CHAPTER LX Ilang araw na akong abala sa pag-aayos ng bagong branch ng Dinig dito malapit sa bago naming bahay kasi ayaw na ni Blake na araw-araw akong magbyahe para pumunta lang sa restaurant. Halos thirty minutes lang ang layo nito sa bahay kaya sobrang accessible na sa akin ang lugar na ito. Idagdag pang malapit ito sa magiging school ni Blue kapag nag-aral na siya kaya pabor na pabor ito sa amin. At ilang araw na rin mula ng huli kaming hindi nagpansinan. Kaya mula noon ay inabala ko ang nalang ang sarili ko dito sa ginagawa ko. May matatapos pa ako kesa intindihin ang galit ko kay Blake. Madalas din itong nasa labas na hindi ko na alam kung anong pinagkakaabalahan niya. At pinag-awayin namin ay maliit lang na bagay kaya nakakatawa na hanggang ngayon ay napaka distant niya pa

