Sa pag-lipas pa ng mga araw, ako ang nanatiling nagbabantay kay Sebastian sa ospital dahil hindi pa rin siya nakalalabas. Hindi ko alam kung kailan siya palalabasin ng Doktor pero alam kong malapit na dahil halos ilang araw na siyang narito. Ako ang nagb-bantay sa kaniya simula n'ong araw na nabaril siya. Bihira lang siyang bisitahin ni Lucio dahil iyon din naman ang sinabi ko, na ako na ang bahala kay Sebastian at mag-pahinga na muna siya. Sa pagkaka-alam ko rin kasi ay siya ang humahawak sa kumpanya nila ngayon dahil nga narito pa rin sa ospital si Sebastian. Si Lucianna naman, nasa ospital pa rin at nagpapa-galing. Hindi ako bumisita sa kaniya o tinignan man lang ang kalagayan niya. May galit pa rin ako sa kaniya sa pagta-tangkang pag-patay sa akin na hindi rin naman siya nag-tagumpay

