"Bayaran mo ang utang ng kapatid mo saamin. 20, 000 lahat ng iyon. Kailangang-kailangan na namin ngayon. Kung hindi, baka sa kulungan ang diretso mo at ng pamilya mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Leo lang naman ang kapatid ko diba? Hindi naman kami nadagdagan diba? So ibig sabihin si Leo nga ang tinutukoy niya. Pero paano magkakautang ang lalaking yun? Eh halos araw araw binibigyan ko siya ng pera. Kulang na nga lang pati ipon ko ibigay ko sakaniya dahil alam kong kulang yung binibigay sakaniya ni Mama at Papa. Tapos malalaman ko ngayon na may utang siya? Ano bang ginagawa ng batang yun sa buhay niya? Hindi na nga pala siya bata. 3rd year college na siya. "P-pero, hindi naman po yata yan magagawa ng kapatid ko. Baka po ibang Leo pala po ang nangutang sainyo. You know naman,

