Chapter 21

2262 Words
Rocky Point Of View Kinaumagahan napapangiti ako habang nakaharap sa salamin, naalala ko ang nangyari kagabi. Ang malambot na labi ni Caleb na dumikit sa pisngi ko ay tila ba tattoo na hindi na maalis alis. I don't know how to deal with it, will I approach him as if nothing happened or will I ask him why he kissed me. Nagulat nalang ako sa malakas na katok sa pinto ng kuwarto ko galing sa labas. "Keitlyn nasa ibaba na si Wilson, he is waiting for you." "OK I'll follow." Sigaw ko naman at mabilis na inayos ang sarili ko, sa V. E. M ako ngayon kaya katulad pa rin ng dati white shoes, slacks na color beige, white t-shirt at ang blazer ko na color beige rin ang suot ko saka ko isinuot ang eyeglasses ko na nakasabit sa harapan ng damit ko. Napalingon akong muli sa salamin at nakita ko ang sarili ko habang napapangiti at papose pose pa. Kahit sino naman talagang babae ay mapagkakamalan akong lalaki dahil sa style ko. "Good morning Rocky." Malaking ngiti ni Wilson na pasalubong sa akin habang pababa ako ng hagdan. "Hi good morning." Bati ko rin naman dito saka nito hinalikan ang pisngi ko, sabay sabay na kami nina kuya na lumabas ng bahay at sumakay na sa kani kanilang sasakyan samantalang ako naman ay sumakay sa kotse ni Wilson. "So kumusta na ang tagal natin hindi nagkita." Napakunot naman ang nuo dahil sa sinabi nito. Anong ang tagal na namin hindi nagkita, e tatlong araw palang naman. "Ang dami ko kasing ginawa Wilson kaya nag-off muna ako." "Katulad ng pag-inum ninyo ng kuya mo noong nakaraan?“ Napatakip naman ako ng mukha dahil sa hiya. Mukha na ba akong lasinggera? “Ayun ba? Si kuya Ronald kasi nagyaya siya na uminum kami dahil 2nd anniversary nila ng girlfriend niya hindi ko naman matanggihan dahil minsan lang iyon kung magyaya." Tumango tango naman ito. "OK so bukas tuloy ba ang outing?" "Yeah of course, excited na nga ang mga staff ko. Don't forget ha tomorrow sa bahay ang meeting place dahil madami akong dadalhing stuff." Tumango ito saka ito ngumiti sa akin. Nakarating kami sa V. E. M na good mood pareho hindi katulad ng dati na palagi nalang kaming hindi nagkakaintindihan dahil sa madaming bagay na hindi namin pagkakapareho. Nagtungo na ako sa opisina ko at gayun din ito, heto na naman ang mga empleyado ko sa tuwing magbubukas ang elevator ay halos lahat sila ay nakatitig sa akin hanggang sa harapan ng office ko. Lalong lalo na ang sekretarya kong si Nicole na noong minsan ay sinabi nitong mayroon akong volleyball player na kamukha sa T. V. "Nicole, in my office." Mabilis naman itong sumunod sa akin habang dala dala nito ang mga papeles na kailangan kong pirmahan ngayon araw. Umupo ako sa aking swivel chair at gayun din ito. "Magli-leave ako ng tatlong araw mayroon akong business trip, ikaw na ang bahala dito Nicole and I hope pagbalik ko walang maging problema." Nakangiti itong nakatitig sa akin ngunit hinayaan ko na lang ito. "And one thing ikaw na ang makipag meeting kay Mr. Azbal dahil madami akong gagawin mamaya." Dugtong ko pa saka ko inihampas ang papeles sa mesa ko at doon lang ito bumalik sakanyang ulirat. "Yes Rocky I will make sure that everything will be OK." At iniabot ko na sakanya ang mga papeles na pinirmahan ko at lumabas na rin ito sakto naman ang pag tunog ng telepono ko. "Hello?" Sabi ko sa kabilang linya. "Rocky si Caleb ito, yayayain sana kita kumain sa labas, papunta na ako riyan sa opisina mo." Napatayo naman ako at humarap sa may bintana saka ako napangiti. Pagharap ko ay bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa nito si Caleb. Ang sabi niya papunta palang siya, bakit nandito na siya kaagad? Ibinaba ko ang telepono ko sabay ang pag-ayos ng sarili ko. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko hindi ako nakaimik sa ginawa nito bagkus hinawakan ko rin ang kamay nito at lumabas kami sa opisina ko na magkahawak ang kamay, gulat pa ang ibang mga empleyado roon lalong lalo na ang sekretarya ko na si Nicole. Binitawan ko lang iyon nang makarating kami sa labas kung saan nakaparking ang kotse. "Parang biglaan naman ata Caleb, saan ba tayo pupunta?“ Lumingon ito sa akin at ngumiti saka muling bumalik sa pagmamaneho. "Birthday ni Crissa ngayon, pupunta tayo ng San Luis." "Talaga? Birthday ni Crissa alright, dumaan muna tayo sa mall mayroon lang akong bibilhin." Katulad nga ng sinabi ko ay dumaan muna kami ni Caleb sa mall upang bumili ng regalo para kay Crissa, sa totoo lang ay wala naman akong kaide ideya sa pag bili ng gamit pang babae dahil halos panlalaki ang sinusuot ko maliban sa panty at bra. Ipinakita ko pa kay Caleb ang mga napili ko ngunit tinawanan lang nito ako at sinabing hindi gumagamit ng ganoon si Crissa at sa huli ay cake lang at kwintas ang nabili ko para sakanya. "Hindi ka na dapat pa kasing nag-abala Rocky, sinabi ko naman na sa iyo na makita ka lang ng kapatid ko ay magiging masaya na iyon, kita muna pinagpawisan ka tuloy." Pumasok kami sa kotse saka ko pinunasan ang pawis ko sa mukha. "Ano bang klaseng mall iyan ang init sa loob." Tinanggal ko pa ang blazer ko at kinuha ang panyo sa bag ko ngunit hindi ko iyon makita kaya naman kinalkal ko iyon at nalaglag ang gamot na nasa bag ko. Nakita naman iyon ni Caleb at kinuha nito iyon. "Ako na." Sabi nito, napatingin ako sakanya habang binabasa ang nakasulat sa bote ng gamot. "Vitamins para sa puso? Bakit mayroon ka nito?" Mabilis ko naman iyon kinuha at ipinasok sa bag ko. "Para kay tito Rodolfo ito ipapadala ko sana sakanya dahil nabasa ko na maganda raw ito para sa puso." Pagsisinungaling ko naman. Mukha naman itong naniwala dahil hindi na ito muling nagtanong pa. Nakarating kami sa San Luis at bumaba ng kotse, ang daming tao at mukhang madaming bisita si Crissa na halos mga kasing edad niya. Nang makita kami ni Crissa ay kaagad itong tumakbo patungo sa amin ni Caleb at niyakap pa nito ako. Inabot ko naman sakanya ang cake at ang isang maliit na kahon na naglalaman ng kwintas. "Thank you ate Rocky nakapunta kayo ni kuya at salamat dito pwede ko na bang buksan?" Malaki ang ngiti nitong habang hawak nito ang mga regalo ko, kinuha muna ni Caleb ang hawak nitong cake saka binuksan ang maliit na kahon. "Wow ate Rocky ang ganda nito." Nakita nito ang isang manipis na white gold necklace na mayroon heart pendant. "Happy birthday! Nagustuhan mo ba? Pasensiya ka na dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mo." Nagulat nalang ako ng muli nito akong yakapin at napaluha pa ito. "Hays tumigil ka na nga Crissa tara na sa loob." Hinawakan ni Crissa ang braso ko saka kami nagtungo sa loob ng kanilang bahay habang si Caleb naman ay nakasunod sa amin. Umupo kami sakanilang maliit na sala habang si Caleb naman ay naglalabas ng mga plato at kubiyertos samantalang si Christopher naman ay may dalang ulam at kanin na inilapag nito sa lamesita. "Ate Rocky doon muna ako at aasikasuhin ko ang mga kaibigan ko." Tumango naman ako saka ito lumabas, iniikot ko ang mata sa loob ng kanilang maliit na sala habang tinitignan ang mga litrato na nakasabit sa pader, napapangiti akong tinitignan ang mga litrato ni Caleb noong bata pa ito. Tumayo pa ako at nilibot ang kanilang bahay mayroon silang tatlong kuwarto na pare pareho ang laki at mayroon silang maliit rin na kusina at gumagamit sila ng kahoy panluto. Hindi ko ito nakita noong una akong nagpunta rito dahil sa labas lang kami nanatili ni Caleb noon. "Saan ka nagpunta? Magbabanyo ka ba?" Umupo si Caleb sa kawayan na upuan at umupo rin ako. "Hindi, tinitignan ko lang ang bahay ninyo." Tumango naman ito at iniabot sa akin ang plato. "Pasensiya ka na maliit lang ang bahay namin at walang aircon." Tumawa naman ako saka tinanggal ang blazer ko. "Ayos lang walang problema pero saglit lang tayo dito Caleb a baka nakakalimutan mo na mayroon tayong outing bukas." Ngumiti naman ito saka tumango, habang kami ay kumakain ay napapansin ko naman ang panay pagsilip ng mga kaibigan ni Crissa hindi tuloy ako makakain dahil nako-conscious ako. "Caleb may dumi ba ako sa mukha?" Umiling naman ito. "Bukod sa pawis na tumutulo sa mukha mo, wala naman bakit?" Kumunot naman ang nuo rito habang kumakain. "Kasi panay ang tingin nila sa akin." Tumingin naman ako sa direksyon kung saan naroon ang mga kaibigan ni Crissa saka naman tumayo si Caleb at pinuntahan ang mga ito. "Hey anong gagawin mo?" Ngunit hindi nito ako pinansin at dumeretso sakanila. Pangiti ngiti itong bumalik saka umupong muli at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko naman ito pinansin at kumain na lang din ako. Pagkatapos namin kumain ay niyaya nito ako sa labas at pinuntahan namin ang mga kaibigan ni Crissa. Ngumiti naman ako at binati ang mga ito, hindi ko alam kung mayroon bang mali sa mukha ko dahil nakatitig lang ang mga ito saka sila nagbulungan. "Ate Rocky pwede daw bang magpapicture sila sa inyo?" Nagtaka naman ako dahil sa sinabi ni Crissa sa akin, guwapo lang ako pero hindi naman ako artista para magpapicture sila sa akin. "Why? I mean hindi naman ako celebrity Crissa baka my kamukha lang akong artista pero hindi ako artista." Napatawa naman ang mga kaibigan nito. "Hindi po ba kayo iyong The Queen of MotoRacing? Palagi ko po nakikita ang mukha ninyo sa social media." Sagot naman ng isang binata. "Oo nga siya nga iyon kaya pala pamilyar ang mukha ninyo." Napakamot naman ako ng ulo dahil sa hiya at kilala pala ako ng mga batang ito. Wala akong nagawa kung hindi ang magpapicture sa kanila hindi ko alam na kalat na pala sa social media ang pagmumukha ko pagkatapos nilang magpapicture ay bigla akong napatahimik hindi kaya alam na rin ni dad ang tungkol sa pag-re race ko? Paano kung alam na rin pala niya at pigilan niya ako sa pagmomotor ko? "May problema ba Rocky?" Lumingon naman ako kay Caleb at umiling. "Wala naman Caleb, tara na umuwi na tayo at baka gabihin pa tayo sa daan." Tumango ito at Nagpaalam na kami sa mga kapatid nito at sa mga kaibigan ni Crissa. "Salamat ate Rocky sa pagpunta mo dito at sa regalo balik po kayo bukas a." "I'm sorry Crissa pero mayroon akong business trip bukas." Nalungkot naman ito dahil sa sinabi ko. "Ganun ba ate Rocky akala ko makakabalik ka bukas kasi birthday ni.." Hindi na nito natuloy ang sasabihin nito ng sumabat si Caleb. "May business trip si Rocky bukas Crissa at kasama naman ako kaya pag balik namin dito kami dideretso." Kumunot naman ang nuo ko, ano bang sinasabi ng dalawang ito. "Sino bang may birthday? Si Chelsea ba o si Christopher?“ Umiling naman si Caleb. "Wala, walang may birthday. Sige na Crissa aalis na kami at baka magabihan pa kami sa daan maaga pa ang alis namin bukas." Niyakap akong muli ni Crissa saka kami sumakay ni Caleb sa kotse. Nanatili lang kaming tahimik pareho ni Caleb habang nasa biyahe, pinindot ko pa ang music para hindi masiyadong maging awkward sa amin dalawa. Naalala ko na naman iyon nangyari kagabi, paano kung ulitin niya? Hindi, baka nabigla lang siya Rocky at hindi niya iyon sinasadya. Napapalunok ako ng aking laway habang tumatagal dahil kahit na mayroon ng kanta ay tila ba mas malakas pa rin ang t***k ng puso ko rito. Kailangan ko ng ikalma ang sarili ko at baka atakahin pa ako sa puso nito nang bigla akong mapangiti at mapalingon naman sa akin si Caleb. "Ayos ka lang ba Rocky? Anong iniisip mo?" Lumingon naman ako rito habang hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. "Wala Caleb mayroon lang akong naalala." Ibinaling ko ang mukha ko sa harapan saka ako napatakip sa aking labi dahil hindi ko maalis ang ngiti ko kahit na gusto kong iseryoso ko ang mukha ko. "Naaalala? Anong naalala mo? Teka Rocky baka kung ano na iyang nasa isip mo a." Napalingon ako rito habang napapatawa. "Hoy Caleb ang dumi ng isip mo at mali ang nasa isip mo." Habang napapatawa rin ito at nagtama ang mga mata namin pareho ngunit iniwas ko kaagad iyon. "Sa daan ka tumingin at baka madisgrasya tayo." Dugtong ko pa. "Iyong kiss kagabi." Sabi nito. "Ha?" Kunwaring hindi ko narinig. "Ang sabi ko hindi ako nagsisisi dahil sa pag halik ko sa pisngi mo kagabi." Napalingon ako rito ngunit abala ito sa pagmamaneho napalunok naman ako ng laway bago sumagot. "A iyon ba? Normal lang naman iyon Caleb, si Wilson nga araw araw akong hinahalikan pero wala naman malisya." Napangiwi naman ako habang nakatingin sa harapan ng bintana. "Oo nga, alam ko good night kiss lang naman iyon at isa pa Rocky hindi ba't sinabi ko na sa iyo na hindi kita type noong nasa foundation tayo. " Lumingon muli ako rito at ngumiti ito sa akin. Ano? Kailangan pa ba niya ulit uliting sabihin sa akin iyan, alam ko naman iyon at hindi na niya kailangan pang pagdukdukan. At oo nga naman bakit hindi ko naisip na good night kiss lang naman iyon at binigyan ko pa ng malisya, napasapok pa tuloy ako sa aking nuo dahil sa kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD