Okupado ang isipan ko habang pinanonood si Sebastian na nalulunod sa sarili niyang dugo, ngunit kahit pa masyadong puno ang isip ko ay nagagawa ko pa ring maglakad nang mabilis habang tinutulak ang stretcher kung saan siya nakahiga para mai-pasok siya sa emergency room. "He's losing too much blood," nanginginig ang bibig ko habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak simula kanina nang saluhin niya ang balang dapat sa akin mapupunta. He just saved my life, even though I didn't ask for it. Nasasaktan ako, oo. Ang sakit at ang lungkot para sa akin na nakikita ko siya sa ganitong sitwasyon at ang malala pa roon, nagka-ganito siya nang dahil sa akin. I am the reason why he's here. Nakokonsensya ako kahit pa hindi ko naman ginustong magpa-li

