"I didn't imagine na makakasama pa kita hanggang dito, Clara." Marahan kong nilingon si Sebastian na narito na pala sa tabi ko nang hindi ko namamalayan. We're currently facing the glass window of the hospital where I brought him and my sister. May tama kasi si Cora at si Sebastian kaya agad ko silang dinala rito sa ospital. Kami na nina Brent at Lance ang nag-dala sa kanila dahil si Lucio ay inasikaso ang anak niya. Gustuhin niya man daw sumama, hindi niya raw magagawa dahil a-asikasuhin niya si Lucianna. Itutuloy ko ang kaso ko kay Lucianna. Kung ito lang ang natatanging paraan para matahimik na ang mga buhay naming pare-pareho ay gagawin ko. Hindi ko na hahayaang narito pa siya sa labas dahil ma-panganib ang buhay namin ng kapatid ko kung hindi siya mahuhuli. Nagawa niya ngang kidnap

