niya sumisimangot pa rin siya.
Hindi ba siya nangangawit?
"Done staring?" Nagulat ako ng magsalita si Sir. Nahuli niya ako.
"Ay sorry po. Eto na gagawin na po. Hehehe."
Inayos ko ang upo ko at ginawa na yung inuutos niya. Invitation ito tungkol sa perfume chuchu nila. Baka may event na magaganap sa kompanya.
Habang patapos na ako sa ginagawa ko. Biglang bumukas ang pintuan at niluwa non ang isang batang lalaki.
"Kuya." Tawag niya kay Sir Raze.
Kapatid niya siguro. Sobrang cute na cute. Dahil nakangiti siya at singkit siya katulad ng kaniyang Kuya, na si Sir Raze. Nawawala tuloy ang mata niya kapag todo-todo ang ngiti niya.
Ang cute naman! Medyo mataba ang cheeks niya at chubby din siya ng kaunti. Medyo mahaba ang buhok nito at curly. Parang kay Harry styles.
"What?" Kahit kanino talaga ang sungit ni Sir.
"Let's play!"
"I'm busy."
"Let's go!" Pangungulit niya pa.
"Look. I'm busy." Nalungkot naman ang bata.
Kawawa naman. Buti na lang at tapos na ako. Kinuha ko siya. Muli akong bumalik sa upuan ko at kinandong ko siya.
"Hi ako nga pala yung asawa ng kuya mo." Pagbibiro ko.
"Asawa?" Tanong nga bata.
"Hoy! Anong asawa? Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" Yung itsura ni Sir nakakatawa.
"Yes Sir!" Muling binalik ni Sir ang tingin sa laptop niya.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sakaniya habang nilalaro ang kamay niya.
"Rhys." Sagot naman niya.
"Ilang taon ka na?" Tanong ko ulit.
"6." Finorm niya pa yung number 6 sa kamay niya.
Naglalaro kami ng kung ano-ano. Pinakita niya din saakin na maruning na siyang magsulat at magdrawing. Tawa ako ng tawa sakaniya. Napakabibong bata. Hindi kagaya ng kuya niya.
"Tch. Ingay! Ilabas mo nga yan." Reklamo ni Sir.
"Hala! Bakit naman po?" Gusto niyang ilabas yung kapatid niya? Ang init kaya!
"I'm busy! I can't focus on what I'm doing because you two are noisy."
Kami pa talaga ang mag-a-adjust?
"Maawa ka naman sakaniya. Anak natin siya! Kailangan niya ang aruga ng isang ama! At ikaw yun!" Pagdadrama ko.
"Done with that drama? Hindi ko siya anak. That's my brother, weirdo."
Di man lang sinakyan ang kagagahan ko?
Lumabas na kaming dalawa ng library. Sa tulong ni Rhys eh nakalabas kami ng mansion nila at dito kami napadpad sa may fountain.
"Bakit ikaw palaging masaya at marunong ngumiti, yung Kuya mo naman napakasungit?" Tanong ko habang naglalakad-lakad kami.
"I don't know. Maybe he always love to be cranky."
Taray ng batang ito. Kering keri ang page-english.
"Siguro nga."
"Hoy! Bakit nasa labas kayo?!" Kaagad lumapit saamin si Sir Raze.
"Sabi niyo po Sir, naiingayan kayo sakaniya tapos inutusan niyo po akong ilabas siya. Kaya bakit po kayo nagtataka na nasa labas siya ngayon?"
Napakamot naman siya sa ulo niya.
"Ang tanga naman!"
"Ang over!"
"Tch. Sabi ko ilabas mo siya sa library hindi sa labas mismo ng mansion!"
Galit na kaagad. Ganon lang.
"Eh hindi niyo naman po kasi nilinaw."
"Nakalimutan ko kasing tanga ka!"
"Ouch ah!"
Sakit magsalita ah!
"Tch." Ayun! Nagwalk out.
Naiwan kaming dalawa ni Rhys dito. Ang ginawa ko eh nakipaglaro na lang ulit ako sa kaniya. Tahu-taguan, habul-habulan, patintero kahit kami lang dalawa.
"M-miss........................"
Napapano itong si Rhys? Gusto niya bang maglaro kami ng acting-an?
"M-miss...................Liana!"
Agad akong lumapit sakaniya. Hala! Anong pwedeng gawin? Bakit parang nagiiba na ang itsura niya? Patay ako kay Sir Raze nito eh!
Anong nangyayari sakaniya? Help! Jusko!!