"Ma'am, good morning po. Here's your coffee." Tahimik na lumapit sa desk ko si Sandra at inilapag doon ang tasa ng kape na dala-dala niya. Nang makita kong na-ilapag niya na ang kape ko ay ibinalik ko ang tingin ko sa glass wall ng opisina ko at bumuntong hininga. The sky is serene, it's making me calm. I'm in a deep thoughts right now, but that doesn't make me stressed because of the sky's view. Kapag napapagod ako, ang tanging tinitignan ko ay ang langit. Nai-isip ko kasi na naroon sina Nanay at Tatay... Kaya kapag nakatingin ako roon, pakiramdam ko ay napa-pahinga na ako at ang utak ko. Simula pa lang naman noon, ang pahinga ko na mula sa nakakapagod na mundo ay sina Nanay at Tatay, tsaka na rin ang mga ngiti nilang napaka-gandang pagmasdan. "A-Ah... Ma'am? May kailangan pa po ba ka

