CHAPTER XXII Ang isang babae daw marupok. Mabilis daw mahulog at mabilis magmahal. Pero kung gaano sila kabilis magmahal ganoon din sila katagal makamove on. Kaya nga siguro ganito rin ako. O baka kaya mas masakit ngayon kasi mas mahal ko. Gusto ko nang batokan ang sarili ko sa kung ano-anong naiisipan ko. Kaunti nalang talaga sa mental na ang takbo ko. "Pwede mo naman akong yakapin. Hindi naman ako magagalit." Napabalik ako sa reyalidad nang marinig kung nagsalita si Lex. Ang sakit na ng puwet at legs ko sa isang oras naming byahe pero wala pa rin kami sa Manila. Parang sinasadya yata ng lalaking ito na tagalan ang byahe namin ang tagal eh! "Tigilan mo ako Alexis. Baka pababain kita dito kay Rambo mo at ako nalang ang magmaneho," ingos ko na ikinatawa niya lang.

