Kabanata 2

3595 Words
"Claralie, jusko kang bata ka! Bakit ini-cancel mo ang meeting mo kay Sebastian Laxamana!?" Isang pang-matandang boses ang narinig kong papasok sa opisina ko at nang tumingala ako ay nakita ko si Tita Luzinda. She's Nanay's half-sister and she's the one who guides me now lalo ngayong wala na sa tabi ko sina Nanay at Tatay. Pero, wala akong tiwala sa kaniya, lalo na sa mga ngiti niyang alam kong may balak na naman siyang masama. Sino bang niloloko niya? Anong tingin niya sa akin, tanga? Hindi. Hindi ako 'yong Coralie noon na mabilis magpa-uto, tanga-tanga, at hindi muna nagi-isip. I changed... For the better, I guess? For the better nga ba? Alam kong pera lang ang habol niya sa akin ngayong CEO na ako ng sarili kong kumpanya. How dare her to show up ngayong may pera na ako, ngayong mayaman na ako? Nasaan siya noong panahong walang-wala kami ni Cora nang mawala ang Nanay at Tatay? Wala siya, ipinagtabuyan niya kami, hindi niya kami tinanggap... Ngunit ngayong nagpapaka-sasa na ako sa mga milyon-milyong pera ko, bigla siyang magpapakita, magb-bait-baitan, at sasabihing kamag-anak niya ako dahil pamangkin niya ako? Kamag-anak my ass. May mga kamag-anak na alam mong pera lang ang habol sayo pero noong walang-wala ka, akala mo demonyo kung makapagkalat ng kung ano-anong tungkol sayo, akala mo kung sinong tao para ipagtabuyan ka noon. But, why is she here? Sa tingin niya ba ay tatanggapin ko siya dahil uto-uto pa rin ako? Hindi. Tinanggap ko siya kasi ipalalasap ko rin sa kaniya ang pagtatabuyang ginawa niya sa akin noon. Lintik lang ang walang ganti. I promised myself back then that the every person who rejected us because of who we are before, the every person who fooled us, the every person who made fun of us before will regret what they've done before. At hinding-hindi ko babasagin ang pangakong iyon. Lahat nang taong tumapak, sumira, at kumutya sa amin noon ay sisiguraduhin kong ipalalasap ko sa kanila kung ano ang ginawa nila sa akin noon. Lalo na siya... Lalong-lalo na siya. "And so?" pabalang kong sagot. "Anong 'and so'?" She sat on the chair in front of my desk. "He's a billionaire, Clara! Baka importante ang sasabihin niya at malay mo ay maki-share pa rito sa kumpanya mo!" I bitterly laughed. "What makes you think that I need him in this company?" "Is this still about the past?" Napasimangot siya. Teka nga, ano ba ang pake niya? Kung makapagsalita naman siya ay parang may pake naman talaga siya sa akin, alam ko namang iba ang habol niya sa akin. Anong past? Past, past. Kahit pa past na 'yon, nangyari pa rin. Kahit pa past na 'yon, hindi pa rin 'yon mawawala dahil wala ang ngayon kung wala ang noon. Kahit pa past na 'yon... Masakit pa rin hanggang ngayon. Ang tagal-tagal na n'ong nangyaring 'yon, nakalipas na ang maraming taon, pero 'yong sakit na 'yon ay nandito pa rin hanggang ngayon. Hindi mawala-wala at sa tingin ko ay hinding-hindi iyon mawawala hangga't hindi ko naibabalik sa kaniya ang sakit na idinulot niya. Wala na akong ibang maramdaman sa kaniya kung 'di puro galit at sama ng loob. Gusto kong ibalik sa kaniya ang lahat nang sakit at pait na natanggap ko noon sa kaniya dahil kapag nangyari 'yon... Baka sakaling gumaling na rin 'yong sugat sa puso kong hindi pa rin naghihilom. "Why, Tita?" Muli akong napatawa, peke pa sa pinaka-pekeng tawa. "Hindi ba sapat ang dahilan na ayaw ko lang siyang makausap kaya ipina-cancel ko?" "Hindi!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Tignan mo 'yong mga pwedeng mangyari sa kumpanyang 'to kapag ginusto niyang maki-partner-" I cut her off immediately. "No, Tita. I can do everything for my company, I can buy anything for my company, I don't need other's help. Tulong mo nga, hindi na namin kinailangan noong tinanggihan mo kami, e, ngayon pa kayang kayang-kaya ko na lahat?" Nawala ang emosyon sa mukha niya nang makita kung gaano kalawak ang ngisi ko. Iyon kasing sinabi ko, alam kong tamang-tama siya doon. Aba, dapat lang na tamaan siya kasi kung hindi siya tinamaan ay tanga siya. Binanggit ko na nga mismo na siya, e. "I don't need him and that's it. Final decision, end of conversation," I said with finality. Tumayo na ako at kinuha ang handbag ko para umalis. I left her dumbfounded there. Hindi ko na lang pinansin iyon at lumabas na ng opisina ko, sakto namang nakasalubong ko si Sandra kaya sumabay siya sa akin sa paglalakad. "Ma'am, nagpa-set po ulit ng meeting si Mr. Laxamana n'ong ipina-cancel mo," aniya na ikinataas ng kilay ko. "Cancel it again. Once he or his secretary have set another meeting, just cancel it again. Cancel, cancel, cancel. If you didn't cancel, you will be cancelled. Get it, Sandra?" I smirked. "Yes, Ma'am!" She saluted. Pagkababa namin sa ground floor ay sinalubong ako ng mga body guard ko at personal assistant. Ibinigay ko sa kaniya ang bag ko at kinuha niya naman iyon para dalhin sa kotse. Daig ko pa ang presidente sa dami ng entourage ko. Puro body guard ako sa kanan, kaliwa, harapan, at maski likuran ko. Nasa likuran ko rin si Sandra at ang personal assistant ko, mga nakasunod sa akin. Mahirap na kasi kaya puro body guard ang kasama ko. Hindi pwedeng ako lang mag-isa dahil noon pa lang ay nakatatanggap na ako ng death threats na hindi ko pa rin malaman-laman kung sino ang nagpapadala. I don't know what they're up to and what they need from me. Kung tungkol naman iyon sa mga utang nina Nanay at Tatay noon ay sinigurado ko namang bayad ko na silang lahat, sinobrahan ko pa nga, e. Bukod na nga lang sa isa na hindi ko alam kung saan at kanino ko babayaran. "Ma'am, another meetin-" "Cancel it, my Sandra." I sweetly smiled. "Ma'am, kinukuha ka sa isang brand ng well-known perfume dito sa Manila. Kukuhanin mo po ba or ic-cancel?" muli niyang tanong. "I'm a CEO, not a model," sagot ko at tumigil. Tumigil rin ang lahat at pinagbuksan ako ng kotse. Pumasok ako sa loob at mabilis naman nilang isinara iyon. Sumakay sa harapan, sa tabi ng driver si Sandra at sa likuran naman si Martha, ang personal assistant ko. Hindi sila tumabi sa akin dahil alam nilang ayaw ko namang may tumatabi sa akin. "Why, Ma'am? Pwede naman maging CEO at model at the same time, ah?" Natawa si Sandra. "Let me think of it first." Nang lumingon na ako sa bintana ay hindi na siya umimik. Nagsimula nang mag-drive ang driver hanggang sa makaalis kami sa tapat ng kumpanya. We've been inside the car for thirty minutes, I even saw Sandra and Martha sleeping, nakatutok naman sa daana ng driver habang ako ay nagm-muni-muni lang habang nakatingin sa bintana. Our life changed. Gumanda ang buhay namin, nabibili ko na ang lahat nang gusto at kailangan ko, lahat nang gusto at kailangan ni Cora pero hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil kung kailan nakamit ko na ang buhay na ito ay tsaka pa nawala sina Nanay at Tatay. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko 'yong araw na nangyari iyon at sa tingin ko ay hinding-hindi koi yon malilimutan. Pinangarap kong magkaroon nang maayos na buhay nang kasama ang mga magulang ko ngunit dalawa na lang kami ng kapatid ko ang natira. Sinong hindi magiging masaya? Akala ko kasi noon, kapag mayaman at may pera ka ay magiging masaya ka palagi at makukuha mo lahat nang gusto mo pero parang nawala iyon sa isip ko dahil hindi pala iyon totoo dahil ang totoo ay hindi nga natin makukuha ang lahat nang gusto natin kahit pa marami na tayong pera. Maibabalik pa ba ng pera ko ngayon ang buhay nina Nanay at Tatay? Hindi na. Iyon lang naman ang tanging gusto ko ngayon, ang makasama ulit ang mga magulang ko at maging buo ulit kaming pamilya ngunit parang malabo nang mangyari iyon dahil kahit gaano man karami ang pera ko ngayon ay hindi ko maibabalik ang buhay nila. Kung pwede lang, kung posible lang ay baka ginawa ko na... Pero hindi. Hindi pwede at napaka-imposible. Muntik na akong mapasubsob sa upuan nang biglang huminto ang kotse. Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko at sumilip. "Ma'am, may bigla kasing tumawid," naiiling na sabi ni Manong. Dismayadong akong umiling at muling bumalik sa pagtingin sa bintana. Saktong pagtingala ko sa billboard ay tumaas ulit ang isang kilay ko nang makita ang pagmumukha ni Sebastian doon sa malaking billboard doon. Mukhang nage-endorse rin siya ng isang brand. Natupad niya na pala 'yong pangarap niya? Good for him. Ang ganda-ganda ng ngiti niya doon, pero iyong mga mata niya ay alam kong walang emosyon. Halatang-halata naman, lalo na sa akin na kilalang-kilala siya. He's still that heartless billionaire that I've met years ago. He never changed. Heartless? Hindi siya mukhang heartless noong una naming pagkikita, oo... Pero ang totoo ay wala siyang puso. Wala siyang puso dahil sarili niya ang inuna niya noong kami pa, hindi niya ako inisip... Baka nga hindi talaga tunay ang lahat nang iyon. Baka ako lang ang nagmahal sa aming dalawa... Baka nga... I tried to divert my attention but that damn billboard is an attention seeker! Parati akong napapatingin kaya muli na namang nanumbalik sa isipan ko ang nakaraan naming dalawa. Nakaraang pilit kong kinalilimutan ngunit ayaw pa ng isip ko dahil parating ipinaaalala sa aking isipan... "Sa tingin mo ba, Clara, maipapasa natin 'tong project? Ang gaganda naman kasi ng gawa n'ong ibang group, tapos itong atin ay ganito lang," reklamo sa akin n'ong isang kaklase ko. Narito kaming apat sa canteen, gumagawa ng project na ipapasa na mamaya. Kanina lang kasi iyon sinabi ngunit ipinapapasa na agad dahil may mga materials naman daw n'on sa bookstore dito sa loob ng school at madali lang gawin kaya mamaya na ang pasahan. Tumagal ako rito sa College of San Andreas, maayos naman ang pakikitungo sa akin noong iba ngunit ang iba naman ay sadyang maaarte lang talaga kaya ayaw nilang dumidikit sila sa akin o nadikit ako sa kanila. Para tuloy akong may isang nakahahawang sakit kaya nila iniiwasan ngunit hindi ko na lang rin sila pinapansin para hindi na lang ako masangkot sa gulo at baka mawala pa ang scholarship ko rito, ayaw ko namang madismaya sina Nanay at masayang lang ang pinaghihirapan nila ni Tatay. "Anong ganito lang? Ganiyan lang 'yan pero pinaghirapan naman natin 'yan, 'di ba?" Ngumiti ako. "May mga bagay na kung titignan mo ay parang simple lang ngunit kung aalamin mo ay pinaghihirapan rin iyon ng mga gumagawa n'on. Katulad sa buhay, na kahit pa simple lang ang isang bagay ay may halaga pa rin iyon kasi pinaghirapan iyong gawin ng isang tao." Hindi siya sumagot at ngumuso lang. "Tsaka, sa tingin mo ba hindi ito makakapasa? Pare-pareho lang naman ang project natin at ang pinagkaiba lang ay 'yong mga disenyo at kung anong mayroon ito. Kahit simple lang, pwede pang makapasa. Maganda rin naman iyong mga simple, hindi ba? Katulad rin sa buhay, ang mga tao ay pantay-pantay lang, kaya lang tayo naiiba ay dahil sa itsura natin at sa mga kung anong mayroon tayo pero pare-pareho lang tayo ng halaga. Gets niyo baa ng point ko?" Natawa ang si Andrea. "Oo na, ayan ka na naman kasi sa words of wisdom mo." "'Di naman." Nagtawanan kaming apat at ipinagpatuloy ang kung ano mang ginagawa namin. Nasa gitna kami nang paggawa nang biglang may tumawag sa akin kaya hinarap ko siya na may ngiti sa labi. "Tawag ka ni Ma'am Odette." "Ah, sige." Ngumiti ako at pinanood siyang umalis tsaka hinarap ang mga ka-group ko. "Tawag daw ako ni Ma'am Odette, sasaglit lang ako. Dito lang kayo, ah?" "Mawawala ba kami dito?" Natawa ako at nagpaalam nang aalis na para makapunta na ako sa office ni Ma'am Odette, siya iyong Teacher namin sa isang subject, kaya lang ay hindi ko alam kung bakit niya ako ipinatatawag. Hindi ko alam kung may kailangan ba siya, iuutos sa akin, sasabihin, o ano pa ba. "Ma'am, bakit po?" tanong ko pagkabukas ko ng pinto. Nakasilip lang sa pinto ang ulo ko kaya sinenyasan niya akong pumasok kaya iyon ang ginawa ko. Niyakap ako ng malamig na hangin ng aircon kaya niyakap ko ang sarili ko. Pagkapasok ko ay laking gulat ko nang makita si Sebastian Laxamana doon sa harap ng desk ni Ma'am, prente siyang nakaupo doon at pinanood ako. Naiilang ako dahil sa unang pagkikita naming dalawa, at mas lalong nakakailang iyong mga titig niya dahil parang pinanonood at inaalam niya ang bawat kilos ko. Nakakahiya kaya nanatili lang akong nakatayo, pinaglalaruan ang kamay ko at hindi na siya tinatapunan ng tingin. "Mr. Laxamana is failing his subject, he needs a tutor and I want you to tutor him every free time. Is it okay with you, Ms. Severino?" "P-Po?" Bigla akong nautal. Kinabahan kasi ako dahil sa sinabi ni Ma'am na gusto niya raw na itutor ko itong si Sebastian Laxamana. Pero, bakit naman ako pa? "Do I need to repeat it, Ms. Severino?" "A-Ah, no, no, Ma'am! S-Sige po!" Tsaka ko tinapunan ng tingin iyong Sebastian Laxamana na iyon. Nakita kong ngumisi siya ngunit nang makita niya akong lumingon sa kaniya ay mabilis iyong nawala. "So, okay na ba?" "Okay, Ma'am." Tumayo iyong Sebastian. Dahil sa biglang pagtayo niya ay parang masyado akong nanliit sa kaniya dahil sa tangkad niya. Hindi ko na lang ipinahalata iyon. "We're going, Ma'am Odi," paalam niya kay Ma'am. "Go ahead." Nauna na ako sa kaniyang lumabas ng pinto para hindi na kami magsabay. Pagkalabas niya ay pilit akong ngumiti sa kaniya para hindi ipahalata ang hiya at ilang na nararamdaman ko ngayon. "K-Kailan tayo magsisimula? M-May project kasi kami ngayo-" "Now na." "H-Ha?" "Ie-excuse kita sa Teacher mo." Kumunot ang noo ko. "B-Bakit naman agad-agad?" "I want to study now. Let's go." "Ee?" "Let's go." "Pero k-" "Let's go." Napakamot ako sa ulo ko at sumama na lang sa kaniya. Huminto lang ako sa pagi-isip sa nakaraan nang makarating ako sa mansion ko. May mga sumalubong sa aking mga maid para kuhanin kay Martha ang gamit ko. Nang mawala sila ay doon agad ako lumapit sa isang table malapit sa living room para puntahan ang urn nina Tatay at Nanay. "Nay, Tay, miss ko na kayo..." Malungkot akong napangiti. "I'm still doing my best for the both of you and for Cora." Bumuntong hininga ako at tiningala ang picture nilang nasa malaking frame. Hinaplos ko iyong frame at tipid na ngumiti. "Please, guide me when it comes to decision making. Ang hirap mag-desisyon, Nay. Hindi ko alam kung tama ba o mali, o kung tama lang ba para sa akin pero sa iba ay hindi." Naglabas ako ng saloobin sa kanila katulad na lang ng parati kong ginagawa noon. They were my living diary when they're still alive at sinisikap kong hanggang ngayon ay mapagsabihan ko pa rin sila ng hinanakit, problema, saloobin, at iba pang parati kong sinasabi noon sa kanila. Kung maibabalik ko lang talaga sila ay ginawa ko na... "Ate, nandito ka na pala." Lumingon ako sa grand staircase at nakita doon ang pababang si Cora. I sweetly smiled and nodded. "Did you eat na?" I asked. "Not yet, I was waiting for you." "Then let's eat na." Sabay kaming pumasok sa dining hall at umupo sa upuan. Pinagsilbihan kami ng mga katulong at habang kumakain ay biglang natawa si Cora na labis kong ikinataka. "Ate, naaalala mo 'yong wala tayong makain dati? Puro itlog na nilaga o 'di kaya ay tuyo lang?" Nilingon ko siya, kunot na kunot ang noo. "Bakit?" "Wala, Ate." Unti-unting nawala ang ngiti niya. "Look at these foods, ang dami pero dalawa lang tayong kakain, hindi pa tayo masaya. Pero, dati, iyon lang 'yong pagkain natin pero masaya tayo kasi nandyan sina Nanay at Tatay..." Hindi ko mapigilang hindi maging malungkot para sa kapatid ko. Kahit ako ay nalulungkot sa tuwing iisipin ko nga iyon. May punto naman siya, e. Hinaplos ko ang buhok niya. "Ngayong wala na sina Nanay at Tatay, hindi ka ba masaya kay Ate?" "Masaya naman, Ate, pero iba 'yong feeling kapag nandyan sina Nanay." She sighed. "Don't worry, Cora, I will do my best to make you happy. Wala man sila Nanay at Tatay pero gagawin ko ang lahat para maramdaman mong masaya ka pa rin kahit ako lang ang kasama mo. I am your Mom, Dad, and Ate now, Cora. Don't be sad." I smiled. She smiled, too. "Thank you, Ate. You really are the best." The best? No, I'm the best of the bests. The following day, problemadong-problemado ako. Ayaw akong tantanan ni Sebastian! Sa tuwing ic-cancel ko ang meeting ay magpapa-appointment siyang muli tapos ic-cancel ko lang ulit tapos ganoon na naman. Hindi na siya nagsasawa sa paulit-ulit na cancel na pinagagawa ko. Ayaw niya talaga akong tantanan! "The hell! Just freaking cancel that meeting, Sandra! There's no way that I'll talk to him again!" "P-Pero, Ma'am, ayaw tayong tantanan." Maski siya ay problemado na rin kung paano ic-cancel ang meeting na ipinaa-appoint ni Sebastian. "Tell him that I'm busy!" singhal ko. "By the way, please accept that brand thingy offer. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng Laxamana'ng iyan!" "S-Sige, Ma'a-" Sabay kaming lumingon sa pinto nang biglang iniluwa n'on si Tita na pahangos-hangos, mukhang tumakbo nang napakalayo. Tumaas ang isang kilay ko. Inayos niya muna ang poise niya bago niya sinabi sa akin ang isa na namang problema. "Nandyan si Sebastian!" "H-Ha!?" Hindi ko na alam ang gagawin ko nang sabihin niya iyon. Ano na namang bang problema ng lalaking iyon!? Bakit ba ayaw niya na lang ako tantanan!? Wala naman siyang mapapala sa akin. "Call the securities!" halos pasigaw kong sabi. "Harapin mo na!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Tita. "Ano!? Bakit!? Ayaw ko nga!" Bakit ko haharapin iyong lalaking iyon? Ilang taon ko siyang iniwasan tapos ngayon ay haharapin ko siya nang ganoon kadali? No way! No freaking way! "Harapin mo na, Clara! Kung wala ka nang nararamdaman sa kaniya, haharapin mo siya!" "Tita naman!" Napapadyak ako sa sahig. "May point si Madam, Ma'am. Kasi kung hindi mo siya haharapin, baka isipin niyang may feelings ka pa sa kaniya," segunda ni Sandra. Tumaas ang kilay ko. "The hell? I don't have any feelings for him now! Kung may nararamdaman man ako sa kaniya, galit na lang iyon!" "E 'di harapin mo na!" "Fine!" pagsuko ko. "Ready the red carpet!" Ilang sandali pa bago ako nagdesisyong harapin si Sebastian. Nang sabihin nilang nakahanda na ang ipinahahanda ko sa kanila ay inayos ko na ang sarili ko tsaka ako bumaba. Kahit naman galit na galit ako sa kaniya ay hindi ko maitatangging hindi ako kinakabahan ngayon dahil ang totoo ay kabadong-kabado ako dahil muli na naman kaming magkikita. Matapos ang halos ilang taong hindi kami nagkita ay bigla kaming magkikita ngayon? Sino baa ng hindi kakabahan? Pero, hindi na ako magpapatalo sa mga nararamdaman kong kaba. Si Sebastian lang naman 'yon, kayang-kaya ko na siya ngayon. Nang sa sandaling makatapak ako sa pinakadulo ng red carpet ay itinaas ko ang noo ko. Nakita ko siya doon sa dulo, may kausap na kung sino. May mga nakapaligid rin siyang body guards sa kaniya katulad na lang noon. Silence enveloped the whole lobby. Kung kanina ay maingay pa, parang unti-unting humina iyong mga ingay mula sa mga taong nagu-usap nang dumating ako. Dahil sa ingay sa paligid ay napalingon na si Sebastian sa akin. When our eyes locked, I suddenly felt something inside my heart. I know that it's not love... It's pain. Walang hanggang katapusang sakit ang nararamdaman ko. Tinitignan ko pa lang ang mga mata niya ay isa-isa nang nagbabalikan sa alaala ko ang mga alaala namin noon at wala akong ibang maramdaman kung 'di sakit ngayon... Parang naglaho ang lahat ng galit ko at napalitan ng sakit. Gusto kong tumalikod at tumakbo paalis ngunit narito na ako kaya kailangan kong tapangan ang sarili ko. Hindi pwedeng mapahiya ako dahil mapapahiya rin ang pride ko kapag ginawa ko iyon. Sa labang ginawa naming dalawa, sisiguraduhin kong ako ang mananalo. Nang tumapat na ako sa kaniya ay nanumbalik iyong pakiramdam ko noong nanigas at nailang ako sa kaniya noong naatasan akong i-tutor siya noon. Naaamoy ko pa lang ang pabango niyang hindi niya pa rin pinapalitan hanggang ngayon ay sumasakit na ang puso ko at gusto nang umiyak. That scent was special for me, for him... And For us. But that was before. Iba na ang ngayon sa noon dahil kung noon ay may nararamdaman pa ako sa kaniya, ngayon ay wala na at kagagawan niya ang lahat kung bakit hindi ko na siya mahal ngayon. "Clara..." he uttered my name. Pinasadahan niya akong tingin mula ulo hanggang paa. Unti-unting umangat ang sulok ng labi ko at taas noong tumingin sa kaniya. "Good morning, Mr. Laxamana," I greeted with formality. Inilahad niya ang kamay niya kaya napatingin ako doon. Nag-alinlangan pa ako noong una kung makikipag-kamay ba ako pero sa huli ay tinanggap ko na lang ang kamay niya. Nang sandaling mahawakan ko ang kamay niya ay nanumbalik sa akin ang pamilyar na kuryenteng parang naramdaman ko na noong una niyang hinawakan ang kamay noon. All I can feel right now is waves of nostalgia. Parang sinasadya iyon dahil kung ano pa iyong mga pinaka-masakit na alaala naming dalawa ay iyon pa ang ibinabalik sa isipan ko. "It's nice to finally see you again." Ngumisi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD