CHAPTER 1

2478 Words
Ang aga-aga, aalis ka?" Bungad saakin ni Mama. Todo outfit kase ako ngayon. "Anak, ito lang tips ko sayo ah. Matalino kang bata hindi ba? Kung ganon edi iwasan mong sagutin ang tanong nila ng may kasamang katangahan at kagagahan." Ouch! Sakit magsalita ni Mama ah. Parang hindi niya ako anak eh. "Wow! Nice tips po Ma." Inayos ko na ang mga gamit na ka-kailanganin ko. Maaga akong gumising para lang maghanap ng bagong trabaho. Ayoko na kaseng mag-call center. Boring! Walang thrill! Nagmamadali akong lumabas ng bahay dahil baka wala na akong ma-apply-an. Mahirap pa man din ang buhay ngayon. Kasakay ko ng jeep syempre tinginan ang mga pasahero saakin. Ganda ko kaya! Siguro sa isip-isip ng mga pasahero 'ang ganda naman ng babaeng ito. Maswerte ako at kasabay ko ang magandang babae na ito sa jeep' ganon siguro yung mga nasa isip nila. "Miss, bakit parang baliktad yung damit niyo?" Tanong nung isang epal na pasahero. Inggit lang siya siguro sa beauty ko. Tinignan ko naman ang damit ko. Hala! Totoo nga! "Ate, ang over ah! Uso po yan ngayon. Mahirap na baka maligaw ako sa pupuntahan ko. Kaya mas mabuti na yung nag-iingat." Palusot ko na lang. Hindi naman kase sinabi saakin ni Mama na baligtad pala damit ko. Sa kakamadali siguro hindi ko na napansin. Si Mama talaga. Hindi man lang nag-abalang pansinin ang damit ko. Ayan tuloy! Ang traffic! Bakit kase palaging traffic? Sino ba ang nagpauso ng salitang 'traffic'? Kapag ako talaga naging Presidente ng Pilipinas, ipapatanggal ko yung mga kotse, truck, motor at tricycle sa kalsada para malayang makapaglakad ang mga tao tapos pwede ka pang rumampa sa gitna ng kalsada. Magpapagawa ako ng maraming eroplano, hellicopter, jet at iba pang mga paliparang saaakyan. Para naman maranasan ko din sumakay ng mga ganon. Kaya lang, inaalala ko kung dadami ang mga yun baka magkakaroon na naman ng traffic sa ere. Buti na lang wala pa akong balak tumakbo ng pagka-presidente. Mas okay na saakin na yung paghahanap lang ng trabaho ang pinoproblema ko. Kababa ko ng jeep dumiretso ako sa restroom para ayusin ang damit ko. Kapasok na kapasok ko sa kompanya nila. Ganito ang bungad saakin. "Sorry pero may natanggap na kaming empleyado, gusto mong magjanitress na lang-?" Grabe siya no? Hindi man lang nagabalang batiin ako. Kaagad reject? Ang over! "Girl, business administration ang natapis ko. Suma Cumlaude pa. Tapks gagawin mo akong janitress? Pero....... why not diba? Willing ako!" Naku! Mukhang mapapasabak ang beauty ko ahh. Keri lang naman! Sa hirap ng buhay ngayon, lahat ng trabaho papatusin ko. Kahit ano pa yan. Wag lang yung pagbebenta ng katawan ahh. Wala na nga akong lablyp edi wala pa akong katawan? Wag ganon! "Miss meron na kami. Sorry." Tignan mo itong si Ate girl. Di man lang ako sinabihan. Ito talaga yung mga ayaw kong kausap eh. "Bakit hindi mo naman sinabi kaagad? Sayang lang laway ko kakasalita." Nakakapanghinayang naman! Akala ko yun na eh. Sayang! "Eh Miss, agad ka kaseng nagsalita. Hindi mo man lang ako pinatapos. Gusto mong magjanitress sa kabilang kompanya? Yun ang sasabihin ko!" Ay!! Galit ata si ate girl. Ang over ahh! Galit agad? Naku! "Chill! Sorry naman. Ang bagal mo kaseng magsalita eh. Sige na. Bye!" Ayoko ng pahabain pa ang usapan naming dalawa. Sinasayang niya lang ang oras ko. Sayang din itong beauty ko. Dapat hindi na lang ako nag-apply sa kompanya nila ehh. Sana hindi na nila pinaskil yung hiring chu-chu nila sa labas ng kompanya. Pinapagod lang nila ako. Ayoko sa lahat yung pinapagod ako ehh. Nakakasira ng beauty yun no. Lumipas ang ilang oras at halos lahat ng in-apply-an ko hindi man lang ako tinanggap. Yung iba naman ang sabi magte-text or call daw sila saakin. As if naman totoo. Eh paasa lang yung mga yun. Napagpasiyahan kong kumain muna dito sa isang tabi. Kanina pa ako nagugutom. Dahil gutom ako kahit na pangit ang lasa ng pagkain nila dito syempre nasarapan pa din ako. Eh gutom nga kasi ako. Wala naman akong choice. Ito na lang yung pinakamalapit na nakita ko eh. Tsaka ayaw ko na na gumastos pa. Sayang lang pera ko. Marami pa akong babayaran no. "Hi Ate, hindi ba kayo naghahanap ng magagandang dilag na magbabantay sainyong munting karinderya? Willing naman ako basta maayos niyo akong pasasahurin." Sabi ko naman sainyo, papatusin ko lahat ng trabaho. Kahit ano pa yan. Sa hirap ng buhay ngayon, kailangan ko talaga ng trabaho. Bakit pa kase ako nagresign doon sa call center na pinapasukan ko. Ayan tuloy! Pahirapan sa paghahanap ng panibagong trabaho. "Naku! Hindi na kami tumatanggap ng tagabantay eh." Ngek! Sayang naman. Bakit ba kase ang hirap maghanao ng trabaho? Habang busy ako sa pagkain bigla namang nagring ang phone ko. Istorbo! Kumakain ako eh. Walang tingin-tingin sa screen kung sino ang tumawag. Tamang sagot lang. "Hello? Kumakain ako eh! Bakit ka ba tumatawag?" [Hello? May I speak to Ms. Buenaventura?] Ay kabayo! Ito yata yung in-apoly-an ko ng trabaho ganiyan pamandin ako sumagot. Akala ko kase yung kapatid ko eh. "Yes Ma'am. Speaking." [Congratulations! You are one of the employees who passed the initial interview] "Owws? Di nga? Baka scam lang ito ahh." Ang turo saakin ni Mama at Papa wag daw basta basta maniniwala sa mga sabi-sabi. Dapat i-make sure mo daw lahat lahat. [No. This is not a scam. I'm telling the truth Ms. Buenaventura.] "Magkita nga tayong bruha ka. Kapag naman ito scam, kakalbuhin kita!" Mahirap na. Baka mamaya sinasayang niya lang ang oras ko eh. [Okay Miss. Kindly come to our company for the final interview. Let's talk at the Montereal Group of Company. See you!] "Okay!" Humanda talaga saakin ang babaeng ito. Uso pamandin yung mga scam sa panahon ngayon. Agad akong nagmadaling tapusin ang pagkain ko. Inayos ko muna ang sarili ko. Kailangan ko na talagang makaharap yung bruhang yun. Baka mamaya fake news pala eh. Nakaranas na kase ako ng ganiyan dati. Mabuti na ang nagiingat sabi nga nila. Nagtataka ako bakit may humahabol saakin. Mukha ba akong magnanakaw? Ahh hindi. Baka naman gusto lang ako ni Kuya kaya niya aki hinahabol. "Hoy! Yung bayad mo?" Kaya naman pala ako hinahabol eh. Inabitbko na sakaniya ang bayad at nagpatuloy sa paglalakad. Akala ko talaga may gusto siya saakin eh. Wow! Ang ganda ng company na ito. Bongga! Sa sobrang laki nito baka hindi ko mahanap yung bruhang yun. "You are Miss Buenventura right?" Luh! Stalker ko yata ito eh. Bakit niya alam na ako yun? Luh! Scared ako! "Yes Ma'am." Sumagot na lang ako kahit na hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba ito. "You need to pass the final interview for you to have a work. By the way, I'm Kristina Dominguez. I am the one who called you earlier." Ahh. Siya pala yung bruha kaninabg tumawag saakin. Naku! Baka hindi niyan ako mapasa sa mga pinagsasabi ko kanina ehh. Pero teka? Akala ko bang nakapasa na ako? "What? Ma'm, I thought I already passed the interview?" Ang gulo kausap ah. "Oh yes! You already passed the interview but that's the initial interview." Oooh!! Dami alam ahh. Daming keme-keme. "So, may final interview pa? Di ko yun knows ah." Nagkaroon kami ng kaunting chikahan about sa dati kong trabaho, ano natapos ko at yung buhay ko. "Ma'am, sabihin niyo nga po saakin. MMK ba ito?" Tanong ko sakaniya. "Huh?" Naguguluhan niyang tanong. "Pinakwento niyo po kasi saakin yung talambuhay ko." Luminga-linga ako at naghahanap ng camera. Baka mamaya naka-live pala ngayon ang MMK. Artista na aketch! "Ang sabi ko lang naman tell me about yourself. Eh ikaw itong nagkwento magmula pagkabata mo hanggang sa paglaki mo." Ang over ni Ate! Ako pa talaga ang may kasalanan. Kasalanan ko bang nagenjoy ako sa paguusap namin? "Ay sorry pi, nagenjoy lang po akong magkwento. Tatanggapin niyo po ba ako? Kung hindi, sayang lang po yung kinwento ko. Matalino pamandin ako. Hindi naman po sa pagmamayabang pero parang ganon na nga." Medyo natawa pa si ate girl. Luh! Funny ba yun? "Bakit parang nangongonsensiya ka?" Luh! Ano na namang sinasabi niya? "Sino po Ma'am? Ako po? Naku! Hindi naman po. Nagsasabi lang po ng totoo." Tinuro ko pa sarili ko. "Kung ganon..." Ano ito? Announcement kung sino ang panalo sa pageant? Pasuspense si Ate girl eh. "Ma'am pasuspense po kayo no?" Ngumiti ito ng pagkalaki-laki. Luh! Ang creepy nito ah. Hambalusin ko kaya siya ng upuan? "Congratulations!" Tignan mo. Tatanggapin din pala ako eh. Dami pang sinabi. "Nadali mo din! Thank you po!" "Bukas na bukas, papasok ka na dito sa kompanya." Yun oh! Magbabago na buhay ko bukas! Nakakatuwa naman. Ano kayang sasabihin nila Mama at Papa? Sa wakas may trabaho na ulit. Akala ko talaga hanggang pagtanda ko, naghahanap pa din ako ng panibagong trabaho. "Hulaan niyo po kung bakit ang saya saya ko." Nagkatinginan naman ang parents ko. "Nakasalubong mo ang crush mo sa daan?" Tanong ni Mama. Wow! Ako may crush? Luh! Ginawa akong bata. "Ma, hindi naman po ako bata eh." Tinawanan pa ako nila Papa at ng kapatid ko. "Ay akala ko kasi bata ka, naalala ko isip bata ka pala." Grabe naman si Mama saakin. Parang hindi niya ako anak eh. "Ang over!" Si Papa naman ay humarap saakin. "May boyfriend ka na?" Mukha ba akong may jowa? "Ano po yun? Nakakain po ba yun?" Ganiyan ang mga sagot ng mga walang jowa. Ngayon alam niyo na ang sasagutin niyo ahh. "May trabaho na ako!" Sigaw ko sa tuwa. "Talaga? Buti tinanggap ka?" Grabe talaga ang parents ko saakin eh. Parang hindi talaga nila ako anak. Yun talaga ang nararamdaman ko eh. "Eh wala naman po silang choice. Mayaman na ako bukas!" Ano kayang pwedeng gawin after ng trabaho ko? Magpa-party? Mag-out of town? Ano sa tingin niyo? "Ate, wag ambisyosa. Nagkatrabaho ka lang, mayaman na?" May taglay na pagkaepal talaga yang kapatid ko kahit kailan eh. Sa lahat ng bunso siya yung ganiyan magsalita. Lalo na kapag kausap ako. Dakilang basher ko yan eh. "Yung bibig mo ah!" Panunuway ko sa napakabait kong kapatid. Dahil may trabaho na ako, nagluto si Mama ng paborito kong ulam. Sinigang na hipon. Kaya naman napakasarap talaga ng kain ko. Nang matapos kaming kumain, dumiretso ako sa kwarto para maghanap ng masusuot bukas. Syempre dapat disente akong tignan no. Marami pa man ding judgemental sa panahon ngayon. Mahirap na. Baka kakapasok ko pa lang marami na akong basher. "Ate, nandiyan si Kuya Luke!" Sigaw ng kapatid ko galing sa labas ng kwarto. "Papasukin mo dito!" Ano na naman kayang kailangan ng lalaking yun? Tinitignan ko lahat ng mga damit ko. May mga damit naman akong maganda. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang susuotin ko bukas. "Aba! Busy ka yata?" Tanong ni Luke ng makapasok sa kwarto ko. "Oh anong ginagawa mo dito?" Balik tanong ko sakaniya habang naghahanap pa din ng damit. "Diba sabi mo pasok ako dito?" Kunot noo niya akong tinignan na para bang nalilito. "Hindi-" hindi niya pa ako pinatapos sa sasabihin ko. "Huh? Akala ko-" bilang ganti, hindi ko din siya pinatapos sa sasabihin niya. Gantihan lang! "Hindi yun ang ibig kong sabihin. Tinatanong ko kung anong ginagawa mo sa bahay namin? Buti napadalaw ka?" Umupo siya sa kama ko. Taray! Feel at home ang bestfriend ko. "Ayaw mo?" Sungit nito! "Gusto!" Minsan na lang kami kasi magkita. Busy yan eh. "May trabaho ka na daw?" Aba! Agad niyang nalaman. Di ko naman siya sinabihan ahh. "Ang bilis ng chismis ah! Nasagap mo kaagad." Baka nalaman niya din sa mga kapitbahay. Si Mama kasi mabilis yan magkalat ng balita. Masyado siyang proud saakin. "Sinabi lang saakin ng kapatid mo." Palusot pa siya. Eh dakilang chismoso din naman siya. "Oo meron na nga akong trabaho." Ang sabi niya tutulungan niya daw ako maghanap ng maayos na damit. Nagkalat pa talaga siya sa kwarto ko. Nilagay niya lahat ng damit ko sa kama. Pero in the end, hindi pa rin ako nakapili ng susuotin. Wala namang natulong itong kaibigan ko. Lalaki siya. Kaya yung alam niyang fashion eh panglalaki. "May naisip na ako!" Dahil nga may taglay akong talino, syempre may nag pop-up na sa utak ko. "Ano naman yun?" Tanong niya habang binabalik ulit sa cabinet ang mga damit na kinakat niya kanina. "Bakit hindi na lang kaya ako mag-gown?" Buti na lang at gumana yung utak ko ngayon. Ang talino ko talaga. "Seryoso? Madami naman pwedeng suotin ah. Bakit yun pa?" Siya yung bestfriend na hindi supportive no? Ganiyan talaga ugali niyan. Kaya sanay na ako na hindi niya sasangayunan ang mga sinasabi ko. "Eh paki mo ba?" Pagsusungit ki. "Bakit mo ako sinusungitan?" Oh diba! Big deal sakaniya kaagad ang pagsusungit ko. "Gusto ko lang. Bawal?" Gusto ko talagang sinusungitan siya. Feeling ko kasi pag ginagawa ko yun ang ganda ganda ko. "Bahala ka kung anong gusto mong suotin. Basta siguraduhin mong hindi ka mapapahiya sa suot mo." Ganiyan talaga siya magsalita. Yung palaging may halong kaplastikan pero sa isip isip niya siguro napatay niya na ako. Plastik yang bestfriend ko. "Wow! Kuya kita? Sana all caring!" "Seryoso ako." "Ako din!" "Ate!!" Istorbo! Palaging epal itong kapatid kong si Lincoln. Oh diba! Sosyal ng pangalan niya. Bongga! Malamang may kailangan na namn yan. "Ate help!" Inabot niya ang notebook niya saakin. Parang naman mamatay na siya kung makatawag. Tinignan ko ang notebook niya. "3rd year college ka na, magpapatulong ka pa?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Paki mo?" Sabi sainyo eh. Kapatid ko talaga siya. Nagmana siya sa ka-malditahan kong taglay. Kaya ayan, pati ako na mismong ate niya sinusungitan. "Kaya mo na yan! Kaya mo ngang manligaw tapos hindi mo kayang sagutin yan?" Totoo yun! Ang lakas ng loob manligaw, eh math lang hindi pa masagot-sagutan. "Wow! Kasalanan ko ba na mahina ako sa math?" Kalalaking tao ang sungit-sungit. Kung hindi manliligaw, mapagkakamalan ko talaga siyang bakla. "Oo kasalanan mo kaya dapat kang ikulong!" "Corny mo! "Seryoso ako!" Mukha ba akong nagbibiro? "Ahh talaga? Kung seryoso ka, sagutin mo ito." Kung makapagsalita parang siya ang mas matanda. "Magpapahinga na utak ko. Ako lang ba ang matalino sa pamilya kaya saakin ka lumalapit?" "Ang yabang! Gusto lang kitang istorbohin." Sabi na eh. Ang hilig talagang mangistorbo at umepal. "Kahit kailan talaga!" "Dalina. Ngayon lang." "Oo na!" Nagpaawa pa talaga eh. Wala akong nagawa kundi gawin itong inutos niya. Ang dami ko na ngang iniisip eh. Yung susuotin ko bukas, yung uulamin ko bukas, yung speech ko sa mga katrabaho ko tapis dadagdag oa yung kapatid ko. Finally! Natapos din! Habang inaayos ko ang kwarto ay narinig akong ingay galing sa labas. Sumilip ako sa bintana at mukhang nagkakagulo lahat ng kapitbahay namin. Ano kaya yun? Anong nangyayari sa labas? Bakit ang daming tao? Ano yung pinaguusapan nila at tinitignan? Yung iba sakanila ay parang may sinisigaw na kung ano. Ano ito? Rally? Bakit sila nagkakagulo kung ganon? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD