VI

2980 Words
CHAPTER VI "What a bad mouth, love!" Iiling-iling nyang sita habang papalapit sa table ko. Shit! Parang lahat ng init napunta na sa mukha ko sa sobrang kabang nararamdaman ko. Lord kidlatan muna ako ngayon or ipakain muna kaya ako sa lupa. God nakakahiya talaga ako bakit ba kasi sya biglang sumusulpot. Bakit kasi ang bibig ko hindi man lang nakikisama sa sitwasyon? Badtrip naman oh! "S-sir. M-may kailangan po ba kayo?" pilit kung ngiti at pagiging kaswal sa harap nya. Tengene alangan namang dagdagan ko pa ang kahihiyan ko diba! Nakakahiya naman sa katangahan ko kung sasagarin ko pa. Sobra naman na wag masyadong abusado! "Ikaw ang kailangan ko maibibigay mo ba?" Nakacross ang mga kamay nyang tanong sakin. Ang yabang ng hinayupak na ito anong akala nya sakin pagkain? Mukha lang akong pagkain pero walang masustansiya sa katawan ko. "Teka a-ano? Ako kailangan mo? Pwede ba Mr. Antipatiko tigilan mo ako. Actually your really disturbing me right now.” Hindi ko na mapigilang pagtataray ko sa kanya. "Ah ganon ba! Kaya pala nakapatay na ang computer mo at nakasukbit na ang bag sa balikat mo. I see. Masyado ka nga palang masipag Miss Masangsang.” Tumaas ang sulok ng labi nito at isang nakakalokong ismid ang binigay nito sa akin. "Argghh it’s Violet, Sir. May pangalan ako hindi kailangang apelyido ko ang itawag mo ng paulit-ulit sa akin. Huminto ka sa pagtawag sa akin sa pamamagitan ng aking apelyido. Namumuro kana sa akin ah!" bulong ko sa huling sinabi ko. Bago kunwaring inabala ang sarili sa mga papeles sa table ko. Kailangan ko ng distruction at hindi pwedeng ang lalaking ito ‘yon. "Baka naman gusto mo ng tumayo dyan Miss Masangsang. Kasi kanina pa ako dito mahiya ka naman sa boss mo. Hindi ba dapat inaasikaso mo ako?" kunot noo ko siyang nilingon. Aasikasohin ko siya? Ano ba siya dito bisita? Ang kapal talagang mukha ng lalaking ito. "Excuse me, Sir. Wala naman po akong sinabi na tumayo kayo dyan at antayin ako." Inis kung irap dito. Pero mas lalo lang syang ngumisi sakin. Na para bang sinasabi niya na wala akong magagawa kung hindi ang sumunod nalang sa kanya. "Gusto kong kumain ng dinner kasama ka and that’s an order. Kaya bilisan mo na I’m your boss after all. So, you should follow me and make amends to me. Besides you still owe me an apology," nakataas kilay nyang litanya. What a bossy boss tulak kita dyan sa hagdan makita mo. Bwesit ‘tong lalaking ‘to kahit kailan talaga walang magawang maganda. Mabilis akong sumunod sa kanya ng lumabas sya ng opisina ko. Makamadali akala mo pati sa labas ng opisina bayad n’ya ako magiextend nga ako ng OT nang makabawinaman ako. Akala mo ah! "Hoy wag kang ngumiti ng ganyan nakakatakot ka ei!" sabi nya ng lingunin n’ya ulit ako. Nauna na nga ako pa din nakikita dapat dito pinapasagasaan sa tren ei ng magkadurog-durog ang pagkatao tutal bastos din naman. "Saan tayo pupunta?'' tanong ko dito ng makapasok na ako sa kotse nya. "E ‘di kakain nga kanina pa ako paulit-ulit na magdi-dinner tayo. Di parin magsink-in sayo?'' nakataas ang kilay ng lingunin nya ako. "Ei kung magisa ka nalang pumunta doon sa dinner na sinasabi mo? Nang magsink-in din dyan sa utak mo na pinilit mo lang ako. Pesting to!" Ngumisi sya sakin sabay taas nang dalawang daliri. "Joke lang po Mam. Fasten you’re seatbelt, Love. I'll make it fast." Utos nya kaya kinabit ko na rin ang seatbelt ko. Pero ampota hindi ko akalain na ang fast niya ay talagang literal pala dahil halos paliparin n’ya ang kotse niya sa sobrang bilis noon. Buti nalang tapos na ang rush hour kaya nakakapagpatakbo siya ng ganito kabilis. Napapakapit nalang ako sa gilid ko kada liliko sya o biglang magpipreno feeling ko itatapon ako palabas nitong sasakyan nya ei. "f**k s**t, ka talagang lalaki ka! Bwesit! Ngayon palang nagsisi na ako sa pagsama ko sayo dito. Papatayin mo ba ako?" Galit na galit kung sigaw sa kanya ng makahinto kami sa isang restaurant. Pero ngumisi lang ito at dire-diretso nang lumabas. "Sorry na, Love. Baka kasi malate tayo sa pinabook ko kaya binilisan ko na. Anyway buo ka pa naman at malusog pa din. At nagsusumigaw ng mura so apparently buhay ka pa." Humahagalpak sa tawang sagot nya sakin. Nga-ngali ko ngang batukan namumuro na kanina pa ‘to ei kala mo close kami kung makapagbiro. Wala din siyang tigil kakatawag sa akin ng Love. Hindi ko na alam kung paano ko siya tatakasan dahil maghapon yatang ang sakit ng ulo ko dahil sa kanya. "Namimihasa kana dyan sa kakatawag mo sa akin ng Love ah! Teka bakit tayo andito?" Nagtataka kung tanong kay Mr. CEO nang makita ang nasa harap namin. Ngayon ko lang kasi napansin pamilyar pala sakin tung kakainan namin. Ito lang naman kasi ang restawran na pag-aari ko. Hmmff! Infairness my taste ang kumag na ito para mahanap niya ito dahil hindi ito nakatala sa mga kung anong site dahil ayaw lang naming. “Nagtanong pa! Syempre kakain tayo. Halika na, wag ka ng kiligin dyan di bagay sayo ngumiti ng ganyan mukha kang may balak na hindi maganda,” nakangiwi niyang sita sa akin. "Meron naman talaga. Balak na kitang patayin ngayon palang, Sir" May diin ko pang pagkakasabi sa mga huling salita ko. "Hay naku baka ikaw mamatay sa kilig. Let's go. The food here is good and very accomodating ang mga staff. Minsan nga gusto ko na silang ihire lalo na ang chef nila,” nakangiting paliwanag n’ya sabay tawa na naman. Masaya ba siya sa kinukwento niya? I wonder kung ilang beses na siyang kumain sa restaurant na ito para maging ganyan ang reaksyon niya. Alam kung masarap kaming magluto pati ang mga kinuha kung Chef ay sinigurado ko na magagaling. But I never expected it to be like this. "Good evening, Ma’am, Sir. Welcome to La Finesse," nakangiting bati ng staff ko. Infairness well trained and maintain ang poised ni Abby ang aking Maitre De. Mabati nga si Amber dito sya kasi ang bahala sa customer service ng mga tao ko. Pati ang uniform nila at set-up ng restaurant aky kaming dalawa din ang nag-ayos. Isa ito sa pinagbuhosan ko ng oras at panahon sa tuwing broken hearted ako. "Hi Ella,” tawag nya sa pangalan ng receptionist ng pasadahan nito ng mabilis na tingin ang nameplate nya. Napangiti ako ng biglang nanlaki ang mata ni Ella nakalimutan n’ya ata na may nameplate sya kaya nakilala sya ni Kumag."We have a reservation for two Blake Almindrez." So Blake pala ang pangalan nitong kumag na ito akala ko iaddress ko nalang sya ng MR.CEO or worst his surname would works. Napapaisip tuloy ako kung siya ba talaga ang CEO o joke lang ang lahat ng ito dahil mukhang hindi naman siya umaasta gaya ng titulong nakadikit sa pangalan niya. Nanlaki ang mata ni Ella ng mapabaling sya sakin agad kung tinaas ang kamay ko para tumahimik sya habang nakatalikod pa si Blake. Agad kung binaba ang kamay ko ng makitang humarap na si Blake sa akin. Nakampanti lang ako nang ngumiti si Ella sa akin bilang tugon sa pakiusap ko. "Sir, this way po," guide samin ni Ella. "Ella right? Do you have a Private Lounge?" tanong ni Blake kay Ella na saglit pang natigilan. Gusto kung magbunyi na tinanong niya ‘yon. Dahil natatakot akong makita ako ng ibang tauhan ko dito at magkagulo pa sila. Sa tagal ko ng hindi nadalaw dito siguradong inaantay na nila ako. Plus Yanna is here I don't want her to throw me some questions too. "Do you have one? If you do, Is it okay if we can have one?" Curious na ring tanong ni Blake kaya napatango nalang si Ella bihira lang kasi namin itong inooffer sa client usually more on sa mga group of businessman or friends lang. Masyado kasing mahalay pag sa couple, ayaw namin malawayan ang mga couch ko ang mahal kaya ng bili ko doon. Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng may maramdaman akong kamay na humawak sa likod ko nang tingnan ko ito ay parang wala itong ginagawa sa likod ko at abala lang sa pag-akyat. Ang galing mag-maang-maangan ng lalaking ito akala mo wala itong ginagawang hokage amputa. "Kahit pala late na marami pa ring kumakain dito. Do you serve wine here?" tanong ng usiserong kasama ko habang palinga-linga sa paligid. Actually marami talagang kumakain dito sa resto namin it compose kasi with 2 ambiance yung sa baba casual lang yung gusto mong magmuni-muni ang tahimik ganon doon ka sa babang parte ng restaurant pupwesto. Kung gusto mo naman ng medyo classy dito ka sa taas kita din ang city lights kaya maganda sa gabi meron din kasing lanai din. Hindi kasi similar ang resto namin sa isang simpleng restawran lang. I can say that we're one of a kind. Yabang ko noh! Syempre may-ari ako ei. "Marami pong tao dito, Sir. Kahit gabi na minsan nga po kahit magcoclose na kami gusto pa rin nilang kumain. Kaso mahigpit po ang may-ari ni lilimit nya lang po ang pasok ng client at oras." Magalang na sagot ni Ella habang nakatigil kami sa Lanai sinamantala ko na din na icheck ang area kung may dapat ayusin or kulang pa. "Pero pera ‘yong mga papasok na customer ayaw n’ya?" Napatingin ako kay Blake sa tanong nya kay Ella. Halos din lahat ng kakilala naming ay iyon ang tanong sa akin. Bakit ng ba? Siguro kasi kahit ako ayoko ng magtrabaho lalo na kung uwian na. Syempre ganoon din ang nararamdaman niya. "Sir, hindi lang naman po pera o ‘yong kita ng kompanya o isang business ang mahalaga. Mahalaga din po ang mga taong nagtatrabaho sayo. At karapatan po nilang magkaroon ng maayos na pahinga at maayos na kalusugan kung papagurin po namin sila at papasok kinabukasan baka sa susunod na araw di na po kayanin ng katawan nila. Yun po ang bilin ni Mam Olet sa amin magkakaroon kami ng customer dahil magaling kami at masarap ang pagkain namin hindi po namin kailangang mamilit ng mga tao para kumain sa amin." Hindi ko maiwasang mapangiti habang proud na sinasabi ‘yon ni Ella. Totoo naman pera ang customer, more customer means more sales. But it also affect you’re people. Empleyado rin ako at alam ko ang pagod at stress nang isang trabaho iba-iba man ang demand ng mga posisyong meron sila ay pareho pa rin sila sa huli. Kailangan mo pa ring magpahinga nang husto. "Nice, boss eh! I like this place and i like you. Can I hire you?" tumatawang tanong sa kanya ni Blake. Nanlaki pa ang mata ni Ella sa gulat. Napailing nalang ako sa ginagawa ngayon ni Blake namimirata pa ang kumag na ito ah! "I’m sorry, Sir. Pero solid po kami dito lalo na kay Mam Olet. Ipapaserve ko nalang po ang order nyo Sir/Mam. I hope you enjoy your meal." Magiliw na paalam ni Ella at kumaway pa sakin pasaway talaga. Tahimik akong naupo sa couch at sya paikot-ikot ang tingin sa loob ng vip. Isang round room ito with a half round sofa and round table may tv or karaoke din ito na nakasetup sa gilid. Ang kalahating dingding ng kwartong to ay salamin kaya kitang kita mo ang view sa labas. Walang wifi or any internet connection ang buong ng restaurant ko. It’s exclusively for eating and more bonding. "Alam mo bang after 2yrs. It’s my first time again to have dinner with a girl." nakangiti nyang basag sa nakakabingi naming katahimikan. Napapailing sya pero hindi naman sya nakatingin sakin nakamasid lang sya sa labas. Na para bang may naaalala ito o may biglang gumulo sa isip niya. "Ano naman ngayon? Tinatanong ko ba?" ingos kong sagot. Makapagriddle akala mo naman interesado ako. "Sinasabi ko lang po. Why you’re always so grumpy? Do you have menstruation today?” Halos masamid ako sa seryoso niyang tanong sa akin na animoy parang balewala lang ang itinanong niya. Ngali-ngali kung binatukan ang kumag. Nakakabobo ang mga tanongan niya sa akin ngayon sa totoo lang. "Bastos ang bunganga mo! Naturingan kang mayaman balahura naman ‘yang bibig mo. Umayos ka nga,” nagpupuyos ko sa galit na singhal sa kanya. "Asus, nagsalita ang hindi balahura ang bibig di’ba? Andcfjflvmgktifmeif.." bulong nya sa mga huling sinabi nya kaya hindi ko na naintindihan pa. "Ano ang sabi mo?" nakangiti syang umiiling. "Pesting ‘to wag kang magsasalita kung ikaw lang nakakarinig baka tuluyan kitang gawing pipi." Inis kung umang sa kanya ng bread knife. Isang araw ko palang siyang kasama pero mauutas na ako dahil sa kanya. Hindi na nga siya nagsalita nang dumating ang pagkain namin. Tahimik lang din ang nagsiserve sa amin marami palang bagong hire sila Yanna. Maybe i should talk to them after this dinner. "Alam kung gwapo ako pero wag mo akong masyadong titigan baka maubos at matunaw ako." Maangas nyang anas kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Napahigpit na lang ang hawak ko sa mga kubyertos na nasa mga kamay ko. Dahil baka kaunti pa ay maitatarak ko talaga ito sa lalamonan ng lalaking ito. Sinasaga niya ang kakaunting pasensya na meron ako. Hindi ko napansin napatitig na pala ako sa kanya. May naririnig kasi akong ingay sa labas parang sigawan at may nababasag. Kaso hindi ko masyadong maulinigan kaya nakinig pa ako ng maiigi suminyas ako sa kaharap kung tumahimik siguro. Mukhang naintindihan niya rin naman ang sinabi ko pero maya-maya pa ay tumayo na ito sa kinauupoan niya. "What are you doing?" nagtataka kung tanong nang buksan nito ang pinto. "Titingnan ko lang kung ano ang ingay na ‘yon. Just stay here. Okay?" Seryoso niyang bilin sa akin. Nawala ‘yong kaninang playful at parang batang kausap ko. Hindi na ako nakasagot pa dahil lumabas na agad siya at iniwan ako sa loob ng lounge. Sinubokan kung tawagan si Yanna o anf reception pero walang sumasagot sa kanila. Baka dumami na ang mga tao sa labas kaya hindi na ako nasasagot nila. "Asan na ba ang mokong na ‘yon? May pa stay here stay here pa ei restaurant ko kaya ito. Makababa na nga baka mamatay pa ako sa pag-iisip dito at walang makakita. Mahirap na." Lumabas ako ng lounge at tahimik ang buong second floor dahil mukhang walang tao bukod sa akin. Pagdungaw ko sa may gilid ng hagdanan ay nakita kung nagkakagulo ang mga tao pati ang staff ko. Bababa na sana ako ng may biglang winaksi ako papunta sa gilid kaya ending ang lola mo salampak. "Miss,ano ba dahan-dahan naman," sigaw ko dito ng makabawi ako sa pagkabagsak. Lumingon lang sya sakin na parang ako pa ang may kasalanan sa nangyari. Pakiramdam ko ay nayupi ang pwet ko sa lakas ng bagsak ko sa cement. "Sorry Miss ah! Nakaharang ka kasi baka mamaya hindi na namin maabutan si Allison kasama pa naman nya ‘yong boyfriend nya." Mataray nitong sabi sabay hila doon sa kasama nya at dire-diretsong bumaba. Walang hiyang ‘to hindi man lang ako pinaganti lumayas na agad. Sinundan ko din sila sa baba. Actually, marami pala silang nag-uunahan na makababa hindi lang ‘yong dalawang nakabangga ko. Nakita ko si Blake na tahimik na nakatayo sa gilid at kausap si Yanna walang hiyang lalaking ito kaya pala ang tagal bumalik tsismoso din ei. Baka idol nya din ‘yong Allison kaya todo nood din sya dito lalapitan kuna sana sila ng may mabunggo ako. "Excuse me, Miss watch where you’re going!" Maarteng sabinoong babaeng nakabunggo sa akin. Kung makatingin pa ito sa akin ay akala mo kung sinong maganda. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang pa na para bang may hinahanap sa akin bago umingos. Tingnan niya pa ako ulit bibigyan ko talaga ito ng isa para makita mo kung ano ang hinahanap mo. Pesting ‘to! Tatanongin ko na sana ito ng biglang may humila sa kanya at tiningnan kung ayos sya ako kaya tanongin mo ei parang amazona ‘yang babaeng kaharap mo. "Hey, babe are you okay? Sorry hindi ko alam na marami palang tao dito ngayon,” rinig kung sabi sa kanya noong lalaking humila sa kanya. Syempre diko makita dahil medyo may mga nakaharang at most of all dakilang bansot ang lola nyo. "It’s okay babe. I just almost heat the floor because of that clumsy girl. Omg, didn't she notice me while I’m walking she's supposed to be making tabi on the side so that she can't bump at me. The nerve of this people!" Naririnig ko pa ang maarte nyang reklamo sa boyfriend nya ata babe daw ang tawag ei. Hindi ko nalang sila masyadong pinansin kasi sobrang nadumihan yung suot ko baka sabihin ni Kumag mukha na akong basahan. Nakakahiya naman kahit papaano ay boss ko pa din siya. "Umm Miss sorry--" Nilingon ko ang lalaking kasama nya kasi hindi na nito natuloy ang sinasabi. Diko alam pero bigla nalang akong napangiti ng makita ko sya. What a coincedence it is? Sa dami ng tao sya pa talaga ang makakasalamuha ko dito sa restaurant. And I didn't even know na paborito pala nila dito sana lagi akong nagpapareserve ng pwesto para sa kanilang dalawa. After all these years I’m smilling in front of this f*****g ex of mine. Being with someone doesn't give us assurance to happiness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD