Naramdaman kong may nagtanggal sa kumot ko na nakatakip sa mukha ko.
"Gumising ka na! Unang araw mo sa trabaho!"
Ang sakit sa tenga ah. Ouch! Si Mama talaga, mas malakas pa sa speaker yung boses niya.
Tuloy ay nagmamadali akong bumangon dahil sa lakas ng boses niya.
"Ano na po bang oras?" Tanong ko habang kinukusot ang beautiful eyes ko.
"5:00 am."
WHAT? Totoo ba yung naririnig ko? 5:00am?
"5:00 am seryoso po? Ma, ang aga niyo naman po akong ginising." Pagmamaktol ko.
Nagbabalak pa sana akong bumalik sa kama kaya lang humarang si Mama. Hindi ako makabalik.
"Gusto mo mawalan ng trabaho?"
Ang sungit naman ni Mama. Masyadong over.
"Eto na nga pi. Maliligo na."
Tumakbo ako papunta sa banyo. Dahil nga kompanya yung papasukan ko, dapat malinis na malinis ako. Todo sabon ako sa katawan para mabango ako. Pinaka-shampoo ko din ang buhok ko para habang dumadaan ako maamoy ng mga tao yung buhok ko.
Mabilisan din akong nagalmusal dahil ayaw ko naman malate. Tama si Mama. Kung ayaw kong mawalan ng trabaho dapat hindi ako nagpapalate lalo na't unang araw ko sa trabaho.
"Akala ko bang gown ang susuotin mo?" Tanong ni Luke habang pinapasadahan ako ng tingin.
"Wala ng time mag-ayos." Sinuklay ko ang buhok ko para mag stay ang beauty ko.
"Wala ng time o wala ka lang gown?"
Grabe siya saakin mga sis no? Ako walang gown? Paano niya naman nalaman?
"Luh! Pano mo nalaman? Galing mo naman."
Umiling iling pa siya. Taray! May pa-iling ang bestfriend ko. Kanino niya kaya yun nalaman?
"Ako pa! Kilala kita! Are you ready?"
Huminga muna ako ng malalim sabay tingin sa salamin at um-aura. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay.
"Kahapon pa ako ready."
Excited nga akong pumasok ngayon. Syempre mae-expose na naman ang kagandahan ko.
"Di ako naniniwala. Kanina pa kita inaantay eh."
OA niya no? Parang ilang oras lang naman ako nagaayos eh.
"Ganon ba? Sinong may kasalanan?"
Dapat talaga siya ang sisihin eh. Kung magrereklamo siya dapat hindi niya na lang ako hinatid.
"Ikaw!"
Aba! Sinisi pa ako. Hindi naman ako ang nag push sakaniya na ihatid ako. Nalaman ko kasi na kapag maganda ka dapat maginarte ka. Uulitin ko, maganda lang ah.
"Mali! Ikaw ang may kasalanan! Sino bang nagsabing ihatid mo ako? Diba ikaw?"
Wala akong amnesia at hindi din ako ulyanin. Kaya hindi ko makakalimutan yung mga sinabi niya saakin kagabi.
"Hindi kaya!" Hinampas ko ang braso niya.
"Hoy! Hindi kita pinilit! Hindi kita inutusan!"
"Oo na, kasalanan ko na!"
See? Umamin din. Edi tapos ang usapan!
"Naturingang Atty. Pero di ako kayang kalabanin. Nasaan ang tapang mo ngayon?"
"Ayoko lang magpatalo sayo."
Pagdating talaga saakin wala siyang kalaban-laban, syempre maganda ako eh.
"Sus! Palusot!"
"Sumakay ka na sa kotse."
Taray! Sasakay ako sa kotse. Nai-imagine ko para akong prinsesa tapos driver ko si Luke.
Tinulak niya na ako papasok sa loob ng kotse. Ganon niya ako kamahal bilang kaibigan niya. Yung tipong kaya niya akong patayin dahil sa mga ginagawa kong kagagahan. Kaya nga tumagal ang friendship namin eh. Kase magkasundong-magkasundo kami niyan.
"Kapag pinahiya ka o ginawan ng masama ng mga katrabaho mo, sabihin mo saakin."
Aba! Hindi lang yata driver ang gusto niya. Pati yata superman eh gusto niya na din. Willing siyang magtake ng risk para saakin. Sweet ah!
"At bakit naman?"
"Tutulungan ko silang apihin ka."
Langya! May masama palang balak! Akala ko gusto niya akong iligtas. Sabagay, ano pa bang aasahan ko diyan? Masama talaga ugali niyan.
"Sama mo!"
"Ganon talaga."
Oh diba! Proud pa siya na masama siyang tao.
"Kapag talaga nakuha ko ang sweldo ko, hindi kita ililibre."
Balak ko pamandin siyang ilibre kapag nakapagsweldo na ako. Sayang yun!
"Edi wag! Kaya ko namang ilibre sarili ko."
Sabagay, mayaman naman pala siya. Kaya kahit ano ay pwede niyang bilhin.
"Edi bababa na lang ako."
Hininto niya ang sasakyan para pigilan ako.
"Biro lang. Pikon ka naman kaagad."
Muli niya na itong pinaandar pero hindi ko siya pinapansin. Kapag maganda ka dapat talaga snob ka paminsan-minsan.
Kahit minsan ay try mo ding maging ma-attitude para naman hindi ka na nila lokohin ulit. Ganon yun.
"Hindi ka nagsasalita ah. Luh! Serious mode? Eto lang masasabi ko sayo, di mo bagay!"
Tawa pa siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin kahit na hindi niya nakikita dahil nga nakatutok siya sa daan.
Sama ng ugali no? Sarap hambalusin ng manibela. Lakas ng loob niyang sabihan akong hindi ko bagay ang serious mode. Sa ganda kong ito! Lahat babagay saakin. Gabin ako kaganda! Oh wag kayong maingay ah. Mahirap na kapag maraming nakaalam. Baka pagkaguluhan ako. Ayoko non! Sabi nga saakin ni Papa, dapat itago ko na lang ang beauty ki. Well, tama naman siya.
"Dito na tayo! Wow! Ang laki naman pala ng kompanyang papasukan mo. Yayamanin!"
"Goodbye!"
Try ko ngang magsungit sakaniya.
"Sungit!"
Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad at pinakita ang mapuputi kong ngipin.
"It's a prank bro!" Tsaka ako humagalpak ng tawa. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Bumaba ka na nga!"
See? Sungit niya no.
"Bye Atty."
Taas-noo akong pumasok sa loob ng kompanya. Dire-diretso lang ako para kunwari ako ang boss. Ganda ko teh!
"Ano yang suot mo?" Tanong saakin ng babaeng nag-interview saakin kahapon.
Tinignan ko pa ang damit na suot ko.
"Damit po, diba obvious?"
Tanga-tangahan lang ang peg?
"Oo nga! I mean bakit ganiyan?"
"Anong masama?"
Secretary ka ni Sir. Ayaw nigang ganiyan ang suit mo!"
Anong masama sa white shirt? White shoes? At black pants?
At anong sabi niya? Secretary ako dito? Seryoso? Akala ko Marketing Manager o kaya naman may kinalaman sa business chuchu na related sa course ko. Bakit biglang secretary?
Masyado ba akong sexy para maging secretary?
"Ano pa po bang magagawa ko? Suot ko na. Wala na po siyang magagawa. At anong sinabi niyo po? Secretary po ako dito? Kelan pa?"
Hindi talaga ako makapaniwala eh.
"Hindi mo alam?"
"Magugulat po ba ako ng bonggang-bongga kung alam ko? Wala naman po kasi kayong sinabi eh."
Di man lang ako ininform. Yan tuloy di ko knows!
"Hindi ka naman nagtanong."
At kasalanan ko pa ah? Sana sinabi niya na lang saakin at hindi niya na ako hinintay na magtanong.
"Edi sorry naman po. Shunga lang."
"Sama ka saakin. Pupunta tayo sa office ni boss."
Sumakay kami sa isang mamahaling elevator. Ang bango dito ah. Amoy mayaman mga sis.
"Dito na tayo. Pasok ka diyan sa loob."
Binigay niya saakin ang isang folder na naglalaman ng schedule ng boss namin.
"Hello? Anybody here?" Pinagbawalan niya ako sa mga sinabi ko.
Binuksan ko na lang ang pintuan pero syempre kumatok muna ako.
Nakatalikod ang upuan ng boss namin. Lalaki ito base sa buhok niya. Taray! Ano ito? The voice? Si bamboo ba yung boss namin? Kaya may pakulo siyang ganito?
"Who are you?" Kasabi niya non, umikot ang upuan niya at humarap saakin.
Oh eto ah! Hulaan niyo kung anong itsura ng boss ko ah. Ano hula niyo? Gwapo ba? Panget ba? Okay lang? Ano?