"Ms. Severino, is something wrong? You look like you're out of the world. May nakaka-lutang ba sa itinuturo ko rito?" "Clara... Claralie." "Hoy, Clara! Lutang ka na naman dyan!" Mabilis akong napa-iling nang bumalik ako sa reyalidad. Aligaga akong napatingin kay Ma'am na kanina pa palang naka-titig sa akin. Maski ang mga kaklase ko ay naka-lingon sa akin, ang iba nga ay natatawa pa. "M-Ma'am?" utal-utal kong banggit. "Ano bang nai-isip mo, ha? Bakit parang napaka-lalim naman ng iniisip mo kaya pati dito sa lesson natin ay hindi ka makapag-focus? Lumilipad-lipad ang utak mo kung saan-saan, Ms. Severino," sagot ni Ma'am. Napalunok ako. "A-Ah, wala po, M-Ma'am." Tinaasan ako ng kilay ni Ma'am na parang hindi pa naniniwala sa akin. "M-Ma'am, may I go out? Magr-restroom lang po ako..."

