Chapter 33

2629 Words
Caleb Point Of View Maaga akong nagising upang humingi ng tawad kay Rocky dahil hindi ko iyon nagawa kagabi, ang sabi ni manang ay maaga iyon pumapasok kaya naman hinintay ko na ito sa garahe pumasok na rin ako sa kotse at doon na lamang ito hintayin. Nakita ko ang paglabas nito sa bahay, katulad nga ng sinabi ni manang ay maaga nga ito. Kahit na pa nakakainis ang porma nito ay gandang ganda pa rin ako rito, dumeretso ito sa motor nito kaya naman binusinahan ko ito ng napakalakas saka ako lumabas ng kotse. Napalingon naman ito sa akin na halatang nagulat sa ginawa ko. "Saan ang punta mo?" Tanong ko habang pigil sa pagtawa ngunit hindi nito ako pinansin. "Ang sabi ni sir Rodrigo samahan kita kung saan ka pupunta dahil may lakad ka raw." Dugtong ko pa at kinuha ko ang helmet na hawak nito. "May lakad nga ako kaya ako lang ang pupunta at hindi ka kasama." Pagtataray nito saka hinila ang kanyang helmet hinawakan ko pa ang braso nito. "Driver lang kita Caleb at hindi kita body guard kaya bitawan mo ako dahil male late na ako." Sabi pa nito kaya naman binitawan ko rin ito nang biglang tumunog ang kanyang telepono at mukhang kausap nito si Wilson ang lalaking kasama nito kahapon. Sinabihan pa nito akong marites, ano bang akala niya sa aking tsimoso? "Mang Kanor! Pa bukas po ng gate." At mabilis na pinaharurot ang kanyang motor. Sumakay din ako sa kotse saka ito sinundan, napakabilis nitong magmaneho na tila sumasali sa mga race. Binilisan ko rin sa pagpapatakbo at nakarating ako sa isang flat track racing, bakit narito siya? Mahilig ba siya manuod ng race? Napabili pa tuloy ako ng ticket at nabawasan pa ang dapat na sana'y kikitahin ko. Naupo naman ako kasama ng mga nanunuod roon, nakita ko pa ang pagsuot nito ng protective gear sakanyang katawan. Ano? Sasali siya sa race? Napangisi ako dahil isang kahibangan ang ginagawa niya. Ngunit narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao nang sumakay ito sakanyang motor at pumwesto na sakanyang lugar. Halos mapakapit ako sa aking kinauupuan dahil sa mga stunts na ginagawa ni Rocky at pati na rin sa bilis nito sa pagpapatakbo ng kanyang motor at mas lalo pang naging maingay ang stadium. Napatayo pa ako nang makita itong nakarating na sa finish line at halos mapasigaw pa ako sa pangalan niya habang malaki ang ngiti na nakatingin rito. Nakita ko ang paglapit sakanya ng mga kaibigan niya kabilang na si Wilson na sobra kung makayakap. Mayroon pang isang babae ang napatalon at ngayon ay karga karga ni Rocky, nobya niya kaya ito? Nagsilabasan na ang ibang mga tao na naroon samantalang ako ay nanatiling nakatuon pa rin ang tingin kay Rocky na nasa isang tent na katabi si Wilson. Bumaba ako at nagsimulang maglakad patungo sa kanila, binilisan ko pa sa pag lakad nang makita kong hawakan ni Wilson ang kamay ni Rocky. Ayaw kong sirain ang kanilang kasiyahan ngunit ayaw kong makitang hawak nito ang kamay ni Rocky. Napahinto ako sa kanilang likuran at iniabot ko ang tubig na hawak ko napangiti naman ako dahil kinuha at ininum niya iyon. Napalingon ito sa akin dahil ang mga kaibigan nito ay nakatingin sa akin. Natuwa ako sa sagot nito nang tanungin siya ng kaibigan niya kung sino ako, sinabi nitong family friend at hinawakan pa nito ang braso ko pakiramdam ko ay tila ba ayaw nito akong mapunta sa iba. "No, he was Rocky's personal driver." Napatingin naman ako kay Wilson at ngumisi rito, basag trip naman itong lalaki na ito. "Caleb, yah Caleb ang pangalan niya." Sagot ni Rocky nang tanungin ng isang babae ang pangalan ko. Lumapit sa akin ang isang babae na tila ba inaakit ako ngunit kay Rocky naman nakatingin. "What a nice name." Inaya ako ng babae na umupo sa katabi nito, hindi naman ako tumanggi para hindi ito mapahiya. Napatingin sa akin si Rocky ngunit inalis nito iyon nang bumulong sa akin ang babae na katabi ko. "Tonet pala ang pangalan ko, gaano ka na katagal na driver ni Rocky?" Lumingon naman ako dito at napangiti. "Isang lingo palang." Tipid kong sagot. "Baka naman may alam ka na sakanya, magkwento ka naman." Nagtaka naman ako sa sinabi nito. "Hindi ba't kayo ang magkaibigan?" Napatawa naman ito at tinapik pa ang braso ko kaya naman napalingon muli si Rocky sa amin saka ito ngumisi sa akin ngunit nakita kong tumayo si Wilson at nagpaalam sakanya ito sabay halik sakanyang pisngi tatayo sana ngunit hinawakan ni Tonet ang braso ko. "Magkaibigan nga kami pero madami akong gustong malaman sakanya, alam mo bang matagal ko na siyang gusto." Napatingin ako dito habang ang daliri nito ay nakalagay sa kanyang nguso. "Sshh! Huwag kang maingay secret lang natin a, tara dun tayo sa motor ko." Hinawakan nito ang kamay ko saka kami tumayo at nagpunta sa motor nito na nakaparking katabi ng motor ni Rocky. "Anong sabi mo may gusto ka kay Rocky? Teka sa pagkakaalam ko babae si Rocky." Hinila nito ako at itinapat sa mukha nito. "Don't move, please. Nakatingin siya." Katulad ng sinabi nito ay hindi nga ako gumalaw. "I know, Rocky is a girl but I like her. Sana matulungan mo ako sakanya, napaka cute niya kasi at napakaastig pa." Napakamot naman ako sa aking ulo at lumingon ako sa likod ko ngunit patungo na sa amin si Rocky. "Call me OK?" Inabot ni Tonet ang kanyang calling card at kinuha ko naman iyon. "Aalis ka na ba Rocky? Sabay na tayo." Sumakay ito sakanyang motor at bago nito isuot ang kanyang helmet ay nginisian nito ako, pakiramdam ko ay nagseselos ito. "Bakit? Aalis ka na rin ba? Sa tingin ko naman nag-eenjoy pa si Caleb na kasama ka." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito. "Mag-off ka na muna Caleb, samahan mo muna si Tonet." Sabi nito sa akin at pinaharurot nito ang kanyang motor. "Ang cute niya di'ba?" Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa kasungitan ni Rocky. Ang pagngisi nito sa akin ang lalong nagpaoagand sakanya. "Nabanggit mo kanina na marunong kang mag-ayos ng motor, nariyan ang address ko puntahan mo ako sa bahay ko ngayon at pag-naayos mo bigyan kita ng malaking tip OK?" Tumango naman ako saka nito pinaandar ang kanyang motor. Sinundan ko naman ang address na nakalagay sakanyang calling card. "Hey Caleb, pasok ka." Ngumiti naman ako at kaagad na pinuntahan ang motor nito, mayroon naman itong mga tools kaya hindi na ako mhihirapan pa. Tatlong oras ko rin ito nagawa at nang subukan ko ay gumagana na ito kaya naman tuwang tuwa si Tonet. "Thank you so much Caleb, ang dami ng tumingin diyan pero lahat sila palpak. Talagang na kay Rocky ang suwerte ko." Napatalon pa ito sa saya saka sumakay sakanyang motor, iniabot naman nito sa akin ang isang sobre at nang abutin ko naman iyon ay naramdaman ko na sobrang kapal kaya naman tinignan ko. "10,000 pesos? Tonet ang laki masiyado nito." Ngumiti naman ito sa akin saka bumaba sa motor nito. "Kulang pa nga iyan Caleb, actually itong motor na ito pamana sa akin ni dad ito bago siya mamatay kaya mayroon sentimental value ito." Nalungkot naman ako sa sinabi nito dahil alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng ama. Tumingin ako sa aking relo at pasado alas kuwatro na ng hapon kaya naman naisipan ko na mamasyal ng San Luis para surpresahin ang mga kapatid ko. Mabilis lang akong nakarating roon dahil maganda ang kalidad ng kotse na gamit ko. "Kuya!" Salubong ng mga kapatid ko nang makita nila ako. "Insan, hanep isang lingo ka palang sa San Luis napaka porma muna pati ang kotse mo ang gara." Binatukan ko naman ito nang makapasok kami sa loob ng bahay. "Sa amo ko iyang kotse na iyan saka kailangan medyo malinis tayo insan." Napatawa naman ito at hampasin ng hawak nitong diyaryo. Napansin ko naman ang litrato sa diyaryo saka inagaw iyon sakanya. "Teka insan hindi pa ako tapos diyan." "The Queen of MotoRacing?" Napangiti naman ako dahil si Rocky ang nasa diyaryo. "Kilala mo ba insan?" Napaupo naman ako sa upuan at napatawa habang pasandal dito. "Siya ang boss ko." Ilang beses pang napalingon ito sa akin pati na ang mga kapatid ko. "Weh insan paano mo naman naging amo ang tanyag na manlalarong ito?" "Anak siya ni Don Rodrigo." Sagot ko at hindi pa rin ito makapaniwala. "Big time pala ang boss mo kuya." Napalingon naman ako kay Crissa saka inabot sakanya ang sobre. "Kuya ang laki nito." "Itabi mo iyan Crissa para sa pangangailangan ninyo at hindi na maistorbo si auntie Hasmin." "Ano ka ba naman insan wala naman problema sa amin iyon, Crissa itabi mo nalang iyan para sa baon ninyo sa school." Ngumiti naman ako sa pinsan ko dahil masuwerte ako sakanila at hindi nila pinapabayaan ang mga kapatid ko "Salamat insan." Hinawakan nito ang braso ko at ngumiti sa akin. Alas sais na kaya naman nagpaalaam na ako sakanila, wala rin naman roon si auntie Hasmin dahil nasa mansion ito kasama ni Cindy. Binilisan ko na sa pagmamaneho dahil baka sabihin nila na gumagala lang ako. Nang makarating ako ng San Luis sa bahay nila Rocky ay naabutan ko roon ang dalawang magarang kotse na nakaparking sa labas at nakabukas rin ang gate. Dumeretso naman ako sa pagpasok at iginarahe na ang sasakyan, nakita ko naman roon sa may veranda na masayang nagkukwentuhan sina Wilson at si Rocky. Bumaba ako ng kotse saka nagsimulang maglakad patungo sa aking silid ngunit tinawag ako ni Ronald na nuo'y kasama na rin nila, kaya naman mabilis akong nagtungo sa kanila. Hinakbayan nito ako saka inabutan ng beer tatanggihan ko sana ito ngunit mapilit ito habang takang taka naman si Rocky kung bakit kami close ng kanyang kuya, napatingin din sa akin si Wilson habang nakangisi ito. "We're not close, pero kilala ko ang auntie ni Caleb napakabait ni auntie Hasmin sa tuwing nagpupunta ako ng San Luis ay nagbibigay ito ng gulay." Mukhang gulat naman si Rocky sa narinig nito dahil hindi na ito muling nagsalita pa. Tinawag ito ni mam Dale upang maglabas ng meryenda samantalang pinaupo naman ako ni Ronald sa tabi nito habang mayroon bakanteng upuan sa pagitan namin ni Wilson. Lumabas si Rocky kasama si mam Dale na mayroon dala dalang meryenda inilapag nila iyon sa lamesa habang si Rocky ay nanatiling nakatayo at nakatingin kay Wilson. "Come here Rocky." Sabi nito at umupo si Rocky sa pagitan namin ni Wilson. "Hindi mo na kailangan ang driver mo Rocky dahil ako na ang maghahatid at susundo sa iyo sa company mo." Nagpanting naman ang tenga dahil sa sinabi nito. Mukhang balak pa nitong agawin ang trabaho ko kaya naman pabagsak kong ibinaba ang beer sa mesa at tumingin sakanya napalingon din naman ito sa akin lalong lalo na si Rocky. "Bakit? Nagaaply ka rin ba bilang driver? Kaya ikaw na ang maghahatid at susundo lay Rocky?" Nakita ako ang pigil na pagtawa ni Rocky dahil sa sinabi ko at mukhang napikon si Wilson dahil tumingin ito kay Rocky na siya naman nitong pag-ayos sakanyang sarili. "You know what Rocky, maybe we'd better just talk outside." Tumayo si Wilson na galit na galit ang mukha at hinila ang kamay ni Rocky kaya naman hinawakan ko rin ang kamay nito. Nang bilga itong bitawan ni Rocky dahil napalingon sa amin si Ronald. Nagsimulang maglakad palabas si Wilson at sinundan naman ito ni Rocky, gusto ko rin sanang sumunod ngunit inabutan muli ako ni Ronald ng beer. "Anong mayroon sa inyong tatlo?" Napalingon naman ako kay Ronald habang lumalagok ito ng beer ngunit nagkibit balikat lang ako. Nang matapos na ang masarap na kwentuhan nina sir Rodrigo at ang bisita nito na mukhang lasing na rin ay nagpasiya ng umuwi habang sina Rocky naman at Wilson ay hindi pa rin bumabalik. Naiwan naman ako roon na inililigpit ang mga kalat at inilagay sa kusina, saka naman ako dumeretso sa aming silid nina manang at naabutan ko sila roon sa harapan na nagkukwentuhan ni mang Kanor, tumabi pa ako kay manang at inabot nito sa akin ang hawak nitong kape. "Umalis na ba ang mga bisita ni sir Rodrigo?" Tanong ni manang at tumango naman ako. "Uminum ka rin ba Caleb? Teka kumain ka na ba?" Dugto pa nito ngunit umiling lang ako at ininum ang hawak na kape. "Halika ka sa kusina, ipagluluto kita." Hinawakan ko naman si manang at muli itong umupo. "Huwag na po manang busog pa naman po ako saka inaantok na rin po kasi ako." Napatingin naman si mang Kanor sakanyang relo at napatawa ito. "Alas nueve palang inaantok ka na? Samantalang kagabi alas onse na nag-eehersisyo ka pa." At muli itong napatawa. Sakto naman ang pagdating ni Rocky na masama ang tingin nito sa akin, pumasok na sa loob sina mang Kanor at manang. "Kung mayroon kang sasabihin, sabihin mo na dahil inaantok na ako pinagod ako ni Tonet kanina." Nakita ko ang pagkurot ng nuo nito na madalas nitong ginagawa sa tuwing hindi nito nagugustuhan ang aking sasabihin. Sinabi nito na hindi ko na ito ihahatid at susunduin simula bukas at sa mga susunod pang araw kaya naman ibinaba ko ang hawak kong kape at tumitig dito. "Hindi pwede, kinuha ako ni sir Rodrigo para maging driver mo at ako lang magsusundo sa iyo." Tumayo ako saka pumasok sa aking kuwarto. Sinundan pa nito ako habang galit na galit sa desisyon ko at sinermonan ako na daig pa ang magulang ko, tinanggal ko ang aking damit saka naman ito napatalikod kaya naman na tawa ako sa reaksyon nito na tila ba hindi sanay na nakakakita ng katawan ng lalaki nang biglang tumunog ang telepono ko. "Hello Tonet, sige walang problema magkita tayo." Sabi ko rito dahil inirekomenda nito ako sa kanyang mga kaibigan para ayusin ang mga sirang motor. "Wala ka na bang sasabihin Rocky?" Dugtong ko pa nang maibaba ko na ang aking telepono. Sinabi nito na siya ang amo ko kaya naman siya dapat ang sundin ko kung hindi raw ay magreaign na lang ako, mukhang tinakot pa ako ng babaeng ito. "Kung sabihin ko kaya sa daddy mo na nakikipag race ka? Sa tingin ko nakatiyamba ka lang naman kaya nanalo ka." Nag-iba ang timpla ng mukha nito at mukhang masasapak na talaga ako ngayon. "Anong sinabi mo? Tinatakot mo ba ako? Kung iyan ang dahilan kung bakit ganyan ka umasta pwes hindi ako natatakot." Humakbang ito papalapit sa akin saka nito ang tinignan paibaba kaya naman nakipagtitigan din ako. Sinabi nito sa akin na makipagkarera ako sakanya kung gusto ko raw na ako ang masunod, medyo napaisip ako dahil mukhang matatalo lang naman ako dahil hindi ako ganoon ka galing humawak ng manubela dahil ang madalas kong hawak ay mga tools. Napalunok pa ako ng laway ngunit pumayag na rin ako. Sinabi ko rito ang gusto kong mangyari at kapalit kung ako man ang manalo at ganoon rin naman ito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ko at pumayag ako. "Is that all you want? Sige, pero pag ako ang nanalo umalis ka na rito, umalis ka na sa buhay ko at huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan." Sigaw nito sa akin, mediyo nasaktan ako sa sinabi nito at kailangan ko pa talagang umalis sa buhay niya? "Sige, deal." Tipid kong sabi habang nakapag fist bump ako sakanya, lumapit naman ito at itinaas din ang kamao nito. "So kailangan ko na pa lang magempake ngayon." Mahina kong sabi ngunit para itong bingi dahil deretso lang ito sakanyang paglalakad na tila ba walang narinig akala ko pa man din ay mababago nito iyon ngunit desido itong mapaalis ako ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD