Kabanata 8

1863 Words
Agad na bumungad kay Duncan ang pamilyar na amoy na bumabalot sa loob ng medyo madilim na compartment na binabaan niya. Amoy ng nasusunog na m*******a. As usual, humihithit na naman ang mga ito. May nakabukas na malaking emergency light na nakapatong sa ibabaw ng metalikong lamesa sa isang sulok. Sa tabi nito ay nakakalat ang napakaraming upos ng sigarilyo, mga sachet ng m*******a, mga bote ng alak, baraha, balisong, malalaswang magazines at kung anu-ano pa. Sa isang tabi ay nakatambak ang isang gabundok ng mga damit tulad ng jacket, sweater, t-shirt, sando, short at palda. Meron ding mga underwear at isang negligee. Meron ding mga personal na kagamitan na nakatambak sa isang sulok tulad ng mga wallet, sapatos at shoulder bag. "Balita ko wala kang balak sumama sa gagawin nating heist bukas," biglang sabi ng isang baritonong tinig sa hindi kalayuan. Napasulyap si Duncan sa may-ari ng boses. Si Deepak. Medyo madilim kaya hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito pero alam niya na nakatingin ito sa kanya habang may hithit na foiled pack at nakadekwatro sa kinauupuan. Nakahubad baro ito at kapansin-pansin ang malalaking muscles nito na tadtad ng mga pilat at tattoo. Nagbuga ito ng makapal na usok sabay ngiti upang ilahad ang mapuputi at matutulis nitong mga ngipin. "Alam mong hindi ako pwedeng umalis bukas. Kaarawan ng baby sister ko. And you know Ma," kalmanteng sagot ni Duncan habang nagrorolyo ng foil na may m*******a sa loob. "Gusto niya kumpleto kaming tatlo tuwing may darating na okasyon." Natawa si Nathan na nasa isang sulok at humihithit din. May katabi itong Good Guy doll (ito ang doll na sumikat sa pelikulang Child's Play tungkol sa isang serial killer na napunta ang kaluluwa sa isang manika sa pamamagitan ng dark magic.) Kay Nathan ang manika. Ilang araw na nilang sinusubukang buhayin ito sa pamamagitan ng pag-uusal ng mga ancient Latin at bastardized Druidic language gaya ng sa pelikula ngunit gaya ng inaasahan ay bigo pa rin sila. And that's a pity. Kung inaasahan na nila ang kabiguan, bakit pa nila ginagawa? As if naman na sasanib talaga ang kaluluwa ng fictitious serial killer na si Charles Lee Ray sa katawan ng manika. Ang totoo, trip lang nila ang gawin 'yun. Katuwaan lang nilang magkakabarkada out of boredom and curiosity na rin. Irrational idea lang ito ni Nathan dahil sobrang fan ito ng nasabing pelikula. At ng fictional killer doll as well. Actually, idol ni Nathan ang fictional "Lakeshore Strangler" na si Charles Lee Ray a.k.a. Chucky at sobrang natutuwa ito sa tuwing nakakapatay ito ng mga tao sa pelikula. He thinks it's so cool and awesome and wicked. The more gory and blood the better. Pangarap din ni Nathan na maging serial killer katulad ni Chucky. He always believes that he can do better than Chucky as far as the number of victims is concern, that is. He think he can be more prolific. "Oh, Mighty Damballa. Give me the power I beg of you!" anas ni Nathan habang hawak sa isang kamay ang manika na parang voodoo doll. Halatang may tama na rin ito dahil sa m*******a. Niyugyog nito ang manika habang nakangisi. "AWAKE! Awake awake AWAKE! Hear my voice! Chucky! Hear the voice of your Master. Awake!" Sabay hagikhik na halatang sobrang enjoy na enjoy sa ginagawa. "Oh yeah, Duncan. I know your Ma," sang ayon ni Deepak sa kaswal na tinig na tila nakikipag usap lang ito sa isang uhuging bata. "And you also know me. Ayoko sa mga taong hindi maasahan at walang pakikisama sa grupo." Sandaling tumigil sa ginagawa si Duncan at tinitigan ito. Maging si Nathan ay tumahimik na din. Niyakap nito ang manika sabay higa ng patagilid at namumungay ang mga mata na tumingin kay Duncan. Biglang nagring ang cellphone ni Nathan. Agad naman nitong sinagot ang tawag at ilang sandali pa ay inilagay nito sa tabi ang hawak na manika at tumayo. "That's Cody. Nasa taas na pala siya at naghihintay na pagbuksan ko," natatawang sabi nito. Humithit pa muna ito bago nagsimulang akyatin ang ladder. Nang makababang muli ay kasama na nito si Cody na may dalang isang plastic ng junk foods at mga bote ng mumurahing beer. Kapansin-pansin ang mapulang labi at make up na naka-apply sa hapis na mukha nito. Maging ang mahaba nitong buhok na dati ay unat at nakalugay lang ay medyo kulot na ngayon at may bahagya pang highlights. "Late as usual," anas ni Deepak dito sabay kunot ang noo nang makita ang itsura nito. "At anong nangyari sa 'yo? Mukha kang pokpok." "Sorry, Deepak. Hindi agad ako nakaalis ng bahay because of my sister," paliwanag ni Cody apologetically na medyo namumula pa ang mga pisngi sa hiya habang nakatingin kay Deepak. "Nag-aaral kasi siya ng cosmetics. Sadly, ako ang napag-eksperimentuhan niya." "And she did a very good job," sambit ni Nathan habang pinagmamasdan ng may paghanga si Cody. "Hindi agad kita nakilala. God, para ka talagang babae. Ang ganda mo. Tinitigasan ako sa 'yo." "f**k off, asshole," angil ni Cody kay Nathan at akmang susuntukin ito pero nagbago ang isip at inilagay na lang sa lamesa ang mga bote ng beer at inihagis kay Duncan ang bottle opener. "Duncan, may utang ka, ha. Wala kang ambag ngayon dito sa mga beer," biro nito habang kumukuha ng foiled pack ng m*******a sa lamesa. "Lagi naman," dagdag pa ni Nathan sabay hagikhik sabay higa sabay kuha sa Chucky doll sabay yakap dito sabay pikit. Humithit din ng m*******a si Cody habang binubuksan ni Duncan ang mga bote. Halos mapuno na ng usok ang buong compartment. "Hinay lang sa paghithit," paalala ni Deepak sa tatlo. "May bukas pa." Sabay hithit. "Look who's talking," sabi ni Duncan sabay ngisi at lagok ng beer. Inabutan niya ito ng isa pang bote na kabubukas lang niya. "Seryoso ako, Duncan, my friend." Tumingin si Deepak sa nakahigang si Nathan. "Nathan, nasarado mo ba nang maigi ang pinto?" Hindi sumagot si Nathan bagkus ay tumango lang habang nakapikit at may ngiti sa labi na tila nanaginip. Yakap pa din nito ang Good Guy doll pero hindi na mahigpit. "See?" naiiling na sabi ni Deepak. "That's what I'm talking about." Ibinaba nito ang hawak na bote, tumayo at inakyat ang ladder upang siguraduhin na nakasaradong maigi ang pinto. Nang masiguradong nakasarado ay marahan itong bumaba at nang mga ilang baitang na lang ay bumitaw ito mula sa pagkakahawak at buong giting na lumundag. Nagising at napabangon bigla ang nakaidlip na si Nathan nang marinig ang ingay ng pagtama ng mga paa ni Deepak sa bakal na sahig. Nabitawan nito ang manika. Napamura pa ito sabay balik sa pagkakahiga at parang walang nangyari na muling pumikit. Napangisi si Deepak. Humarap ito kay Duncan at saktong tumama sa mukha nito ang buong liwanag na nanggagaling sa emergency light dahilan para masilayan ni Duncan ng maigi ang dalawang mata nito na nakatitig sa kanya. Mga matang deformed at kulay pula na mistulang sa palaka. So grotesque, lihim na naisaloob ni Duncan. 'Yan ang itsura ni Deepak kapag hindi suot ang sunglass. He looks like a monster. A despicable monster. Like... Like E. T. He does look like E. T. The bad one. And Gollum too. Only darker and more sinister. And crazier. Lihim siyang kinilabutan. Napansin ni Deepak ang pagkakatitig ni Duncan dito. Napangisi ito na parang nababasa ang nasa isip ni Duncan. "You see me now as a monster, right, Duncan? You think I'm a monster." "Huh? H- Hell, no. Of course not! Bakit ko naman iisipin 'yun? No way, man," agap ni Duncan sabay inom ng beer. "C'mon, Duncan. Pamilyar ako sa tingin na ibinigay mo sa akin kanina. You think you can fool me?" "Okay, Deepak. I confess. Hindi mo kasi suot 'yung sunglass mo. Besides, hindi mo naman ako masisisi, right? But no offence, dude. You still look like a normal human being. Only slightly... different," pagpapalubag loob ni Duncan at nagbigay pa ng isang pilit na ngiti. Lalong napangisi si Deepak. "That's- That's very kind of you to say, Duncan, my buddy old friend. I'm getting so emotional right now I could almost give you a big wet kiss." Humithit ito at sabay buga sa direksyon ni Duncan. Napailing ito. "But I know that's not altogether true. I know. Believe me." Hindi na nakasagot pa si Duncan sa sinabi nito. "Okay. As I was saying before I interrupted myself. Let's say na lahat tayong naririto sa loob ay mag-pass out tulad niya." Itinuro nito ang naghihilik na si Nathan. "Because of this." Itinaas ni Deepak ang hawak. "At nalimutan nating isara ng maigi ang pinto. What do you think will or might gonna happen kapag tumaas bigla ang dagat at malayang nakapasok sa loob ng ating munting tahanan ang tubig while we are all having our sweet wet dreams? Anyone?" Hindi sumagot sina Duncan at Cody. Tumango lang sila. Hindi na nila kelangang sagutin ang isang rhetorical question. "Well, I know that you know naman, friends and neighbors. Silly I should ask, eh?" natatawang sabi ni Deepak. "But better be paranoid than sorry, right? And better be a monster than be dead, right, Duncan?" Tumango lang uli si Duncan. "This is our home sweet home not our tomb. Let us not let our home become our tomb," seryosong turan pa ni Deepak. Tumingin ito sa pinakamadilim na bahagi ng compartment kung saan may nakalapat na pintuan papasok sa iba pang compartment. Kailanman ay hindi pa nila ito nabubuksan dahil sa sobrang tibay at kapal ng bakal. Marahil ay naka-locked ito mula sa loob. "The way this submarine must have became a tomb for those unfortunate crew that operated this thing." Nagkatinginan sina Duncan at Cody. Parehong hindi nagpahalata ng takot sa kaisipang baka nga may mga bangkay sa mga inaccessible parts nitong sinaunang sasakyang pandagat. More likely na nangamatayan ang mga taong sakay nito dahil sa lakas ng impact ng pagsadsad nito dito sa mabato at mabuhanging dalampasigan. As of now hindi nila alam kung may survivor ba na nakaalis sa submarine na ito at kung meron man ay bakit hindi nito nireport ang nangyari sa kanila. And that's a mystery that they have no way of unraveling. Minsan ay may mga nakakatakot na naiisip si Duncan sa tuwing mag isa siya dito sa loob. Mga wild imaginations tulad ng baka isang araw ay biglang bumukas ang nakalocked na pinto at lumabas ang mga umuungol na kalansay na balot ng mga kupas at nilulumot na unipormeng pandigma. O di kaya'y may marinig siyang kaluskos mula sa loob ng nakasarang pinto na tila ba may naglalakad at may boses na sumigaw at humingi ng tulong at tawagin ang pangalan niya. Very unrealistic considering the age of this submarine. Very unrealistic but still scary when you think about it. Very scary. And haunting. "Are you scared?" biglang tanong ni Deepak na kay Duncan nakatingin. "Not really," sagot ni Duncan sabay lagok muli ng beer. "Well, you should be," seryosong turan ni Deepak. Lumapit ito kay Duncan at umupo sa harap nito, ang mga mata ay tila nagliliyab sa tuwing tinatamaan ng liwanag na nangmumula sa emergency light. Muli itong ngumiti. "Now tell me your plan..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD