Kabanata 3: Save me? or Save him?

2293 Words
  Bago magmadaling araw ay nakarating na agad kami sa hideout. Nasa gitna kami ng kagubatan. Di ko inaakala na may malaking bahay pala dito.   Medyo natagalan din kaming makarating dito dahil iniiwasan namin ang mga kotse at pulis na humahabol sa amin. Tagumpay ang plano, nadakip ang target. Masaya ang lahat pwera sa akin.   “Athena, kausapin mo naman ako oh? Ano bang kasalanan ko?” Pilit akong sinusundan ni Angelo. May gana pa siyang mag-maangmaangan sa ginawa niya. Gusto ko siyang sampalin, sabunutan at patayin. Pero wala na akong gana upang gawin iyon. Ano pang magagawa ko kung nandyan na ang bata? Inaaksaya ko lang ang panahon ko sa kanila. Oo, nasaktan ako, halos gumuho ang mundo ko sa nalaman ko ang  tungkol sa kanilang dalawa. Pero ano pa ba ang mababago kung pagsasakalin ko silang dalawa? Wala. Pero nasasaktan parin ako. “Athena! Please naman!” Pilit niya akong pinapaharap sa kanya kaya naitulak ko siya. “Baka makita tayo ng magiging asawa mo Angelo” malamig kong sabi. Tinalikuran ko agad siya dahil ayokong tumulo ang luha ko. Pumasok ako sa isang kwarto pero di pa ako nakakailang-hakbang ay agad akong hinawakan ni Angelo sa braso at pinaharap upang mahalikan ako. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay nakakadiri na ang sarili ko kaya tinulak ko siya at sinampal. “Ikaw lang ang magiging asawa ko Athena. Please naman pag-usapan natin ito!” Kitang-kita ko sa mga labi niya ang dugo dahil sa pagkakasampal ko. “Ano? Pinagpapatuloy mo pa ang pagsisinungaling mo? May magiging anak ka na Angelo! Panindigan mo!” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko na para bang hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. “Wag ka nang magsinungaling pa Angelo! Alam ko! Nakita ko! Narinig ko kung gaano ka kasaya nang malaman mong buntis si Roselle at ikaw ang ama! Patuloy mo lang ba akong sasaktan?” “Athena, magpapaliwanag ako.” Lalapit na sana siya sa akin nang kinuha ko ang kutsilyyo sa side pocket ko at itinuon sa kanya. “Kung ayaw mong mamatay, lumabas ka!” Alam kong umaagos ang mga luha ko. Pero galit at poot ang nararamdaman ko ngayon na kahit ano at sinumang lalapit sa akin ay papatayin ko. “Athena--” pero di pa siya tapos magsalita ay inihagis ko bigla ang kutsilyo patungo sa kanya. Napaigting siya sa pagkabigla. Pasalamat siya at agad niyang nailagan ang kutsilyo. “Kung gusto mo pang Makita ang magiging anak mo, hangga’t may natitira pa akong pasensya, Angelo umalis kana” pilit kong pinipigilang sumigaw, ayokong may kung sino man ang makakaalam sa nangyayari sa aming dalawa. Kitang-kita ko sa mga mata niya na nagmamaka-awa na talaga siya. Oo, mahal ko siya pero ayaw kong sirain ang kinabukasan ng bata. Ayaw kong manganak si Roselle na walang aalalay sa kanya. Ayaw kong lumaki ang bata na walang ama. Ayokong maging masama sa mata nila kaya tinitiis ko lahat ng sakit na ibinibigay nila sa akin. Tinalikuran ko siya, sensyas na ayoko nang makipag-usap sa kanya. Tahimik na lumabas si Angelo at isinara ang pinto. Nung ramdam kong wala na talaga siya ay bumuhos na agad ang luha ko. Parang hinahampas ang ulo ko sa sakit dahil sa mga nangyayari ngayon. Parang binibiyak ang puso ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. Yung mga pangarap ko na gusto kong makamit kasama si Angelo ay tila isang alaala na pilit kong ibinabaon sa limot. Mahal na mahal ko siya. Siya lang ang lakas ko nung walang-wala na ako. Siya yung langit sa mala-impyerno kong mundo. Siya yung nagsilbing kasiyahan sa napakalungkot kong buhay. Pero ngayon. Kabaliktaran na ng lahat. “Bravo?” napalingon ako kung saan nanggaling ang boses at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking nakagapos sa upuan na puno ng pasa ang mukha at naliligo sa sariling pawis. Di ko namalayan na pumasok ako sa kwarto kung saan nakakulong ang araw. Parang gusto kong lamunin ako ng lupa sa kahihiyan na nakita niya tungkol sa amin. Bakit walang nagbabantay sa kanya? Nasaan ang naka destino sa pwestong ito? “I thought I watched some kind of drama.” Sabi niya at tumawa ng mahina. Di na ako nag-aksaya pa ng laway upang kausapin siya. Lalabas na sana ako ng bigla niya akong tinawag. “Can you help me?” Tiningnan ko siya. Nakakaawa talaga ang sitwasyon niya pero wala akong magagawa. “No.” tipid kong sagot at pinagpatuloy ang paglalakad palabas “Yeah, I know you can’t help me to escape but can you help me drink that water? I’m thirsty” Napahinto ako sa paglalakad ko at tiningnan ulit siya. Iniisip ko pa masyado kung tutulungan ko ba siya o hindi pero base sa sitwasyon niya ay parang hindi pa talaga siya nakakakain o nakakainom. Hindi naman ako ganun kasama para hindi siya tulungan sa napakaliit na bagay. Iniba ko ang direksyon ng paglalakad ko at lumapit sa kanya. Kinuha ko ang baso sa lamesa at linagyan ng tubig mula sa pitsel at inilapit ko sa labi niya. Kitang-kita ko sa reaksyon niya kung gaano siya kauhaw. Marka ang mga pasa sa gilid ng labi niya. Bakit pa ba siya pinagsususuntok ng mga gagong iyon? Pano nalang kung babawasan ang bayad ng kliyente dahil lang sa mga pasang ito? Nang halos maubos na niya ang tubig ay inilayo ko na ang baso sa labi niya at inilagay uli sa lamesa “I thought you lied.” Sambit niya. Tininignan ko siya sa mga mata niya. Kung tungkol ito kagabi ay masasabi kong oo, hindi ako nagsinungaling. Ayoko munang makipag-usap sa kung sino mang tao. Pero bago pa ako lumakad palayo ay sumagi sa mga mata ko ang pin na hugis araw na nakakabit sa kwelyo ng polo niya. Napakunot ako ng noo dahil sa nakita ko. “Just.. be careful.” Sabi niya bago pa ako tuluyang makalabas ng pintuan. Dahil sa mga huling salitang nasambit niya ay bumigat ang pakiramdam ko. Bakit parang iba ang ihip ng hangin dito? Sigguro dahil lang ito sa sakit ng ulo ko. Pinunasan ko ang mga mata ko upang hindi halatang umiyak ako nang biglang sumalubong si Ricardo. “Enjoyed the climax my dear?”, bulong niya sa akin sabay hapit sa bewang ko. Siniko ko siya upang lumayo siya sa akin pero tumawa lang siya. “Just like what I have thought. Submit yourself to me Athena and you will be the happiest girl alive.” Tiningnan ko siya na naka-extend ang braso na para bang handa akong yakapin anumang oras. Lumapit ako sa kanya  at inilapit anng mukha ko. Marka sa mukha niya ang kasiyahan nang lumapit ako sa kanya. “Alam mo noon ko pa gustong gawin ito.” Sabi ko at ningitian siya kaya ngumiti din siya ng napakalapad. “What my dear?” tanong niya at unit-unting lumalapit sa akin. “This!” agad kong tinuhod ang ari niya kaya napaluhod siya sa sakit. Linakasan ko talaga para mas madama niya na nabe-bwesit na talaga ako sa kanya! “You damn woman! I’ll kill you!!” Sigaw niya sa akin at akmang tatayo upang sugurin ako pero agad ko siya sinipa sa mukha upang matumba siya ng tuluyan. “Aahh!! f**k you!” Galit niyang sigaw. “f**k your self gago!” Sigaw ko pabalik at iniwan siyang nakahandusay sa sahig. Agad na may lumapit sa kanya upang tumulong pero bago pa ako makaliko patungo sa kabilang hallway ay narinig ko ang panay na sigaw niya na papatayin ako. Kung hindi niya lang ako bi-nwesit ay hindi ko  mailalabas sa kanya ang galit na nararamdaman ko ngayon. Lalabas na sana ako nga hideout nang madaanan ko ang isang kwarto na halos bukas ang pinto. Papabayaan ko na sanang bukas yn ng marinig ko ang boses ni boss na parang may kausap sa telepono. Tiningnan ko ang paligid kung wala bang tao bago ako lumapit sa may pintuan. “Sampung bilyong dolyares ba kamo? Amigo walang problema! Nasa kamay na namin ang aroganteng bilyonaryo na iyon.” Tumawa pa ng malakas si boss habang kausap ang kliyente. “Dodoblehin? Dodoblehin mo ang bayad?” Di ako makapaniwala sa naririnig ko. Dalawampung bilyong dolyares? Kapalit ng ano? “Kapalit ang ulo ni Apollo Eilidh Sunniva. Amigo yun lang ba? Walang problema dahil hawak-hawak na namin ang araw.” Tumawa ulit si boss. Parang di ako makapaniwala sa naririnig ko. Napakalaki ng dalawampung bilyong dolyares! Kung ganoon ay Malaki ang kikitain namin! Rinig kong pinutol na ni boss ang linya. Naririnig ko pang tumatawa pa siyang mag-isa. Nagagalak siya sa mga nangyayari. Aalis na sana ako ng bigla pa siyang nagsalita. “Bibigyan ko lang ng konting tatsya ng dolyares ang naging bahagi ng planong ito at sosolohin ko na ang matitira!” Bumuluhakhak pa siya ng tawa! Kung alam  ko lang na mangyayari ito ay hindi na sana ako pumayag na sumali sa planong ito! Wanted pa ako sa mga pulis dahil ako ang nakitang huling kasama ng araw! Parang kumulo ang dugo ko sa galit. Dali-dali akong umalis dahil parang nag-iinit ang ulo ko. Punyeta! Pagkatapos ng lahat ng ito ay kakalas na ako sa grupong ito! Wala na akong pinanghahawakan pa upang manatili pa rito. Babaguhi ko na ang takbo ng buhay ko pagkatapos nito! Pero hindi pa ako nakakalabas ng bahay ay may narinig na naman akong nag-uusap sa labas. Punyeta! Bakit ba palagi nalang akong may maririnig na di ka-ayaaya?! “Iyo na si Athena, akin si Angelo.” Pamilyar na boses ng babae ang narinig ko. “Of course Roselle, she will be mine no matter what it takes!” Galit na sabi ni Ricardo. Kasalukuyan akong nakatago sa likod ng pinto upang marinig ang pinag-uusapan nila. “Gusto kong mamuhay ng tahimik kasama si Angelo at magiging anak namin. Pigilan mo si Athena na makalapit sa amin. Gawin mo lahat kahit babuyin mo man siya o buntisin ikaw na ang bahala.” Sabi ni Roselle. At sa pag-aakala niya pa ay guguluhin ko pa ang buhay nila? “I’m gonna make her pay so bad. I’ll f**k her so bad so that she can’t escape to my grasp anymore.” Sabi ni Ricardo at tumawa. “Kahit patayin mo pa siya” Natigilan ako sa sinambit ni Roselle. “I’ll f**k her then kill her. I’ll make good use of her” Sagot naman ni Ricardo. Parang nawala lahat ng dugo ko sa narinig ko. Dali-dali akong umalis patungo sa araw. Hindi ako mamamatay ng miserable. Dahil sa mga narinig ko ngayon? Hindi ako aatras nang hindi lumalaban. Agad kong binuksan ang kwarto kung saan nakakulong araw. Nasaksihan ko kung paano pa nila pinagtatadyakan ang araw na nakahandusay sa sahig na nakagapos pa sa upuan. Naiinis ako sa mga nakikita ko. Kung gagawin man nilang miserable ang buhay ko ay uunahan ko na sila. “Ako na magbabantay sa kanya. Pinapatawag kayo boss” sabi ko sa dalawang lalaki. Nagkatinginan naman silang dalawa. “Ano pang hnihintay niyo? Gusto niyo yatang magalit si boss.” Dali dali naman nilang kinuha ang mga gamit nila at umalis pero bago pa sila tuluyang makalabas ng pintuan ay tinawag ko yung isang lalaki. “Yung baril, iwan mo.” Sabi ko pero nagdadalawang-isip pa siya kung ibibigay ba niya o hindi pero di nagtagal ay ibinigay niya din naman. “Bantayan mo ng maigi, baka makawala” sabi nung isang lalaki at tumawa ng bahagya at tuluyan na silang umalis. Dali-dali kong ni-lock ang pintuan “Di lang siya ang makakawala, bobo” Napangisi ako sa sinabi ko. Magkakamatayan man tayo ay hinding-hindi ako susuko. Kinuha ko ang mga kailangan kong dalhin. Pero kutsilyo at baril lang ang nakita ko. Tiningnan ako ng araw na kasalukuyang nakahandusay sa sahig kaya lumapit ako sa kanya at pinutol ang tali na nakagapos sa kanya. Kitang-kita ko pang umuubo pa siya ng dugo. “Kaya mo pa?” Tanong ko sa kanya. Halatang naguguluhan na siya mga nangyayari. “I can’t totally save you, but I have to save myself too.” Napapa-ingles na talaga ako pag kasama siya. Tumayo ako at tumungo sa bintana. Nasa second floor kami. Di naman masyadong mataas kung tatalunin ko pero itong kasama ko kaya. “Kaya mo pang tumalon at tumakbo?” Tanong ko ulit sa kanya. Inayos niya ang kanyang damit at pinunasan ang dugo sa labi niya. “Yeah” sabi niya at ngumisi kaya napangisi na rin ako. “Wala akong plano pero gusto kong makalabas ng impyernong ito. Sasama ka ba?” Tiningnan niya lang ako at kumunot ng konti ang noo niya sa sinabi ko. “Well, we just have to escape here, alive. That’s the only plan we have.” Seryoso niyang sabi at kinuha ang necktie niya sa lamesa na may naka burdang araw at inilagay niya sa bulsa niya. Binuksan ko ang napakalaking bintana at tiningan ulit ang araw. “In 3” sabi niy nang makatabi na siya sa akin. “ One..Two..” “Three!!” Sabay kaming tumalon sa bintana at nakalanding naman ng maayos sa lupa pero di ko inaasahan na sa pagtayo namin ay nagkasalubong kami ng mata sa isa sa mga bantay sa labas. “Nakatakas ang araw!!!!” sigaw nito pero bago pa siya makasigaw ulit aya agad ko na siyang binaril sa ulo. “Takbo!!!”Sigaw ko hinila ang araw patungo sa kakahuyan. Di pa kami nakakalayo ay narinig ko pa ang sigaw ni Ricardo.. “ATHENA!!!!!”     To be continued…      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD