CHAPTER XLVII Sa dami ng pagkakataong iniiwasan ko ang lumabas at makatagpo ang mga taong may kaugnayan sa nangyayari sa amin ni Blake ay hindi ako pinapanigan ng tadhana. Dahil nasa harap ko ngayon ang dalawang taong iniiwasan kong makitang magkasama dahil alam kung masakit sa dibdib ito. Pagak nalang akong natawa para sa sarili ko nang makita kung inalalayan ni Blake si Elise na maupo sa isang lamesang nasa di kalayoan ko. Tang’na public restaurant ito pero parang gusto kung magreklamo na ipaban sila dito o kahit saang lugar na hindi ko sila makikita. Ilang beses ko naman ng sinabi sa sarili ko na hindi dapat at lumayo nalang kami ni Asul. Pero sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti sa labi nang anak ko sa tuwing kinukwento niya ang ama niya ay parang dinudurog ang puso ko. Il

