"Good afternoon, Clara." It was in the middle of February, mas dumarami ang sales kaya narito ako palagi sa kumpanya. Hindi ako pwedeng mag-pabaya lalo ngayong kailangang narito ako. Halos kulang na lang ay dito na ako matulog sa kumpanya. I'm tired, yes, but everytime I think of the reason why I'm here, parang nawawala na lang ang pagod ko. Ginagawa ko 'to hindi para sa sarili ko dahil ginagawa ko 'to para sa kapatid ko. Para sa future niya... Kaya hindi ako susuko kahit pa pagod ako. Next week ang naka-takdang pag-bisita namin ni Cora sa puntod nina Nanay at Tatay na ipinalipat ko noon sa mas maayos na libingan. Kaming dalawa lang ang pupunta dahil ayaw din namang pumupunta ni Tita Luzinda dahil ang palagi niyang rason ay "takot" daw siya at baka raw may "sumunod" na kaluluwa sa kaniy

