Pangatlong araw na namin dito sa Ilocos. Si Raze naman ayun busy pa din para sa itatayong perfume line nila dito. May kausap siya ngayon sa labas. Ewan ko kung sino yun. Hindi ko siya knows. "Oh bored ka? Tara sa labas." Pangaaya saakin ni Abi. "Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko habang abala ako sa pagtitingin ng mga pictures namin ni Raze. Sumilip naman dito si Abi at ang laki laki ng ngiti niya ng harapin niya ako. Kumunot naman ang noo ko sa pagngiti niya. "Taray! May pa picture together ah." Pangaasar niya saakin. Tinabi ko na muna ang phone ko baka kasi maibato ko ito kay Abi. Mapangasar kasi siya. Kapag naman inaasar ko siya dito sa Andrei na yan eh ayaw niya naman. "Tara na Liana! Maiinip ka lang dito eh. Magenjoy ka naman!" Pinilit niya akong lumabas ng hotel. Pero syempre

