Hindi pa man kami nagsisimulang kumain ay panay na ang tunog ng telepono ni Wilson marahil ay mayroon itong emergency call. "I have to take this." Tumango naman ako at sinundan ko pa ito ng tingin palabas ng restaurant. Naglagay na ako ng paborito kong sashimi sa aking plato habang palinga linga sa dalawang magpares na nasa aking harapan na mayroon din kanya kanyang business. Kinse minuto din ang itinagal ni Wilson bago ito tuluyang bumalik. "Ok let's eat." Umupo ito saka kumuha ng tempura. "Who's that?" Umiling lang ito na sa tingin ko ay tungkol sa negosyo. Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nagkukwentuhan tungkol sa pagkain na aming kinakain, hindi rin naman kami makapagkwentuhan ng tungkol sa ibang bagay dahil hindi pa naman namin kilala ang isa't isa. "This date is all abo

