Chapter 18

2546 Words
Rocky Point Of View Itinulak ko ito nang marinig ko ang boses ni manang na tinatawag ang pangalan ko. Lumayo naman ito saka napakamot ng kanyang ulo, pakiramdam ko ay namumula na ang buong mukha ko kaya naman pinuntahan ko kaagad si manang sa kusina upang hindi ito makita ni Caleb. Nilabas ko ang pitsel sa loob ng ref at kumuha ng baso roon nagsalin ako ng tubig saka ininum iyon ng diretso na tila ba uhaw na uhaw ako kahit na katatapos ko palang uminum ng juice. "Ano bang nangyari Rocky? Parang uhaw na uhaw ka ata, siya nga pala tumawag ang kuya mo ang sabi niya magluto raw ako ng paborito mong ginataang alimango, halika tignan mo ang lalaki nila." Tumayo naman ako saka tinignan ang mga iyon, malalaki nga at mukhang madami akong makakain nito. "Caleb halika rito tulungan mo akong magluto ng ginataan paborito ito ni Rocky." Halos hindi ako makalingon nang banggitin ni manang ang pangalan ni Caleb sa likuran ko. Bumalik naman ako sa upuan habang umiinum pa rin ng tubig at tinitignan silang dalawa. "Rocky bakit pala ang aga mong umalis kanina tapos hindi ka pa nag-almusal." Bakit ba palagi na lang nila akong tinanong kung bakit ang aga kung umalis kanina at kung saan ako pupunta. Hindi ba pwede na maaga lang akong magising. "May lakad kasi ako manang, sige po aakyat na ako sa taas." Mabilis akong tumayo at naglakad patungo sa hagdan. Bakit ko ba kasi sinabing nagseselos ako? Naku naman Rocky ano bang tumatakbo sa isip mo. Binagsak ko ang katawan ko padapa sa kama na tila ba nawalan ako ng baterya, nang biglang mayroon kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Hindi naman siguro si Caleb ito para sundan pa ako rito sa kuwarto. "Come in." Habang nakadapa pa rin ako at nakapatong ang unan sa ulo ko. Narinig ko ang pag bukas ng pinto at ang yabag ng paa na papalapit sa akin. Pigil pa ako sa paghinga para pakinggan ang sasabihin nito, napakunot nuo ako dahil tumahimik bigla ang paligid. Imahinasyon ko lang ba na may kumatok? Napakapit pa ako sa unan na nasa ulo ko, hindi kaya mayroon multo? Umupo pa ito sa kama saka nito hinawakan ang balikat ko kaya naman sa sobrang gulat ko ay naihampas ko ang unan na nasa ulo ko. "Ano ba Rocky." Habang nakaharang ang mga braso nito sa unan na inihahampas ko at ito ay tumayo samantalang napalaki naman ang mata ko dahil narito sa kuwarto ko ngayon si Caleb. Inayos ko ang sarili ko saka umupo sa kama ko. "Anong ginagawa mo dito sa kuwarto ko?" Napalunok ako nang umupo ito sa kama ko saka nito inihagis sa mukha ko ang jacket at telepono na hawak nito. "Naiwan mo sa sala kanina, siya nga pala kanina pa tumatawag si Wilson." Tinignan ko naman ang telepono ko at nakita kong nakasampung miscalls na ito. Tumayo itong muli saka naglakad patungo sa pinto at pinindot ang lock nito. "Anong ginagawa mo?“ Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at napalunok ng laway nang lumapit ito sa akin. "Ang sabi mo nagseselos ka sa amin ni Tonet totoo ba?" Mukhang seryoso ang tanong ng mokong na ito dahil napakaseryoso ng mukha nito at talagang ni lock pa nito ang kuwarto ko para lang tanungin ang bagay na ito? “Oo sinabi ko nga nagseselos ako sainyo pero hindi kay Tonet, hindi ko pinagseselosan si Tonet. Nagseselos ako sa iyo dahil gusto ko si Tonet." Napangisi ako habang tinitignan ito, sana lang ay maniwala ito. "Kung talagang kaibigan kita Caleb layuan mo si Tonet, dahil ang kay Rocky ay kay Rocky lang." Dugtong ko pa napatawa naman ito ng bahagya dahil sa sinabi ko. "Iyon lang ba? Walang problema." Inilabas nito ang kanyang telepono sa bulsa at ipinakita nito sa akin iyon pinindot nito ang contact list nito saka binura ang contact number ni Tonet. "So wala na tayong problema Rocky? Hindi mo na siguro ako iiwasan." Talagang sumunod nga ang mokong na ito sa sinabi ko, ano bang iniisip niya? "Of course basta iiwasan mo na si Tonet wala tayong magiging problema Caleb." Tumango naman ito saka lumapit sa akin hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at ngumiti, tumitig pa ito sa mga ko ngunit hindi ako nagbaba ng tingin sa pagkakataong ito pinandigan ko kung ano ang sinabi ko. "Mayroon ka pa bang sasabihin Caleb? Kung wala na pwede ka ng lumabas ng kuwarto ko." Dugtong ko pa saka naman nito tinanggal ang kamay nito sa balikat ko at nilagay sa pisngi ko ngunit nanatili lang ako sa ganoong posisyon inilapit pa nito ang kanyang mukha sa mukha ko katulad kanina ay mariing itong nakatingin sa mga labi ko sa tingin ko ay mayroon itong binabalak pinikit ko ang mata ko at naghihintay na lang sa gusto nitong gawin. "Ako ang magluluto ng paborito mong ginataang alimango." Wika nito at inalis ang kamay nito sa pisngi ko saka naman ako napamulat at nakita kong napangiti ito. Napangiwi nalang ako habang nakayuko at tumatango rito. Tuluyan na itong lumabas ng kuwarto, nang masiguro kong nakalayo ito saka ko naman nahampas ang unan sa kama ko. "Rocky ano bang ginagawa mo bakit mo sinabi iyon, bakit mo sinabi ng gusto mo si Tonet saan ba nanggaling iyon." Napangiwi na lang ako at binagsak muli ang sarili ko sa kama habang pasipa sipa pa. Pumasok ako sa banyo at naligo para mawala ang kahibangan ko, napapatawa pa ako habang nakatapat sa tumutulung tubig galing sa shower. Muli kong ipinikit ang mga mata ko habang pumapasok sa isipan ko ang paglapit ng mga labi namin ni Caleb. Napakagwapo nga nito katulad ng sinabi ni Farrah at kahit sinong babae ay magkakandarapa rito. Nagbihis na ako saka bumaba ng hagdan sakto naman ang pagdating ni kuya Ronald na mayroon pang dala dalang cake at ibinigay nito iyon kay manang nagtaka naman ako kung ano ang okasyon ngayon dahil marami rin nakahandang pagkain sa mesa maliban sa niluto ni Caleb na ginataang alimango. "Umupo ka na Rocky, magpapalit lang ang kuya Ronald mo at bababa na rin iyon." Ngumiti naman ako saka umupo sa hapag kainan. "Ano bang okasyon manang bakit ang daming pagkain?" Nagsalin naman ng tubig si manang sa mga baso at naglagay pa ito ng tatlong plato sa mesa samantalang dalawa lang naman kami ni kuyang kakain. "Mayroon bang bisita na darating si kuya manang?“ Dugtong ko pa sakto naman ang pagbaba ni kuya sa hagdan at nakangiti ito sa akin. "Manang tawagin mo na sina mang Kanor at Caleb sabay sabay na tayong kumain." Utos naman ni kuya at kaagad naman na sinunod iyon ni manang, pagkabalik nito ay kasama na niya sina Caleb at mang Kanor na sabay sabay pang umupo sa upuan gayun din si kuya, pagkatapos magdasal ni kuya ay kumain na rin kami. "OK let's eat." Naglagay si kuya ng pagkain sa plato ko at hinimayan pa nito ako ng alimango. "Kuya ano bang okasyon ngayon at napakaraming handa?" Ngumiti naman si kuya saka binuksan ang wine na nasa mesa. "2nd Anniversary kasi namin ng girlfriend ko." Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni kuya, ganoon na pala sila katagal ng nobya niya samantalang ni minsan ay hindi pa ko pa ito nakikita at hindi pa nito naidadala sa bahay. "Ganoon na pala kayo katagal ng girlfriend mo kuya pero bakit hindi ko pa siya nakikita? Bakit hindi mo siya sinama dito, I wanna meet her." Ngumiti ito at uminum ng wine na isinalin nito sa wine glass. "Soon makikilala mo rin siya, sa ngayon sobrang busy niya at hindi pa siya handa na makilala mo siya." Nagtaka naman ako kung bakit hindi pa ito handa na makilala ako marahil ay kilala nito ako at kilala ko rin ito kaya naman tumango tango nalang ako habang sumusubo ng pagkain ko. Samantalang naglagay naman ng pagkain sa plato ko si Caleb at napalingon naman rito si kuya. "Kumain ka pa, damihan mo para tumaba ka." Mahinang wika nito habang naglalagay ng ibang potahe sa plato ko ngumiti naman ako rito at napalingon rin kay kuya sabay ng malangiting asong ngiti ko rito. "So Caleb nabanggit sa akin ni dad na isang buwan ka lang palang magiging driver ni Keitlyn at pagkatapos noon babalik ka na raw ng San Luis."Lumingon nman ako kay Caleb at tumango ito. "Oo isang buwan lang ako rito at babalik na ako ng San Luis dahil mayroon akong importanteng gagawin." Napahinto ako sa aking pagkain naalala ko nga pala ang tungkol dito nabanggit na ito ni Cindy at Crissa sa akin noong namasyal ako ng San Luis, dalawang lingo nalang pala ang pananatili rito ni Caleb at tuluyan na itong aalis. "Alright, so ngayon palang kailangan ko ng maghanap ng bagong driver mo Keitlyn para hindi mo na masiyadong gagamitin ang motor mo papasok sa V. E. M or turuan na lang kaya kitang magdrive para naman masubukan mo ang kotse mo, what do you think?“ Tila ba wala akong naririnig sa mga sinasabi ni kuya Ronald at hindi ko ito sinagot. Kung ako lang ang tatanungin ay ayaw kong magkaroon pa ulit ng ibang driver, si Caleb lang ay sapat na ngunit aalis na ito at wala na akong magagawa pa. "Keitlyn?" Tumingin naman ako kay kuya at napalingon rin kay Caleb bago ako sumagot. "Yah sure kuya ikaw bahala." Ngumiti naman ito saka muling uminum ng wine tumayo pa ito at nagsalin din ng wine sa mga wine glass sa aming tapat, tumingin naman ako kay Caleb habang abala rin ito sa wine na ibinigay ni kuya. Pagkatapos namin kumain ay nagtungo kami sa veranda at nagyaya si kuya na uminum kami nina Caleb at mang Kanor. Mukhang ganado si kuya ngayong araw at sinulit ang selebrasyon ng anibersaryo nila ng kanyang nobya. Napapangiti ako habang pinagmamasdan na masaya si kuya Ronald, ngayon ko pa lang ito nakitang ganito kasaya marahil ay wala rin itong problema sa V. E. M del monte branch. "Keitlyn ikaw ba anong gusto mong inumin? Beer? Tequila? Wine? Vodka? Whiskey?“ Habang nag lalakad kami patungo sa aming alcohol room or booze room. Tumingin naman ako saka pinanliitan ito ng mata. "Why? Hindi ba't minsan ka ng umuwi sa bahay ng nakainum? Ano bang iniinum mo noon at nakayanan mo pang magdrive? Alam mo bang sa itsura mo palang noon ay halatang nakainum ka na." Dugtong pa nito sabay ang malakas na pagtawa nito. "Are you making fun of me dahil umuwi ako sa bahay ng nakainum? OK sige maglabas ka ng tatlong tequila." Ngumiti naman ito at kumuha nga ng tatlong Tequila at dalawang Vodka sa may istante saka kami bumalik sa veranda at nakahanda na roon ang mga prutas na nahiwa na. "Ronald apat lang tayong iinum pero bakit lima ang alak na nilabas ninyo? Kasama ba si manang ason sa inuman session natin at tag-iisa tayo?" Napatawa naman si kuya at umupo ito samantalang si manang naman ay kinurot ito sa tagiliran. "Hindi mang Kanor tayo lang apat ang iinum, hindi na pwede si manang dahil walang mag-aasikaso kay Keitlyn pag nalasing ito." Ngumisi naman ako habang nilalapag ang tequila na hawak ko. "Baka ikaw ang malasing kuya at ikaw ang aalagaan ni manang." Umupo naman ako sabay kuha sa mansanas na nakalagay sa mesa. "Oh ayan na pala si Caleb mukhang madaming yelo ang dala nito." Sabat naman ni manang ason. Sinimulan na ni kuya na buksan ang isang bote ng tequila at nagsalin na rin ito sa shot glass. "Tequila shots." Bigkas pa nito saka iniabot sa aming tatlo nina mang Kanor at Caleb habang si manang naman ay taga hiwa ng lime. "Ang dami kuya." Reklamo ko ngunit ininum na nila ang sakanila kaya naman wala na akong nagawa kundi inumin iyon. "Akala ko ba gusto mo ng tequila? Ang dami mo pang kinuha tapos gusto mo konti lang paano natin mauubos lahat ng ito Keitlyn gumagabi na kaya." Hinakbayan nito ako saka muling nilagyan ang shot glass ko. "Minsan lang ito habang wala sina mom at dad." Nginisian ko naman ito. "By the way kuya may outing kami ng mga staff ko sa shop sa Friday baka Sunday na ako makabalik." Singit ko naman para hindi na ito mabigla kung hindi ako makapasok sa kompanya. "Mga staff mo lang ba kasama mo? Bakit ang tagal naman ata." Iniabot nito sa akin ang shot glass na mayroon tequila. "Kasama ko si Farrah at si Wilson, naipangako ko kasi sakanila na mag-a-outing kami once na gumaling ang braso ko, 2 nights and 3days lang naman kami kuya." Tumango naman ito saka lumingon kay Caleb. "OK isama mo na rin si Caleb para may iba kayong kasama basta palagi kang magupdate sa akin at bago ka umalis iendorse mo muna sa secretary mo para walang maging problema." Ngayon palang ay excited na akong ibalita sa mga staff ko na matutuloy na ang pinaka hinhintay nilang outing, ngayon palang ay nakikita ko ng masayang masaya si Larraine. Naubus na namin ang dalawang laman ng bote ng Tequila at halos makalahati naman ang isa, masuka suka ako sa lasa na paulit ulit na pumapasok sa aking lalamunan habang si manang naman ay nagrereklamo na rin sa paghiwa ng lime. "Hindi ba pwedeng mangga o kaya ay pakwan naman ang hiwain ko at iyon ang isabay ninyo diyan sa iniinum ninyo." Nagsitawanan naman kaming apat dahil sa sinabi nito, mukhang nalalasing na ako dahil pumupungay na ang mata ko. Nang biglang tumunog ang telepono na hawak ko. "Hello Farrah napatawag ka?" Islang na tono ng papanalita ko dahil sa lasing na ako. "Nakainum ka ba Rocky?" Wika ng nasa kabilang linya marahil ay nahalata nito sa tono ng boses ko. "Yes Farrah mayroon konting celebration dito sa bahay 2nd anniversary kasi ni kuya at ng girlfriend niya kaya heto inuman session." Nang bigla nitong ibaba ang kanyang telepono. "Sino ba ang kausap mo Keitlyn? Tumatakas ka ba sa pag inum?“ Tumawa naman ako at iniabot sakanya ang shot glass ko. "Si Farrah iyon kuya binabaan ba naman ako ng telepono noong sinabi ko na may inuman session tayo." Tumayo naman ito saka kinuha ang lagayan ng yelo. "Mayroon lang akong kukuhanin sa loob babalik din ako kaagad." Nagsimula itong maglakad ngunit halatang lasing na ito kaya naman napapatawa ako habang tinitignan ito, sumandal naman ako sa upuan at ipinikit ko ang aking mga mata. "Kanor sundan mo nga si Ronald at baka lasing na iyon." Mahinang wika ni manang at binuksan ko naman ng bahagya ang isang mata ko at talaga ngang sinundan iyon ni mang Kanor. "Ikaw Caleb ibalik mo na ang mga iyan sa booze room at hindi na natin papainum ang magkapatid tignan mo sobrang lasing na sila, naku pagnalaman ito ni sir Rodrigo masisisante tayong lahat." Hinarap ko naman ang ulo ko kay manang at nginitian ito habang nakapikit pa rin ako. "Manang huwag kayong mag-aalala dahil minsan lang ito, hoy ikaw Caleb subukan mong ibalik ang mga iyan ngayon palang umalis na ka na dito." Narinig ko naman ang pag tawag ni mang Kanor kay manang at dali dali itong tumakbo papasok ng bahay habang kami ni Caleb ay naiwan sa may veranda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD