May nararamdaman siya... At hindi ko maipagkaka-ilang mayroon din ako. Ito ang matagal ko nang iniiwasan, matagal ko nang pinagtataguan, matagal ko nang tinatakbuhan... Pero bakit ito na naman? Bakit kinakailangan ko pang muling maramdaman? Alam kong mali. Maling-mali. Hindi ko dapat 'to nararamdaman... Kasi alam ko na ang kaha-hantungan. Pero, bakit ba hindi ko ito naiwasan? Heto na naman, ang dami ko na namang katanungan na wala akong mahanap na kasagutan. Malinaw, e. Malinaw na malinaw na para sa akin ang tunay niyang nararamdaman. I know that it's real now... Ramdam na ramdam ko na may katotohanan na 'yong nararamdaman niya. Sa totoo lang, ipinaramdam niya sa akin 'yong 'totoong' pakiramdam na iyon simula n'ong naging maayos kaming dalawa. Pero, hindi ko matanggal sa akin 'yong paga

